Chapter 01: When I met You

15 2 0
                                        

"Sabi nila, when you reached the age of sixteen you already met the person you will marry someday. But I think its just a saying and belief, I don't really believe in true love. I just gaslighting myself I have one but until......."

INA-AGAW ko ang phone ko sa beshy kong pakialamera. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan sa tuwing may ibang humahawak sa phone ko, eh wala naman akong tinatago hayss kaka-kape ko toh! HUHU
"Akin na nga yan!" Pagmamakaawa ko sa kaibigan kong kalog ang utak.

"Ano ka ba Ellise, kung wala ka talagang itinatago dito sa phone mo, let me barrow it" sambit niya.

Ayon, wala na talaga akong nagawa kundi hayaan siyang kalikutin ang phone ko. Umupo ako sa pinakadulong upuan ng classroom namin.

Malawak ang room, nagkalat ang mga papel at nagbalatan ng mga chichirya ng mga classmate kong dugyot HAHAH halos 45 kaming lahat rito kung kayat parang palengke ang ingay sa loob.

By the way, ako nga pala si Maria Ellise Avila .I'am Grade 10 student na medyo maggra-grade eleben. Ewan ko ba kung bakit Avila ang apelyido ko, (kasalanan to ng mga magulang ko charringg!) kaya hayun laging una sa recitation buti sana kung una sa hart ni ano.....charrott!

"Hanep mga tao dito sa room tsk!tsk!" Ang tanging nasabi ko sa sarili habang umiiling iling dahil halos mabingi na ako sa sobrang ingay.

Na sa kaliwa ko ang mga filengerong gwapo kong mga kaklase na nagjajaming at nagkakantahan habang may nag-gigitara at nag-bebeat box ang iba naman ay kumakanta, halos bumagyo na nga dahil sa ganda talaga ng mga boses nila haysss! Nasa harapan ko naman ang mga kaklase kong naghaharutan at naglalambingan nakakainis talaga kung pwede lang sana na pagsasapakin ko sila isa-isa eh, kanina ko pa ginawa.

"Hoi Ellise!" Sigaw ng kaklase kong buraot na si Janine. Napataas naman ang kilay ko at hinarap ang babaeng ito.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa amin ni Gilbert, ha! Huwag mong sabihing aagawin mo siya sakin?" Saad niya na may halong paninibugho ang tono ng pananalita.

Halos lumuwa naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng nalutang lang? Aba! Kapal ng muhka. Sayet nga talaga! (malandi talaga) Bukod sa buraot, pilingera din talaga itong si Janine mukhang unggoy naman ang jowa yackss!

"Ha?! Sayong sayo lang siya! Baliw lang ang aagaw sa unggoy-- ay este sa boyfiee mo!" Naiinis kong saad.

Sarap talagang hambalusin mga pagmumukha ng mga to. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa kanan. Sa kanan ko, naroon ang mga chismosa, backstaber at bully (ako din pala, hindi lang showy hehe) kong mga kaklase, nagchichismisan sila habang may nang-brabraid sa kanila. Grabe na talaga, ginawa nilang parlor ang room hindi lang yun ginawa na nga nilang parke magiging kulungan pa ng mga kumakahol na aso tsk tsk! Saan naman kaya ako lulugar sa classroom na ito? Pambihira naman oh!

Lumapit ako sa kaibigan kong si Chloe dahil kukunin ko na ang phone ko, nakakabad trip talaga.

"O ano?"

"Saan? Sino? Bakit? At pa'nong paraan?" Panggagaya ko sa theme song ng 'Pepito Manalotona nagpakunot sa noo ni Chloe.

"Phone ko, akin na"

"Yucks! your pics on gallery is so jologs"
Maarte at mapangasar nitong saad

"Bakit mo binuksan gallery ko!" Sambit ko.

What the heck! Why did she opened my gallery? Argh!!!

"Wala. Ang tahimik ng messenger mo pati facebook ang boring!" Pagmamaktol ni Chloe.

"Sinabihan na kita kanina, wala kang mababasa diyan, Loeng" pang-aasar ko sa kaibigan ko.

Loeng ang palayaw ni Chloe kung kayat naiinis siyang marinig iyon dahil pang matanda daw.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now