Anniversary Chapter

57 5 2
                                    

Special Chapter #2

Gav's POV

"Kastress! Mali yung project namin sa Tagaytay!" I hissed.

Napataas ng kilay si Levi at sumandal sa shivel chair nya "Hindi ba't yung engineer naman ang may kasalanan non?"

"Still, ako pa rin ang architect non!"

Umiling iling na lang sya at pinagpatuloy ang pag pipirma sa paper works nya. Narito kami ngayon sa kumpanya, at masama ang loob ko dahil day off ko dapat ngayon, pero may kliyente raw akong dapat imeet mamaya, plus mali pa ang project namin sa Tagaytay.

Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa shivel chair ko, nasa iisang opisina kami ni Levi. I massage my head, this is my habit kapag sobrang naiistress sa trabaho, tinuro yon sakin ni Theo--- speaking of him, omygosh!

I grabbed my phone sa bag ko at mabilis na kinontak ang number ni Theo. Gosh, this is great, ni hindi ko man lang sya nakausap at nabati kaninang umaga dahil sa sobrang pagmamadali ko rito sa opisina. Nagtatampo na namn siguro yon saakin!

Three rings before he answered the call.

"Jo, nasan ka?" Mahinang tanong ko.

I heard him sighed "Sa bahay"

Tsk! Sinasabi ko na nga ba e, nagtatampo na nga. Partida nasa bahay pa talaga sya, paniguradong bored yun at tampo sakin.

Binasa ko ang pang-ibabang labi "Wala ka duty today?"

"I'm on my day off." halata sa tinig nya ang pagtatampo.

"G-Ganun ba? Day off ko rin sana ngayon kaso biglang tinawagan ako ng head architect kaninang madaling araw."

"I know"

Lintek naman, kasalanan to ng head archi namin! Ginawa ko naman ang trabaho ko kahapon lahat, para may oras kami ni Theo ngayong araw, pero tinawagan ako kanina. Pwede ko namang harapin yung kliyente na yun bukas or sa ibang araw e, hindi namn nag rurush.

"Jo" I uttured.

Nagbuntong hininga ulit sya "Magpapahinga muna ako, kumain ka sa tamang oras"

Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko, talagang kahit nagtatampo siya ay nagagawa nya pang mag-alala sakin at isipin ako. Nakakakilig pero hindi ito ang tamang sitwasyon para kiligin ako.

Lalo akong sinamaan ng loob ng makitang iniluwa ng pintuan si Nate habang may dala dalang folder, nakangiti nya iyong inilapag sa table ko.

"May meeting daw tayo 4:30pm sa office ni Ms. Reyes. Tapos pinapasabi nya pa na yung kliyente na tatagpuin mo mamayang alas dose..." tumigil sya at may kinuha sa bulsa na calling card "Yan daw yung number, incase na gusto mo tawagan or kung san mo gusto makipagkita, kontakin mo lang daw yan."

Grabe, pinaparusahan na ba ko ng mundo?

Bumungisngis si Levi "Ano, kaya pa?"

"Shut up Levien Won!" Inis kong baling sa kanya, hapahalakhak sila ni Nate.

Mga bruha talaga oh.

"Day off ang ineexpect ko ngayong araw! Hindi tambak na trabaho, di pa nga tapos itong paper works na binigay nya sakin, may kasunod na naman?!"

Humigit ng upuan si Nate at umupo sa tapat ko "Sa Saturday na daw ang day off mo"

Padabog akong bumalik sa ginagawa. Tuesday pa lang ngayon! Anong saturday? Kakainis ang tagal pa, miss ko na si Theo.

HANGGANG SA DULO (sunki au)Where stories live. Discover now