"Aba'y ulitin mo ang paghingi ng tawad. Alam kong sa malao't madali ay patatawarin ka rin ng kaibigan mo. Kilala ko ang batang iyon. Babaero lang pero hindi palatanim ng galit."

"Hindi po simpleng bagay ang nagawa ko sa kanya, Tay," sumisinghot niyang sabi.

Ginulo ng tatay niya ang kanyang buhok. "Anak, ang kasalanan ay kasalanan kahit na gaano pa iyon kaliit o kalaki. Pareho pa rin ang damage na dulot non sa taong nasaktan mo. Pero ang paghingi ng tawad, kung bukal sa loob mo, makakatulong para mawala o mabawasan man lang ang damage na iyon. At sa nakikita ko sa iyo ay talagang pinagsisisihan mo ang nagawa mo kahit ano pa iyon. Hindi na kita pipiliting ikuwento sa akin ang nangyari pero bilang tatay mo, hindi ko maiwasang mag-alala."

Napayuko si Roni. "S-sa tingin niyo po, mapapatawad pa ako ni Borj?"

"Anak, kahit sinong tao ay marunong magpatawad. At kung si Borj, sigurado akong babalik din kayo sa normal."

Babalik sa normal? Iyong sa pagiging magkaibigan lang? She definitely felt something different towards Borj. Natatakot siyang kapag sinabi niya iyon sa binata ay hindi siya nito paniwalaan.

"Roni, kung nagbago man ang tingin mo kay Borj, maiintindihan ko iyon. Aba'y pasado na siya bilang manugang."

Nagulat siya sa sinabi ng ama. "Tay!"

"Anak kita kaya alam ko kung may nagbabago sa yo, sa panlabas man o sa damdamin." Kinindatan siya ng kanyang ama. "Kaya tigilan mo na iyang pagdadrama at hindi bagay sa napakaganda kong unica hija." 

Napangiti si Roni. "May hindi po ako nasabi sa inyo, Tay."

"Ano yon?"

"Naalala niyo po ba nong hindi kayo nakauwi nong isang araw dahil sa ulan?"

Tumango ito. "Bakit? May nangyari ba?"

Nahihiya man ay minabuti niyang ipaalam sa ama ang nangyari. "Dito po natulog si Borj at inalagaan ko po siya. Napakataas po ng lagnat niya dahil nabasa siya ng ulan sa kakahintay sa akin."

Kung nabigla man ang ama sa sinabi niya ay hindi na nito ipinahalata. "Gumaling ba siya agad?"

"Opo."

"Wala akong nakikitang masama roon kung tinulungan mo siyang gumaling. Basta ba alam ninyo kung ano ang Tama at Mali."

Sa mga sinabi ng ama, kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Roni. Napayakap siya sa ama. "Salamat po. Kahit amoy-grasa kayo minsan, kayo pa rin ang the best na tatay sa buong mundo."

Natawa ito sa sinabi niya. "Aba, eh, sino pa ba ang aalo sa iyo kundi ako, hindi ba?" Saka siya nito hinalikan sa noo.




"SO YOU love Borj. Pero natatakot kang aminin iyon sa kanya dahil sa tingin mo ay hindi ka niya paniwalaan dahil na rin sa ginawa mong panloloko para magustuhan ka niya at matalo siya sa hamon ng mga kapatid niya," pagko-conclude ni Missy pagkatapos na ikuwento ni Roni ang mga nangyari.

Tumango lang si Roni at dinampot ang isang bote ng beer at deretsong ininom ang laman. She felt the bitter taste of it run down her throat.

Nasa isang bar sila ni Missy. Sinabi nito na doon na lang sila magkita at doon na rin niya ilabas ang sama ng loob.

Missy sighed. Hindi naman ito nagalit sa mga ginawa niya kundi nagtampo lang dahil hindi niya agad sinabi rito ang plano niya.

"Ikaw naman kasi, ba't hindi mo agad sinabi sa akin para naman natulungan kita sa plano mo."

Kung nasa normal lang siguro siyang sitwasyon at pag-iisip ay baka tinawanan na niya si Missy.

"So, what's your plan now? Hahayaan mo na lang na mabaon sa lupa iyang nararamdaman mo para kay Borj?"

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now