"Eh Sir ano po ba 'yong ibig sabihin ng let's play again?" Tanong ni Grace.

"Maganda ang tanong mo Grace. Ang ibig sabihin ng let's play a game ay maglalaro kayo ng alphabet. Parang ABC, pipili ka lang ng letter na makakapag ligtas sayo at pag nahanap mo 'yon p'wede kang mag desisyon kung ikaw o ang mga kasama mo ang makakaligtas at hindi ka kasama roon." Pagpapatuloy ni Sir Newrith.

"Eh Sir madali lang naman pala 'yan." Pagmamayabang pa ni Hugo.

"Hindi ganoon kadali ang larong 'yon. May mga riddle yan na nagsisilbing hint kung sino ang nagmamay-ari ng possessed na mansion na 'yon. At sa t'wing tama naman ang nasasagot niyong riddle may kapangyarihan kayo na pumili sa kasamahan niyo na pipili ng letter sa alphabet. P'wedeng mapili niya ay tatapos sa buhay niya o p'wede naman ang letrang makakaligtas sa kaniya ang kaso hindi siya ang maliligtas kundi ang pumili sa kaniya na pumili ng letra."

"That's unfair, right?" Saad ni Gio.

"Yes it is. Kaya wag niyong babalakin na sambitin 'yong katagang 'yon kung hindi, maaaring isa lang ang uuwi sa atin." Pang-aabiso ni Sir Newrith sa kaniyang mga estudyante.

"Eh pa'no 'pag sinabi ng kabilang bus?" Tanong ni Azreath.

"Kayo lang naman ang nakakaalam dito siguro naman ay 'di nila masasambit 'yon." Saad naman ni Sir Newrith.

"What if totoo 'yon? Nakaka-excite naman!" Sabi ni Hugo.

"Sana all na-eexcite" Singit ni Seah.

"Anong nakaka-excite sa pagpatay Pugo? Gusto mo ba patayin kita ngayon kung ma-eexcite ka." Tugon ni Austin kay Hugo.

"Ano ka ba Vice joke lang 'yon 'no, tsaka Hugo 'yon bakit ba kayo nahihirapan sa pag sasambit ng gwapo kong pangalan na bagay din sa gwapo kong mukha?" Nakangiting sabi ni Hugo.

"Ulol pare, kahanginan lang meron ka hindi kagwapuhan." Singit naman ni Seirious.

"Yeah true Seirious napaka hangin niyang tropa mo." Nakapikit na sabi ni Gio na tila ay natutulog.

"Matulog ka nalang diyan Gio baka 'di ako makatimpi halikan ko kambal mo." Pang-aasar ni Hugo.

"Ew! Shut up Hugo." Nandidiring sabi ni Gia.

"Choosy mo naman miss-maam e ang gwapo gwapo ko."

"Kung ikaw naman magiging manliligaw ko talagang magiging choosy ako 'no." Pambabara ni Gia kay Hugo.

"Ulol mo. Tsaka subukan mong tirahin kambal ko pupugutan kita ng ulo." Pagbabanta ni Gio.

"Sana all titirahin." Biglang singit ni Seah and as usual walang pumansin sa kaniya.

"Joke lang Gio tsaka meron na'kong Seirious no." Sabay akbay ni Hugo kay Seirious.

"Ew pare 'di tayo talo." Sabi ni Seirious at saka umusog sa inuupuan na para bang may dalang viruse si Hugo.

"Napaka killjoy mo naman pare." Nagtatampong sabi ni Hugo pero hindi ito pinansin ni Seirious.

SA KABILANG bus naman ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa mansion.

"I don't like to go on that mansion. Kung wala lang do'n si crush I won't go there." Maarteng sabi ni Mikaela.

"Same sis. Sasama rin kasi si Seirious do'n kaya sumama na'ko." Sabi ni Trisha.

"You know Trisha dapat nag confess kana sa kan'ya baka maunahan ka pa ni Seah." Sabi naman ni Mikayla.

"Ha. Ha. At sino namang tanga ang magkakagusto sa disgusting bitch na 'yon? Eh wala ngang pumapansin na boys sa kaniya." Reply naman ni Trisha.

ABC to DeathOù les histoires vivent. Découvrez maintenant