1

56 4 0
                                    

Einsajah

Ang ganda ng mga kasuotan nila, ang kukulay, nag-niningning ang mga alahas na nakasabit sa kani-kanilang mga leeg, taenga, mga purselas, singsing. Kulang na nga lang ata ay isuot na nila lahat ng alahas sa aparador nila.

Ngunit kahit gaano sila kagaganda ay napaka-dungis naman ng ugali nila. Katulad ngayon na ginawa nilang hagdanan ang likuran ng kanilang mga alipin nakaluhod ang mga ito sa lupa habang bumababa ang mga mahaharlikang babae sa karwahe na sinakyan nila. Tahimik lang akong nagmamatyag sa mga kilos nila. Taas nuo silang bumaba sa karwahe na ang dala lamang ay pamaypay sa kanan nilang kamay.Napakalaki ng kanilang ngiti sa labi at kitang mong nanghahamak ang kanilang mga tingin.

Isa sa mga alipin ay nawalan ng balanse siguro na rin ay sa pagod at sakit ng kanyang likuran kung kaya't ang isa sa mga mahaharlikang babae ay nahulog sa lupa. Kung titignan pa ang babae ay alam mong nasa mataas syang katungkulan.Ang mga katulad kong nanunuod lamang sa pagbaba nila ay nag si tawanan.Minsan lamang makipag-halubilo ang ang mga mahaharlikang tao sa katulad namin kaya't alam kong hindi ito matatanggap ng babae, tama nga ako roon dahil nakita ko na lang ang isa sa mga kawal ng palasyo na pinugutan ng ulo ang lalaking naging dahilan ng pagkahulog ng babae kahit ito pa ay nagmamaka-awa sa kanyang buhay.

Marami ang tumulong sa babae at mayroon nang maitim na awra sa lugar.

"Sino ang mga nagsitawa kanina? " Mahinahon ngunit ma-awtoridad nitong sabi ngunit walang sumagot sakanya dahil na din sa takot.

Nang walang sumagot ay may kinuha sya sa isang kawal, kita kong isang baril iyon at pinaputok sa kung sino-sino mang nasa harapan nya. Isa na tong normal na pangyayayari dahil ganyan naman ang mga may kapangyarihan, sila nag nasusunod. Kulang malamang ay sila rin ang masusunod sa iyong buhay.

Umalis na ako roon dahil marami pa akong gagawin.Kahit alam kong bawal ay wala akong pake bahala silang magpatayan roon. Naglalakad ako papunta sa bahay namin ng aking pamilya subrang liit nito kita mong pinagtagpi-tagpi lamang itong mga kahoy.

Naroon pa siguro sila sa centro nanunuod pa rin sa mga mahaharlikang babae kanina, may panukalang kailangan nnaming dinggin ng mga sasabihin ng may mga matataas na katungkulan sa gobyerno dahil kung hindi kaparusahan ang matatanggap namin. Walang kuwenta.

Dumeretso ako sa may likuran kung saan ako naglalaba, ito ang mga damit na pinalalabahan saakin kapalit ng pagkain o di kaya naman ay pera. Ito, ito ang mas may kuwenta kaysa sa panunuod sa mga hipokritang mga babae kanina. Nagsimula na akong maglaba napakarami neto, tambak kahit kanina pang umaga sinimulan. Tagak-tak na ang pawis ko ngunit wala akong pakialam o kahit pa kita kong namumula na ang aking kamay at daliri.

"Ate narito na kami!" Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ng isa sa mga kapatid ko. Hindi na ako sumagot dahil alam naman na nila na narito na ako kanina pa.Nang mapagod ako ay tumayo muna ako at lumoob saaming bahay para uminom ng tubig.Nakita ko agad ang dalawa sa aking mga kapatid na nagbabasa sa maliit naming sala katabi ng aking ama at inang nag-uusap sa kung ano. Ang dalawa pang kapatid ko ay naghahabulan sa loob ng bahay. Dumeretso na ako sa may gilid kung saan naroon ang maliit na mesa, kumuha ako ng baso at petsil at dali-dali kong nilagyan ng tubig para mainom na.

"INSA!" pag-tawag saakin ng nanay ko, walang tunog naman akong pumunta roon hawak ang baso ko.Nang naroon na ako tumayo lang ako sa harap nila ng walang imik

"Sinabi kanina na kinakailangan raw ng babae sa palasyo upang maging katulong, mag-apply ka mas malaki ang kita roon kesa sa paglalaba!" Sabi ng aking ina

"Ayaw ko roon, ayaw kong makihalubilo sakanila" Simpleng sabi ko

"Anong ayaw mo?! Hindi mo na nga lang pinatapos ang sasabihin nila kanina! Sila na ang nagbigay ng uportunidad sayo tatanggihan mo pa?!" Matalim ang titig nya ngunit tinignan ko lang sya. Nakakakantok.

" Sa iba hindi saakin"pagtatama ko.

"Subrang naghihirap na tayo!bakit hindi mo nalang tanggapin!" Galit na sya.

"Kayo kaya nag mag trabaho?" sabi ko at umalis na sa harap nila kita ko ang galit sa mata ng aking ina ngunit hindi ko iyon pinansin. Tumungo na agad ako sa likuran para ipagpatuloy ang paglalaba.

Nang matapos ko ito ay sinampay ko na. Gabi na rin ng matapos ako masakit ang buong katawan ko lalo ang kamay ko ngunit kailangan ko pang magluto. Wala eh, tamad sila. Kung iaasa ko to sakanila gutom lang ang aabutin naming lahat.

Nagsaing lang ako at nagprito ng tuyo na uulamin namin, may natira pang apat na kamatis kaya hiniwa ko na sayang naman kung mabubulok. Nang matapos ako ay tinawag ko na sila para kumain. Andami pang reklamo ng aking ina at ama sa pagkaing nakahain pero kakain din naman ang dami pang reklamo, tinulungan sila ng mga kapatid ko. Pinauna ko na silang lahat kumain bago ako, ang natira ay sakin. Nang matapos sila ay walang ingay akong pumunta sa may lamesa at kumain. Ulo ng tuyo nalang ang natira at kunting kanin kaya kumain na ako. Nagtira lang ako ng kunti para sa pusa ko para may kainin.

Naghugas na ako at naglinis. Pumunta na sila sa mga kuwarto nila. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay ,kanila mama at papa ang isa tapos yung isa sa apat ko na kapatid. Kinuha ko lang yung unan at kumot ko sa may aparador at humiga na sa pahaba namin na upuan. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumikit.

(UNEDITED)

Lifeline Where stories live. Discover now