"Mukang kailangan ko talagang sumama sa iyon. May atraso sa pamilya namin yang kalbong yan at pag babayarin ko siya ngayong gabi." nakangising saad ko bago ako lumapit sa kaniya.

That bastard is one of my Dad's Rival for the position of President. Maayos at fair na nakikipag laban yung Dad ko sa kaniya pero ginawan niya pa kami ng issue. Pinagbintangan ba naman niya yung Tatay ko na serial k*ller. Muntik nang matalo si Dad noon mabuti na lang ay nalaman din ng mga tao ang totoo.

"Teka lang, ako yung may trabahong pat*yin siya ngayong gabi hindi ikaw. Saka hindi ka pwedeng sumama sa akin masyadong delikado. Maraming bodyguard yung lalaking yun." pag pipigil niya sa akin pero tinawan ko lang siya.

"It seems like you're underestimating me Coldy. Hindi ako napupunta sa news paper araw araw ng walang dahilan. I know how to use any weapon Clevy. Mapa bar*l, kuts*lyo, katana o shotg*n kaya kong gamitin yan. I might be stronger than you."pag yayabang ko. Napa buntong hininga na lang ito bago siya nag salita.

"Bahala ka sa buhay mo." aniya bago siya nag simulang mag lakad papalayo at agad naman akong sumunod sa kaniya.

"Don't worry hindi ako pabigat. Kung alam mo lang kahit nga mga member ng gang hinaharap ko eh." saad ko pero hindi niya ako pinansin at lumabas na kami sa mansion.

Ilang minuto din kami nag stay sa tapat ng mansion namin. Simula nung makalabas kami ay wala siyang ginawa kung hindi mag type. Sino kaya yung kausap niya? Napatigil ako sa pag iisip nang biglang may sasakyan na tumigil sa harapan namin.

"Agent Coldicer!" pag tawag ng taong nasa loob nun bago niya kami pinagbuksan ng pinto at agad naman akong pinapasok ni Clevy doon.

"Mas maganda ka pala sa personal Ms Serena Vienn Delacroixvern." aniya nung lalaking nag mamaneho bago siya may inabot na paper bag kay Clevy.

"Wear this Serena." maikling saad nito bago niya inabot sa akin yung paper bag.

"What is this?" tanong ko habang busy pa rin siya sa pag titipa sa cellphone.

"Black fitted dress with a long slit." simpleng aniya at agad ko naman itong binuksan. Habang pinagmamasdan ko yung damit ay may naalala ako. Yung sa pinapanood kase naming movie ni Kenjie kanina ay mayroong babae na ganito ang suot na dress.

"Teka lang Clevy, parang ito yung suot ng mga babaeng malalandi para mag seduce ng mga target nila sa movie. Ibig sabihin ako yung malanding babae?" taas kilay na tanong ko sa kaniya. Grabe ha! Anong tingin niya sa akin malandi?

"Wrong! The slit makes it easier to kick the bad guys and run. Siguraduhin mong hindi ka magiging sagabal sa misyon ko na ito. Para sa akin, lahat ng nagiging misyon ko ay importante." seryosong aniya.

"Mahalaga kase sa kaniya ang pagiging success ng misyon Serena. Simula nung sumali siya sa organization namin ay wala pa siyang misyon na hindi nagiging success. Ako nga pala si Joseph, but you can call me Agent Fire. " aniya nung nag mamaneho. Wala pa siyang pumapalpak na misyon? Ganon ba talaga siya kagaling?

"By the way, kaya mo ba baguhin ang hitsura mo?" tanong ni Clevy.

"Oo nga, may makakakilala sayo kapag pumasok ka sa party ng ganiyan." saad ni Agent Fire.

"Madali lang yan. May make up ba kayo?" tanong ko sa kanila at agad naman nilang inabot sa akin yon. Habang nag mamaneho sila ay sinisimulan ko nang mag lagay ng make up sa sarili ko. Saka lagi pati akong nakalugay ang buhok kaya mag iipit na lang ako.

Maya maya lang ay tumigil na kami sa tapat ng isang mansion. Malaki ito pero mas malaki ang mansion namin. Pinagbihis nila ako sa loob ng kotse at lumabas sila para hintayin ako.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now