Part 2:Finale

1.9K 46 28
                                    

Part 2 na kaya Last Chapter na po ang i-uupdate ko bukas or sa Monday.

Thankyou guys :)

Bago ko iupdate ang Part 3.Kailangan ko ang opnion niyo,para sa ending okay? :)

-----------------------------------------------------------------------------------------

Elmo’s POV:Nanatili kami sa labas ng E.R. hanggang sa pinayagan na kami nung doctor na pumasok sa room niya.

Halos wala ng maiyak pa yung mata ko pero pilit pa din akong nagiging malakas para kay Julie.

Pinag-suot kami ng mask saka kami pumasok…

                                                              

At doon,halos maiyak ako sa nakita ko.Ang daming mga kung anong nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay pa siya.Naramdaman ko yung awa at hirap niya sa mga oras na ‘to.

Naupo ako sa may right side niya at doon,hinawakan ko yung kamay niya.Ramdam ko sa mama niya yung kung gaano siya nasasaktan sa nakikita niya.Niyakap pa nila Maqui si Julie habang umiiyak

“Friend,diba…diba may pangako kang magbabakasyon pa tayo sa ibang bansa?Eh bakit andiyan ka nanaman?Diba nalagpasan mo nay an noon?Diba macho ka?eh bakit andiyan ka?Diba lalaban ka?Para sa amin” Si Maqui

“Kaya nga.Makikita ka pa naming ikasal Julie kaya magpagaling ka ha?Mahal na mahal ka namin” Si Vie

Halos tapos na silang lahat magsalita at ako naman,hindi ko binibitawan yung kamay niya.Ngumiti silang lahat sa akin at alam ko na,inaantay nila yung sasabihin ko.

“Baby,bakit ka ba andiyan?Binilhan pa kita ng bulaklak oh” tapos inilabas ko yung binili ko kanina “Diba favorite mong kulay ay orange.Pinasadya ko pa yan pero tinulugan mo lang ako.Bumangon ka na diyan” Pinipigilan ko ng umiyak…

Pero hindi ko nagawa “Diba ikakasal pa tayo?Diba sabi mo ipaglalaban mo ako,madami pa tayong pangarap na tutupadin diba.Aantayin ulit kita kung kalian ka magigising.Dito lang ako sa tabi mo,pangako”

 

 

“Moe,hindi ka ba muna uuwi?” Mom ni Julie

“Hindi po.Mauna na po kayo tita.Babantayan kop o si Julie.Salamat na lang po”

“Sige hijo,ikaw muna bahala kay Julie,diyan lang kami sa labas kapag kailangan mo na kami”

 

Siguro,hinayaan muna  niya akong makasam si Julie sa pagkakataong ito.Yung iba sa kanila,uuwi muna para magpahinga pero dito lang ako,hindi ko siya iiwan.

Hindi ko din binitawan yung kamay niya simula kanina tapos tinitigan ko yung mukha niya at niyakap ko siya.

“Baby naman eh….alam mo bang pinaiyak mo kaming lahat?Hindi kami sanay na makita kang ganyan,diba yung Julie na kilala ko, yung masayahin at malambing saka palatawa.Sabihin mo,Kasalanan ko bang minahal kita?Kung kasalanan ko nga,palit tayo ng pwesto.Ayoko nakikita kang nahihirapan”

Hindi ko na alam yung mararamdaman ko.Bakit kung kalian pwede na kaming maging masaya,saka nangyari ito?Pero hindi ako pwedeng manghina,kailangang ako yung maging lakas niya at naisip ko na lang na magkwento sa kanya “Baby,hindi ka pa pwedeng sumuko kasi ikakasal pa tayo”

Until The Day That I Love You-Season 2(COMPLETED)Where stories live. Discover now