While Rain Keeps on Falling
(21stcenturywriter)
Wattpad Word Count: 7791 words
Featured Song: Photograph by Ed Sheeran
https://www.youtube.com/watch?v=nSDgHBxUbVQ
Tanging ang ingay mula sa aparato lamang ang pumupuno sa bawat sulok ng kwarto. Lahat ng ilaw ay bukas at ni isang anino'y walang maaaninag. Sa kabila ng liwanag na ibinibigay ng mga ilaw mula sa loob ng silid, makikita mula sa bintana ang kadilimang unti-unting bumabalot sa buong kalangitan. Habang ang paligid ay pinaghaharian ng kapighatian, unti-unting iminulat ni Ethan ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang mga nakabukas na ilaw. Napakaliwanag, maliwanag na maliwanag. Agad nitong kinlaro ang paningin at unti-unting itinuon ang paningin sa orasang nakasabit sa pader na nasa bandang kanan ng kanyang higaan.
"Seven."
Iginiya nito ang kanyang paningin sa bintana at napansin ang maliliit na butil ng tubig na nagsisimulang kumapit dito at unti-unti ring nagsisibagsakan paglaon.
"Umuulan pa-pala."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi dahil sa mga luhang sumasabay sa bagsak ng ulan. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga butil ng tubig mula sa kaitaasan na siya ring kasabay ng pagpatak ng mga butil ng tubig sa kanyang mga mata. Sa muling pagsara ng kanyang mga mata, muli niyang sinariwa ang bawat alaala: mga alaala sa mga panahong kasama niyang lumuluha ang kalangitan. Sa mga panahong ang ulan ay patuloy sa pagbagsak.
*
Papalakas na ng papalakas ang pintig ng puso ko habang papalapit nang papalapit ang oras. Isa-isa nang tinatawag ng babaeng nakaputi ang bawat pangalan ng kasama ko. Inilinga ko panandali ang aking paningin at tinitigang mabuti ang kaliwa't kanang bahagi ng paligid. May mga matatanda, may mga kabataan at may mga bata ring nakaupo sa bawat mahahabang sofa sa kwarto. Bago ako pumunta rito ay iniisip kong magiging tahimik ang karamihan ng mga nandirito o kung hindi naman ay ang himig ng kapighatian ang magiging musika sa buong paligid subalit hindi ito ang sumalubong sa akin kundi ang kanilang mga malulutong na halakhak na gawa ng naka-navy blueng dyaket na babae.
"Oh eto, eto, anong hayop ang palaging kalmado?"
Natatawang sumagot ang mga nakapaligid sa kanya na ang iba pa nga'y nagpipigil ng kani-kanilang mga tawa.
"Ano?" "E di CALM-BING!"
Lahat ay nagsitawanan sa binitiwang biro ng babae maliban sa akin sapagkat tanging takot at pagkabagabag lamang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Habang lumilipas ang oras ay unti-unting nalalagas ang mga tagapakinig nito hanggang sa kaming dalawa na lang ang matira.
"Hi!"
Nilingon ko kung sa'n nanggaling ang tinig at naalala kong dalawa na lang pala kaming natitira sa loob ng waiting area.
YOU ARE READING
While Rain Keeps on Falling
RandomAng kasiyahan ng tao ay hindi natutukoy kung gaano siya katagal nabuhay sa mundo kundi kung paano niya inilalaan ang kanyang oras sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya kahit limitado lang ang buhay. Subaybayan ang pagmamahalang aantig sa iyong pu...
