Chapter 3

6 6 1
                                    

Mag kukuwento lang din naman pala, pinatagal pa eh, pero totoo? Bumigay agad? Ang hina niya naman” naiiling iling niyang saad habang inuubos na ang kalahating cake sa kaniyang pinggan. At ako naman ay inuubos ang ice cream.

Chee pero oo nga sabi eh, sayang bakit kasi ganon no? Pag tina target ko sila ay na f-fall din sila sakin. Ganyan ba ako ka charming? ” napa buntong hininga ako sa sinabi.

Binatukan tuloy ako ng katabi ko. “Anong charming? Eh nilalandi mo kasi, pag na fall din naman binibigyan mo sila ng mix signals pero wala ka din namang balak jowain yung tao, pinapaasa mo lang then pagnagsawa ka iiwan mo sa ere, eh saan yung charming don? ” pagsesermon niya sakin.

I just rolled my eyes. “Ang haba ah ” saad ko at humikab kunwari para inisin siya lalo. “Pero teka nga bakit ka nambabatok ? Masakit yon ha

Hayy ewan ko sayo, basta wag na wag kang gumawa ng kalokohan dito, at saka kung mag hahanap ka here ng new crush target lock wag na wag mo akong i... wan ha? ” napatawa tuloy kaming dalawa sa sinabi niya.

Di pwedeng ikaw lang kasi bhe ang unfair” saad pa neto para mas lalo kaming mapatawa.

Oo naman no, best friends tayo eh, no worries meron ka na agad mamaya” pag aasure ko pa sa kanya na nagpatawa na naman sa amin.

Naisipan na naming bumalik na sa room dahil tapos na naman kami sa pagkain.

Habang nagliligpit ay nagawi sa kabilang table ang paningin ko. Wala na sila do'n at hindi ko man lang namalayang umalis na sila.

Isinawalang bahala ko nalang 'yon at ipinagpatuloy ang pagliligpit.

Wash room muna tayo ha” pag aaya ni Cheska sakin.

Akala ko ba sa room na?

Maya na bhe , wash room muna” pagpilit nito.

May time pa din naman kaya tumango nalang ako.

At ngayon ay hinihintay ko pang matapos si Cheska sa loob ng banyo dahil hindi pa siguro ito tapos.

Lumabas na kasi ako agad pagkatapos kong maghugas at itali ang mahaba kung buhok.

Naghintay pa ako ng ilang minuto ng lumabas na din ito sa wakas. Naka tali na din ngayon ang curly at mahaba niyang buhok, into a pony tail like mine.

Ang tagal mo naman” pag rereklamo ko habang nakasandal sa pader sa gilid ng pinto ng comfort room.

Nag ayos pa kasi ako duh di pwedeng pangït ako mamaya pagnakita ko na ang ita target lock mo sakin” tinitirik na naman niya ngayon ang kaniyang mata.

Binatukan ko tuloy siya sa pag seseryuso sa biro ko kanina.“Joke lang eh grabe mamatok ha” saad pa nito.
Inakbayan ko nalang siya at hinatak na para pumunta sa room.

Nag ku-kuwentuhan lang kami habang naglalakad ng mapunta ulit kami sa paulit ulit na topic.

May nakita ka na bang target?
ang para sayo” tanong na naman neto.

“Meron na” nakangiting sagot ko. Napa isip din ako kanina buti nalang at may isip pa ako.

Kumikislap na ngayon ang mga mata niyang bumaling sakin.
Talaga? First day of school ay meron na agad? Tibay ah! At sino naman 'yang kawawa ang na target mo? ” na una siyang naglakad at tumingin sakin, bali baliktad na siya ngayong naglalakad. Imbis na sa unahan tumingin ay salikod yung sa kanya.

DREAM Where stories live. Discover now