Chapter One

23 3 0
                                    

K A D E N C E

"Sh*t!"

I immediately ran downstairs while fixing my hair. Katatapos ko pa lang maligo—ni hindi ko nga alam kung ligo pa rin ba tawag doon o binasa ko lang ang buhok ko.

"Oh, hija? Ang aga mo namang maligo?" Manang Ising, our katulong sa bahay and my 'somehow' guardian, commented the moment she saw me.

"Manang! Bakit hindi mo po ako ginising nang maaga?" Naiiyak kong tanong sa kaniya.

"Huh? Bakit?" Confusion is now written all over her face. Lalo lang tuloy akong naiyak.

"Male-late na po ako sa klase, paano na po ito? Mahirap po ma-late sa college, hindi na po ako aabot sa first—"

"Tanga! Bakasyon ngayon!"

Napahinto ako sa pagdadrama nang biglang may sumingit dito. Sabay kaming napalingon ni Manang Ising sa kapapasok lang na si Orion, pinsan ko.

"Huh?" My forehead creased after hearing what he said. Bakasyon?

Titingin sana ako sa nakasabit na kalendaryo malapit dito sa hagdan nang biglang may pumitik sa noo ko. I looked up to see who was the culprit, and of course! It was Orion.

"Summer break ngayon, katatapos pa lang ng klase niyo last week. Sa August pa pasukan," pagpapaliwanag nito pero kumunot lang noo ko dahilan para pitikin niya ulit kaya hinampas ko naman siya. Aray ha!

Orion and I are cousins and we've been close since we were little. Para na kaming magkapatid kung titignan lalo na't kami lagi ang naiiwang magkasama, our parents are both busy kasi sa work.

He's annoying but I love him—I love him to the point na gusto ko na siyang yakapin sa leeg nang may hawak na lubid o ‘di kaya’y hampasin ng walis tambo na may kasamang pagmamahal.

Paano ba naman, pagkatapos niyang pitikin yung noo ko, bigla ba namang pinisil yung magkabila kong pisngi para raw magising na ako, bwisit!

Kitang dilat na dilat na yung tao oh, hindi ba pwedeng nagloloading lang kanina? Hinabol ko tuloy siya ng walis tambong nahawakan ko.

"Tama na 'yan! Diosmio kayong dalawa!" Naiistress na sambit sa amin ni Manang Ising kaya sabay na kaming natigilan.

"Si Kadence po iyon!" Paninisi niya sa akin dahilan para manlaki bigla ang mga mata ko.

"Anong ako?! Ikaw kaya nangunguna riyan! You saw that Manang Ising, 'di ba? He's teasing me!" Pagdepensa ko. Aba siyempre, hindi ako magpapatalo.

“Pikon!” Pang-aasar niya nanaman.

"Umuwi ka na nga! Ang aga-aga, nang-bwibwisit ka," I said pero tinawanan niya lang ako at inakbayan. Napailing naman sa harap namin si Manang Ising habang natatawaʼt umalis.

"Hindi pwede," pagsagot ni Orion sa akin dahilan para kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?" I asked, confused.

"May pupuntahan tayo, utos ni tita," he answered as he wiggled his eyebrows.

“Really?” I asked. Oh my gosh, biglang naglaho yung inis ko sa kaniya.

Sweet Summer Serenade (Ephemeral Series #1) Where stories live. Discover now