May vacant time ka ba mamaya? nangiting tanong niya.

Oo, bakit? casual na sagot ko.

I just want to invite you to watch our practice. If its that okay with you?

Napakurap-kurap pa ako saka pa lang tumango. Okay, lang ang naisagot ko. Nakita ko naman na ang malapad niyang ngiti iyong tipong first time kong manood sa laro niya. After lunch, dugtong ko pa.

Thats great! Susunduin na lang kita sa room ninyo tapos sabay na lang tayong mag-lunch, masayang wika pa niya.

Hindi na. Kay Venzyl na lang ako sasabay tapos diretso na lang ako sa gym, tanggi ko naman.

Napansin ko naman ang paunti-unting paglaho ng kanyang malapad na ngiti. S-Sige. Ill wait for you.

Tumango na lang din ako. Sige pasok na ko, paalam ko pa at tumabi naman siya para makadaan ako.

Dito kami sa pinakadulo umupo ni Venzyl. Mabuti na lang talaga at pinaghandaan niya ako ng upuan dahil kung hindi, malamang ay doon ako sa pinakauna uupo. Iyong sinasabi nila na istriktong professor ay parang kasinungalingan at pananakot lang naman siguro iyon. Base kasi sa napapansin ko ngayon habang naga-attendance kami ay palagi lang siyang nagbibiro.

Andriana Kate Hermosa?

Sir, sagot ko habang nakataas ang kanang kamay.

Familiar ka sa akin. Tinititigan pa ako ni sir na parang hinahalungkat ng kanyang utak ang nangyari kung saan niya ako nakita. Hindi ba ikaw iyong babae na binigyan ni Kervy ng flowers sa public, pagkatapos ng game nila noong nakaraang taon? tanong niya sa akin at nagsitinginan naman ang mga classmates ko sa akin.

O-Opo, sir. Nautal pa ako kaya pilit na lang akong ngumiti na may halong kaba.

Boyfriend mo ba siya? usisa pa niya.

Hindi po, kaagad na sagot ko.

Halatang sobrang nagkagusto sa iyo ang anak ko, natatawa pang sabi niya. Samantalang ako ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Hala totoo pala iyong sabi-sabi nila? nasurprisang sambit naman ni Sherlon at doon na nagsimula ang ingay ng mga kaklase ko.

Sa engineering department lang ang maraming nakakaalam na mag-ama kami. Hindi talaga makapaniwala ang iba, katulad ninyo kasi nga hindi kami magkamukha. Si Kervy, aaminin ko na gwapo talaga at nagmana iyon sa nanay niya. Maganda kasi ang misis ko kaya may gwapo rin kaming produkto. Medyo may pagkakulit lang tong si Kervy kaya siguro hindi pa sinasagot ni miss Andriana. Sinabayan pa niya ng pagtawa at ganoon na rin ang mga classmates ko. Iyan tuloy ay mas lalo akong nahiya. Wala akong problema sa kung sino man ang maging girlfriend ng anak ko. Kung sino ang gusto niya, sige suportado ako, dagdag pa niya habang nakatinginsa akin kaya pilit na ngiti na lang ang nagawa ko.

Hanggang sa naubos na ang oras at wala naman kaming ibang ginagawa kung hindi ang mag-chicka, nagkakumustahan, at nagpakilala. Iyon nga lang medyo bumalik na naman ang pagkabahala ko dahil sa iniwan niyang mga salita. Sabi ni Professor Uy na kaibigan niya kami ngayon pero next meeting ay hindi na raw. Dahil doon, nabalot na ng kaba ang buong classroom.

Andriana, may pinabigay si Kervy sa iyo. Sabay abot ni Crystal sa akin ng isang maliit na box.

Ano to? takang tanong ko habang nakatitig sa kahon.

Nagkibit-balikat naman siya. Hindi ko iyan tinignan eh.

Sige salamat, wika ko at tiningnan naman niya ako na may halong pang-aasar habang humahakbang pabalik sa kanyang upuan.

Maingat ko pang binuksan itong box dahil baka may mabasag o masira sa loob pero nang mabuksan ko na ay saka ko lang nalamang isang box din pala ng donut ang nasa loob at may kasamang isang bottled water. May nakadikit pa ngang papel ang bote at may sulat-kamay niyang nakalagay.

Hi, Andriana!

Pinadalhan nga pala kita ng snacks para hindi ka magutom. Gusto ko sanang ako mismo ang magbigay sa iyo nito kaso binigyan lang kami ng 15 minutes break ni coach. See you this afternoon na lang. Hihintayin kita sa gym.

Kervy,

Sagutin mo na lang kaya iyan? sabi pa ni Venzyl saka diretsong kumuha ng isang pirasong donut.

Hindi naman siya nagtanong, wika ko pa at bigla niya na lang akong siniko.

May feelings ka rin sa kanya? pabulong na aniya.

Wala, diretsong sagot ko at tiningnan naman niya ako ng tinging nagdududa. Wala nga. Sinabi ko naman sa iyo noon pa na wala talaga. Tingin ko pa lang kasi ay babaero na, sabi ko at tumaas naman ang kanyang kanang kilay.

Well, we cannot sure that pero kita naman talagang lapitin siya ng mga girls. Uminom pa siya ng tubig habang binigyan ako ng thumb up. Anyway, wala nga raw tayong klase this afternoon kasi raw may meeting iyong mga faculties. So magkikita kami ngayon ni Zyrel at ikaw, anong gagawin mo? Saan ka after? Sasama ka ba sa amin or what?

Hindi na lang ako sasama. Ini-invite kasi ako ni Kervy manood ng practice nila mamayang after lunch. Siguro mga isang oras lang ako tatambay roon sa gym tapos uuwi na ako, sabi ko at tumango-tango naman siya bilang tugon.

Lumipas ang ilang oras at nakapag-lunch na rin ako. Dumiretso na ako rito sa gym at nakikita kong nagpa-practice nga ang mga basketball players kasama ang coach nila. Pero iyon nga lang ay wala akong makitang Kervy roon sa court. Hanggang sa may isang player na nakakita sa akin at may itinuro pa sa bandang itaas. Sinundan ko naman iyong turo niya at doon ko lang nakita si Kervy na nakaupo, mag-isa.

Akala ko ba may practice siya? Bakit naka-upo lang siya riyan?

Napabuntong-hininga na lang ako saka humakbang papunta sa pinakaitaas na bahagi nitong mga bench. Hindi niya kaagad ako napapansin dahil nakayuko lang siya at hindi man lang gumagalaw. Ewan ko ba kung badtrip o ano.

Kervy? sambit ko at nag-angat naman siya ng tingin sa akin. Iyong mukha niyang nakasimangot ay kaagad na napalitan ng ngiti.

Akala ko hindi ka dadating eh, aniya saka tumayo at walang pasabing hinawakan ang kamay ko pababa nitong hagdan. Dito ka maupo. Dinala pa niya ako rito sa pinakaharap na bench at pinakamalapit sa kanila. Nandito rin ang mga bag nila nakalagay.

Andriana, kung hindi ka dumating malamang hindi iyan magpa-practice, sabi pa ng isa niyang kasama.

Pilit naman akong ngumiti saka tiningnan itong isa na inaayos ang sintas ng kanyang sapatos. "Huwag kang makinig diyan. Na-badtrip lang talaga ako kanina pero nawala lang noong dumating ka, aniya saka lumapit doon sa mga kasama niya.

Nanood lang ako sa laro nila at hinihintay ang oras. Honestly, nabo-bored ako kasi hindi ko naman talaga alam kung paano laruin ang basketball. Kapag tumitingin siya sa akin at binigyan ako ng ngiti ay pilit ko rin itong sinuklian. Kapag maririnig kong inaasar siya ng mga kasama niya ay nagkukunwari na lang ako na hindi ako nakikinig o nagbi-busy-han sa cellphone. Hindi ko kasi talaga feel eh. Ewan ko rin kung bakit ako nandito.

Kervy? tawag ko sa kanya dahil gusto ko na kasing magpaalam.

Bakit? aniya habang papalapit dito sa gawi ko. Napansin ko naman ang patuloy na pumapatak na pawis niya sa kanyang mukha kaya kinuha ko ang towel na nasa ibabaw ng bag niya saka ibinigay sa kanya. Salamat, nakangiting aniya.

Kervy, kailangan ko ng umuwi. May gagawin pa kasi ako, paalam ko.

Ihahatid kita, aniya saka akmang kukunin ang bag pero pinigilan ko.

Hindi na. Ipagpatuloy mo lang ang practice mo. Kaya ko naman mag-isa eh. Salamat na lang, tanggi ko at pinigyan pa siya ng ngiti pero pilit lang.

May sasakyan naman akong dala kaya makababalik din ako kaagad dito, giit pa niya.

Hindi na. Salamat na lang talaga. Sige na, balik ka roon. Goodbye, Iyon lang at diretsong tinahak ang daan palabas nang hindi man lang siya liningon.

Ang totoo, gusto ko lang umuwi kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagkarating ko sa bahay, for sure nandoon na naman si Trevor. Siguro itutulog ko na lang muna ito. Siguro magpanggap na lang ako na pagod para hindi halatang hindi ko papansinin si Trevor. Hay!

Hidden PagesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang