Sunod-sunod siyang tumango pagkatapos ay hinila nito ang kaniyang anak palapit sa kaniya para sa isang mahigpit na yakap. Parang may kung anong malambot na humaplos sa kaniyang puso nang yakapin siya pabalik. g bata. Nanatili lamang silang gan'on hanggang sa kinailangan na nitong umalis dahil mahuhuli na ito sa klase.

Si Lazarus lang dapat ang maghahatid pero dahil aalis siya mamaya ay sumama na rin si Almirah. She sat on the passenger's seat while their daughter was at the backseat.

Tahimik lamang ang buong byahe. Paminsan-minsan ay nag-iingay dahil sa mga tanong ni Almiah tungkol sa pag-alis niya. After that, it goes silent again. Iniiwasan na nga lang ni Almirah na mapatingin sa rearview mirror dahil kapag tumitingin siya roon ay nagtatama ang tingin nila ni Lazarus. Whenever their eyes would meet, it was as if he wants to ask her a question but he's doing controlling himself not to because their child was with them.

Pero panigurado si Almirah na kapag naihatid na nila ang bata mamaya, hindi na naman siya titigilan ni Lazarus sa mga walang katapusang tanong nito.

"Bye, Mommy! Bye, Daddy!" The kid said with full enthusiasm. Malapad ang ngiti nito na para bang walang bakas ng lungkot mula kanina.

After kissing them both goodbye, tumakbo na ito papasok sa gate ng kanilang school. Before she could finally enter the building, muli pa itong lumingon sa kanila pagkatapos ay kumaway. They waved back to their daughter before she finally entered the school premises.

Ngayon, silang dalawa na lang ulit ang magkasama. Almirah reminded himself to remain calm. Pinaalala niya sa sarili niya dapat ay hindi niya bigyan ng rason si Lazarus para ilayo sa kaniya ang bata. May tiwala naman siya kahit paano na hindi nito iyon gagawin pero kailangan niya pa ring makasigurado.

"Balik na muna tayo sa bahay dahil may kukunin pa ako. Magpapasundo na lang din ako mamayang paalis," Almirah said as he started the engine.

"Ihahatid na kita," he offered na kaagad tinanggihan ni Almirah.

"I appreciate your kind offer, but no need. Ayoko na ring makaabala pa dahil alam kong marami kang gagawin. Pinauwi ko na kasi iyong sasakyan ko noong nakaraan kaya ngayon ay naabala pa kita. Kung walang available na car para masundo ako, I can just commute. But again, thank you..." she politely declined his offer.

"Is that two days, max? Is it that important na iiwan mo na naman kami..." he paused for a moment before he continues. "...ang anak natin?"

She let out a loud sigh. "I really need to leave, at oo... importante 'tong lakad na 'to. Isa pa, pumayag naman na ang bata kaya wala akong makitang problema ngayon. Babalik din naman ako pagkatapos n'on."

Nag-iwas ng tingin si Lazarus. Kanina pa naka-start ang makina ng sasakyan pero hindi pa sila nakakaalis.

"Tss. Babalik..." bulong bulong pa nito habang nakatingin sa labas at ang kamay ay nasa manibela ng sasakyan.

"Are you saying something?"

"Wala!" Padabog nitong sinabi saka nito ibinaling ang tingin sa harap.

"Oh, e bakit parang galit ka?"

"I'm not." He hissed. Mas humigpit ang hawak nito sa manibela. "Give me your number so I can call you when our daughter wants to talk to you," dagdag pa nito saka inabot sa kaniyang ang cellphone nito.

Dahil reasonable naman para Almirah iyon ay mabilis niyang kinuha iyon at itinipa ang kaniyang numero, nang natapos ah ibinalik niya ito kaagad sa naghihintay nitong palad.

"Kailangan ko rin ng number mo so I could call to ask for an update about my daughter," anito pagkatapos ilahad ang kaniyang bukas na palad.

Lazarus dropped his phone on Almirah's palm. Mabilis niya namang nabuksan dahil wala namang lock pero ibinalik niya iyon kay Lazarus dahil ayaw niyang may makita siyang kung ano. She doesn't want to invade his privacy.

The Billionaire's Bedwarmer - (Book 1)Where stories live. Discover now