Tumikhim muna ako bago nagsalita, "Beibī, mama to tsukiatte imasu ka?" [translation: Baby, are you going out with Mommy?]

Nagkasalubong ang kilay nito. "Doko?" [translation: Where?]

I smiled sweetly and answered, "Mama wa kokugai ni dete imasu, anata wa watashitoisshoni yattekimasu ka?" [translation: Mommy is going outside the country, you wanna come with me?]

Parang nagliwanag ang mukha nito. "Hontōni, mama? Watashi wa dekimasu ka?" [translation: Really, Mom? Can i?]

I nodded cheerfully. "Mama wa jōshi ni kyūka o tanomu tsumorinanode, ima pakku shite kudasai. Sore wa anata to daijōbudesuka?" [translation: Now, pack your things because mommy is going to ask her boss for a leave. Is it okay with you?]

Tumango ito. "Hai, mamī."

Tumango ako at nagpaalam sa kanya. Masigla naman itong tumayo mula sa pagkakandong sa akin at hinalikan ang noo ko bago tumungo palabas ng kwarto ko, nakatayo naman ang Yaya nito na nakangiti habang hinihintay si Kai. She's also a Filipina so she can understand what we're talking about.

Nagbihis ako ng damit at tinali ang buhok ko. Bumaba agad ako at pinatunog ang sasakyan kong nakaparke sa parking lot ng condo. I went inside my car and rested my back on my seat. Binuksan ko ang aking cellphone at agad na napangiti sa litrato na bumungad sa akin. Kai is kissing me on my cheeks with a lot of sauce on his lips. Her yaya took this picture.

Kai is the carbon-copy of his father. Kaya natatakot akong bumalik ng Pilipinas. Dadalhin ko lang si Kai sa Pilipinas, pero hindi ko ipapalapit sa pamilya ko. May condominium naman ako sa Grand Residences Cebu. Ayokong ilapit siya sa kanila. All I just want is ang makita ni Kai kung saan ako lumaki. But I don't want him to see my family. Never.

Binuksan ko ang isang message sa email ko. It's from my boss.

"Anata ni iitai koto ga aru no. Dekirudakehayaku koko ni iru."

Pinagmadali pa ako ha?

Napailing nalang ako at pinatay ang cellphone. I maneuvered the car on the way to Nikken Sekkei. Ang firm na pinagtatrabahuan ko.

"What now?" I asked as soon as I entered his office.

"You have a new project," aniya.

Napataas naman ang kilay ko at sumagot, "Me alone?"

Umiling ito. "May ipapadala rin akong tatlong architect. My other architects are so busy. And I trust you this, Sam. Don't worry, ikaw muna ang pauunahin ko. All you need to do is to scan the whole─"

"Tingin mo sa 'kin, Clint. Bobo?" pagtataray ko.

Humalakhak ito pero agad ding nagseryoso. "You have excellent skills and creativity that's why ikaw ang ipapadala ko."

Umupo ako sa sofa bago nagsalita, "Alam mo bang dapat ay magpa-file ako ng leave dahil uuwi ako ng Pilipinas?"

Umiling ito at nagtipa sa kanyang laptop. "That's good to hear. Your project also will be in the Philippines."

Muntikan na akong maglaglag sa kinauupuan ko sa 'king narinig. "Pardon?"

"Your next project is located in the Philippines," saad nito at nag-angat ito ng tingin sa akin. "Why are you reacting like that?"

Lumunok ako at umiling. "N-nothing. Ano ba ang proyekto ko?" I asked.

"A huge airport and a private school."

"Saan sa Pilipinas?"

Kasi marami namang lugar ang Pilipinas, 'di ba? Baka sa Mindanao or sa hilagang bahagi ng Luzon─

"Cebu."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. "Y-you're serious? I mean, ako? Ipapadala mo? Sa laki ng proyekto?"

He smiled and said, "That's why ikaw ang ipapadala ko. I trust you. Napakagaling mo, your skills are born to stand out. I believe you can impress our client again this time."

I rolled my eyes. Well, he's a friend of mine. Clint Tres Nikken, a half Filipino and Japanese mammal. Kaya nagsasalita kami ng tagalog. Laking Manila ang gago, e.

"Aalis na ako. Wala kang kwentang kausap," saad ko bago tumayo sa sofa. "By the way, ilang buwan ko matatapos ang proyekto? I mean, estimated months?"

"I think mapapadali lang. Hindi mo naman kargo ang buong proyekto. And don't you worry, Sam. The CEO of the company is an Engineer. He'll also have his local architects to help you finish this project in a short period of time. I know you'll do your best," he said.

Padabog akong lumabas ng opisina. Bwisit! No leave, big task! Damn. Bakit ganito ang buhay na napili ko?

Tinawagan ko agad si James at inayang magkape muna sa malapit na coffee shop dito sa kompanya.

"Ano? Don't tell me may problema ka na naman?" nakataas kilay na tanong ni James.

Pagod akong bumuga ng hangin. "Pinapahirapan na naman ako ni Clint."

"Bakit?" takang tanong niya.

"He just gave me the worst project ever!" I exclaimed. Napu-frustrate na ako!

"Paano mo nasabi?" tanong niya ulit at mas lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"Well, malaking paliparan at paaralan lang naman ang itatayo ko. Para ngang bahay-bahayan, e," I replied while rolling my eyes heavenwards. One of my mannerisms.

She scoffed. "You should be thankful. Malaki ang sweldo niyan. Para sa future ni Baby Kai. Saan daw?"

"Philippines."

Otomatikong naibuga ni James ang iniinom niyang kape dahilan para bahagya akong mapaatras sa gulat.

"Gross!" wala sa sariling naisambit ko.

Pinahiran niya ang kanyang labi at nag-peace sign. "A-ano nga ulit? Pilipinas? Saang parte ng Pinas, Teh?"

"Cebu."

Kulang nalang ay lumuwa ang mata ni James sa pagkagulat. He then shook his head said mumbled, "No way."

Bumuga ako ng hangin. "And I can't do anything about it. Gaya ng sabi mo, para rin ito sa kinabukasan ni Kai."

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa at pinisil. "How about Kai? I'm sure he'll look for you. Masyadong malaki ang trabaho mo ngayon. Matatagalan ang pagkawala mo."

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. "I'm bringing him with me," mahinang sagot ko.

"Are you sure about that, Sam? That's Cebu! Andoon ang pamilya mo. Ang Ate mo at asawa ng Ate mo. What if makita ni Isaiah si Kai Ashley? Damn, Sam. Nag-iisip ka ba? Everyone will definitely recognize him as Isaiah's son. Magkamukha sila. Kahit nga daliri mo walang nakuha ang bata."

Mariin akong napapikit. James' right. Magkamukha sila ni Isaiah. From dark brown eyes, to pointed nose, perfectly fine chin, small cute lips, and his tan skin. He's really the son of Isaiah.

"H-hindi ko naman ipapakita sa kanila si Kai, e," mangingiyak.-ngiyak kong sagot.

"You know destiny, Sam. Destiny has its own twist," seryosong ani ni James.

"But I can't afford not to see my son in such a very long time. He's my inspiration."

"Darn this! Okay fine. I'm coming with you to the Philippines. Sasama ako. And you're not staying in your condo. Doon kayo sa penthouse ko. Di ka naman siguro namumukhaan ni Isaiah, 'di ba?" James asked.

I shrugged. "I don't know. Pero ang alam ko, una akong nagising kaysa sa kanya. At hindi rin kami nagkakilala formally dahil madalian akong lumipad dito sa Japan."

Bumuga ito ng hangin, "I'll pack my things later. Bukas ang alis mo, 'di ba?"

I nodded. "And James..."

"Ano?"

"I'll be attending their wedding."

END OF PROLOGUE

Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now