"Mama utap na po kayo ni Tito Atlat. Bait po Tito Atlat. Bigay nya nga ako pera eh." Singit ni Jeremiah na ngiting ngiti pa rin at inosente sa nangyayari sa paligid.

Tumingin naman si Atlas kay Jeremiah at ngumiti. Inabot nya ang pisngi ng anak ko at hinaplos. Tinabig ko ang kamay nya at kinabig ang mukha ng anak sa akin.

Nawala naman ang ngiti ni Atlas at tumingin sa akin. "Sugar."

Pinandilatan ko sya ng mata. "Wag mo kong matawag tawag na sugar at huwang mong hawakan ang anak ko." Mababa ang boses pero may diin na sabi ko.

Gumuhit ang sakit at lungkot sa mata ni Atlas.

Tumikhim naman si Leah. "Jo, sa tingin ko kailangan nyong mag usap na dalawa."

Nilingon ko si Leah at pinandilatan ng mata pero pinandilatan nya rin ako.

"Sa loob na kami ni Jeremiah. Let's go inside muna baby boy. Mag uusap muna si mama at si papa -- este Tito Atlas mo."

Lalo kong pinandlitan ng mata si Leah. Ang daldal talaga eh.

Pero di ako pinansin ng pinsan at hinawakan sa kamay si Jeremiah at niyakag na papasok sa bahay. Kumaway pa si Jeremiah kay Atlas.

Humakbang ako palabas ng gate at sinarado ito. Napansin ko pa ang ilan naming kapitbahay na nakatingin sa amin ni Atlas.

Taas noong hinarap ko si Atlas at humalukipkip. "Ano bang pag uusalan natin." Malamig na wika ko.

Hindi sya nagsalita at nakatitig lang sa mukha ko. Yung titig nyang pamilyar na pamilyar sa akin. Ganun nya ako tingnan limang taon na ang nakakaraan na para bang ako lang ang babaeng nakikita nya.

Tss! Napaismid ako. Hindi ako dapat magpadala sa mga titig nya.

"Sugar." Sambit nya.

Matalim ko syang tiningnan. "Wag mo nga sabi akong tatawaging sugar."

"Ok fine Jessica -- err Jolene. Fuck! Ano bang itatawag ko sayo?"

Umikot ang mata ko. "Jolene na lang, di na ako nagtatrabaho sa bar kaya hindi na ako si Jessica."

Ngumisi sya. "Oh yeah, biruin mo yun ilang buwan din naging tayo pero di ko man lang alam ang totoong pangalan mo. Pati pangalan mo sa social media Jessica din yun pala Jolene ang totoong pangalan mo." Sarkastikong sabi nya.

Siguradong nalaman nya sa kapatid nya ang totoong pangalan ko. Alam na rin kaya ni Ava na nagkaroon kami ng relasyon ng kuya nya?

Bumuntong hininga ako. "Ano ba talagang gusto mong sabihin at mukhang hinanap mo pa talaga kung saan ako nakatira?" Mataray na turan ko.

"Wala naman talaga akong balak hanapin ka na eh kung hindi lang kita nakita sa mall kasama nila Ava."

Tila may kamay na pumiga sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Gagong to ah!

Akmang magsasalita ako pero inunahan nya ako.

Seryoso ang kanyang mukha at matiim na nakatingin sa akin.

"Sumuko na ako sa paghahanap sayo ilang taon na ang nakakaraan. Paano ko naman mahahanap ang taong ayaw magpahanap? Iba ang pangalan, iba ang tirahan na sinabi sa akin. Hindi ko na makontak at hindi na rin ako kinokontak. Minemessage ko sa social media pero di naman ako nirereplayan. Parang wala lang ako na kinalimutan mo." Pasumbat na sabi nya.

Bigla naman akong napipilan. Minemessage pala nya ako sa dati kong account. Pero ilang taon ko na rin kasi yung hindi binubuksan para umiwas sa mga kamag anak ko sa probinsya, nakalimutan ko na nga rin ang password. Kaya gumawa na lang ako ng bagong account at nakalock pa.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now