Sungit.

"Aze! Saglit lang. Gusto kong bumili ng phone case." Tawag ko ng may madaanan kaming shop na maraming phone case na naka-display. "Halika muna dali!"

Pumasok agad ako sa shop pagkatapos lumingon ni Aze para wala na siyang choice kundi ang sumunod sa 'kin.

Hinanap ko agad ang case na pwede sa model ng phone ko at sa pagkakaalam ko ay parehas kami ni Aze kaya bibilhan ko na rin siya as thank you gift.

"Awe, ang cute!" Hindi ko napigilang bigkasin ng makita ko ang dalawang itim na case na may design na pusa. Kapag pinagdikit ang dalawang case ay makakabuo ng isang heart na hawak ng dalawang pusa sa magkabilang case.

Kinuha ko agad ang mga phone case at dinala sa counter para bayaran. Hindi kasi pumasok sa loob ng shop si Aze at doon lang nakatayo sa labas.

"Tara na!" Masayang aya ko sabay hawak sa braso niya pagkalabas ko ng shop.

Excited na akong gamitin 'tong case pero gusto ko munang kumain.

"Aze, gutom na ako. Pwede ba tayong kumain muna?" Naka-pout na tanong ko.

Sandali niya naman akong tiningnan bago ulit nag-iwas. "Okay."

"Doon tayo sa Jollibee!" Turo ko sa sunod na store na madadaanan namin.

"That place is too crowded. I don't like it." Sagot niya kaya napasimangot ulit ko ng lagpasan lang namin 'yon.

"E saan mo pala gusto? Nagugutom na 'ko."

Hindi na siya ulit sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa wakas ay pumasok kami sa isang restaurant na mukhang fine dining.

"Bonjour." Bati ng crew na sumalubong sa amin.

"Mabuhay!" Nakangiti ko namang sagot na ikinalaki ng mata ni ate'ng crew.

Ni-greet niya ako ng french kaya igi-greet ko rin siya ng tagalog. Love your own language, gano'n.

"Table for two." Singit ni Aze. Agad din namang tumango 'yong crew at dinala kami sa isang table na nasa bandang dulo.

Pag-upo namin ay naglibot-libot ako ng tingin at ngayon ko lang napagtanto kung bakit dito niya ako dinala. Bukod kasi sa amin ay may isang pair lang din ang tahimik na kumakain sa table na nasa kabilang side. Maging ang music ay nakaka-relax din dahil tunog lang ng violin.

Nawala ako sa pagmumuni-muni ng abutan ako ng menu ng waiter. Nakangiti kong itong tinanggap pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa presyo. Kaya naman pala wala masyadong tao rito dahil sobrang mahal.

"What's yours?"

Nag-angat ako ng tingin kay Aze at naiilang ko siyang nginitian sabay baba ng menu.

"Ikaw na lang ang bahalang pumili. Hindi ko kasi mabasa e. Hehe."

Puro french kasi ang mga pangalan ng dish kaya ang hirap basahin. Kakain na nga lang, mase-stress pa ako.

Kinausap na ni Aze 'yong waiter habang ako naman ay kinuha ang bago kong phone at case na binili ko kanina.

"Aze, pahiram ako ng phone mo." Ngiting-ngiting sabi ko pagkaalis ng waiter.

"No."

"Aze naman e. Dali na kasi. Sandali lang naman, promise."

Naka-pout lang ako habang pinapanood siyang alisin sa pagkaka-shape na triangle 'yong panyo sa ibabaw ng table.

"Fine. You're so noisy. Make it quick."

Bigla ko siyang gustong yakapin dahil sa saya pero pinigilan ko ang sarili ko. Excited kong kinuha ang phone niya at inilagay ang case na binili ko.

"Hala, ang cute! Tingnan mo, Aze."

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon