CHAPTER 1

3 0 0
                                    

DALE'S POV

"WHAT do you want?" Gray asked coldly when I entered his room. I'm here at their house visiting him. Matagal na rin kasi siyang hindi nagpaparamdam simula nang makapagsimula na kami sa kaniya-kaniyang trabaho. I'm used to his cold treatment since his precious little sister taken away by someone. How many years had passed? 18 years? 19? Hanggang ngayon ay wala paring balita mula sa imbestigador na kinuha nila.

"I'm here to visit you, moron. I called to your office but your secretary told me that you didn't shown up." I sat on the long couch in front of his bed. He looks wasted. Nah. He's really wasted since the beginning. Mas lumala nga lang ngayon.

"I can't find her, bro." Panimula niya. Mukhang maiiyak na naman. Kung iba ang makakakita sa kaniya ay mapagkakamalan siyang broken hearted lalo na sa mga hindi alam kung ano ang dahilan kung bakit siya ganito. But not me because I know the reason why he's being like this. "Kahit siguro libutin ko ang buong mundo hindi ko parin siya mahahanap. Naisip ko, paano kung patay na pala siya? Inanod sa dagat o ilog nang kumuha sa kaniya." Hindi manlang siya gumalaw sa kinahihigaan niya.

"Bro..." Wala akong masabi para pagaanin ang loob niya.

"Pero 'yong isipin ko palang na patay na talaga siya, wala na siya sa mundong ito, nanghihina ako. Para akong pinapatay." Rinig ko ang mahihinang hikbi niya. "Isang beses ko palang siyang nabubuhat, bro. tandang-tanda ko pa kung gaano siya kagaan. Kung paano siya ngumiti sa akin. Parang kahapon lang nangyari, napakasakit. Ni hindi pa nga siya nina Akiro at Darrel." Tukoy niya sa dalawang kapatid na lalaki. "Tandang-tanda ko pa 'yong sakit na nakita ko sa mga mata nila nang sabihin ng mga magulang namin wala na ang nag-iisang prinsesa namin. Halos mabaliw si mommy. Iyak siya ng iyak sa gabi. Hindi na niya magawang kumain lalo na kapag naaalala niya ang kapatid namin."

Hindi ko alam ang sasabihin. Anong klase akong kaibigan kung hindi ko manlang mapagaan ang loob niya? Naiinis rin ako sa sarili ko kasi wala akong magawa.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Nakapatong ang kaliwang braso niya sa mga mata niya tila ito tinatakpan para hindi makitang umiiyak siya. "Everything's gonna be fine, bro. Kung totoong buhay ang kapatid mo, gagawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin kayong muli. Hangga't ramdam mong buhay siya, 'wag kang mawawalan ng pagasa mahahanap at mahahanap mor in siya. Alagaan mo ang sarili mo, magpalakas ka para sa sarili mo at pamilya mo. Magkikita rin kayo tiwala lang. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako, kaming mga kaibigan mo. Tutulong kami sa abot ng makakaya namin. Aalis na ako, bro, may kailangan pa kasi akong gawin."

Umalis na rin ako kaagad nang makapagpaalam ako sa mga magulang ni Gray. Niyayaya pa nila akong maghapunan sa kanila pero tumanggi ako dahil bibisita pa ako kina mama. Bumukod na kasi ako ng bahay simula nang makapagtapos ako ng kolehiyo.

Beep! Beep!

Bumusina ako nang makarating ako sa harap ng gate ng bahay. Pinagbuksan naman ako ng guard kaya ipinasok ko na ang kotse ko. Ipinarada ko ang sasakyan sa harap ng garage. Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Binuksan ko ang pinto ng backseat para kunin ang bouquet ng sunflower na para kay mommy at isang paper bag na naglalaman ng Château Cheval Blanc para kay daddy.

"Magandang gabi ho, senyorito." Bati sa akin ni yaya Corie nang pagbuksan ako nito ng pinto.

"Good evening, yaya. Where's mom and dad?" Hindi ko kasi makita ang mga magulang ko nang makarating kami sa sala. Iginiya naman niya ako sa dining area at naroon ang mga ito. Mukhang kasisimula palang nilang kumain dahil may inilalapag pang mga pagkain ang dalawang katulong. "Hey, mom." Humalik ako sa pisngi ni mommy. She look shocked. Mukhang hindi inaasahan ang pagdating ko. "Flowers for you," Inabot ko sa kaniya ang hawak kong bulaklak. Masaya naman niya itong tinanggap. "Hey, dad. Here's for you." Baling ko naman kay daddy na kanina pa kami pinapanood ni mommy. Inabot ko naman sa kaniya ang hawak-hawak kong paper bag.

He opened the paper bag and looked at me with surprise. "Châteu Cheval Blanc? This is the most expensive wine in the world! Wow! Thanks, son. I didn't expect this from you. Seat down, son."

Dinalhan ako ni yaya Corie nang plato, baso at utensils kaya nagsimula na rin akong kumain. "I went abroad last week, dad. I saw that wine and remembers that you want one so I bought it."

"How's your business, son? Doing good?"

I nodded. "High and mighty, dad. Magtataka ka pa ba, dad? Alam mo namang mana ako sa talino mo pagdating sa business."

"Ehem!" Kunwaring tikhim ni mommy.

Natawa kami ni daddy. "Of course sa 'yo na rin, mom."

Nang pauwi na ako ay hinatid ako ng mga magulang ko hanggang sa pinaradahan ko ng kotse. Nakasimangot ang mommy ko at tudo kapit sa braso ko. "Mom?" Natatawang tawag ko.

"Hindi ka ba talaga matutulog dito? Hindi mo ba namimiss ang kuwarto mo dito?" Nakangusong tanong nito, ayaw siyang pakawalan. Napabuntong-hininga siya. "Dito kana matulog, anak. Please." Pagpapacute ng mommy niya.

Natatawa naman si daddy habang pinapanood kami.

"But, mom---"

"Please."

Napabuntong-hininga ulit ako. Napangiti naman si mommy, alam niya kasing hindi ko siya matitiis. "Okay, mom. Dito na ako matutulog. Mauna na kayo ni daddy sa loob at ipapasok ko lang itong kotse ko sa garage, mom. Susunod rin ako."

Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo, sinisigurong nagsasabi ako ng totoo. Nang makitang seryoso ako ay tumango siya at hinila si daddy para pumasok sa loob. Napapailing naman akong pumasok sa kotse at paandarin ito para ipasok sa garage. Nang matapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Akala ko ay umakyat na sila sa taas pero nagkamali ako nang makita silang nga-tsa-tsaa sa sala. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila at naupo sa mahabang sofa sa harapan nila. Hindi na ako kumuha nang alukin ako ni mommy dahil aakyat na rin naman ako maya-maya.

"Nga pala, anak..." Napatingin ako kay mommy nang tumigil siya sa pagsasalita. "Gusto ko sanang pumunta ka sa Probinsya natin. I want you to take a rest and visit your grandparents there. Kahit isang buwan lang, anak. Hindi naman siguro makakasira sa negosyo mo 'yong isang buwan?"

"I'll check my schedules, mom. If no hassles this coming week, I'll go on Tuesday." My mom nodded and smiled.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila para umakyat sa taas dahil inaantok na ako.

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at naligo. Today is Sunday, no work so I'll stay here until lunch.

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa dining area dahil naririnig ko ang boses ni mommy mula roon.

"Good morning, mom, dad." Bati ko nang makapasok ako ng dining area.

"Good morning, son." Bati ni daddy, nagkakape lang ito habang nagbabasa ng diyaryo.

"Good morning, handsome" Masayang bati ni mommy. "How's your sleep?"

"Good, mom.'' Maikling sagot ko. Nagsimula na akong kumain. Nagpatimpla rin ako ng kape kay yaya Corie. "Thanks, ya." Sabi ko nang ilapag nito ang tasa sa tabi ng plato ko. Ngumiti naman ito sa akin at umalis na para bumalik sa kusina.

"Babalik kana ba ngayon sa Manila, anak?" Basag ni mommy sa katahimikan.

I shook my head and finish my food. "After lunch, mom. I know that you'll sulk again when I leave this early."

My dad laugh. "Masyado ka kasing binebaby nitong mommy mo kaya hindi niya gustong mailayo ka manlang sa kaniya."

"Of course he's my only baby. Nag-iisa na nga lang 'yang anak natin iiwan pa tayo."

"Pero may sarili nang buhay at pag-iisip ang anak natin. Kaya na niyang mag-desisyon mag-isa. Ayaw na ngang nagpapa-baby, diba?" Sumimangot naman si mommy dahil tama si daddy. 

After lunch ay nagpaalam na rin ako sa kanila dahil medyo mahaba pa ang magiging biyahe ko papunta sa Manila lalo na kapag na-traffic na naman.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jul 15, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

The Long Lost Montello PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum