Chapter 1

5 0 0
                                    

CHAPTER 1 
Isolated Flashback


"MISS CASSANDRA?"

Ilang ulit pa siyang tinawag ng doktor at sa panglimang beses na tinawag nito ang pangalan niya ay napabalikwas siya ng tingin rito at mukhang naguguluhan sa nangyayari.

"Dok?"

Ngiti lang ang naging tugon ng doktor atsaka ito umalis sa harap niya. Mukhang tulad nang nagdaang araw ay hindi pa din maayos ang kalagayan niya. Nananatiling wala pa din siyang naaalala sa apat na buwan na nawala siya at natagpuan nalang siya ng mangingisda sa isang isla na inanod ng dagat.

Lihim siyang napangiti. I was traumatized. Pero bakit gano'n? wala ngang naaalala ang utak ko pero bakit ang sakit sakit ng puso ko? Bakit pakiramdam ko ang laki ng nawala sa akin?

She was lost for four months and she was found by the fishermen one week ago. Ang sabi, siya daw ang unang survivor sa halos isang daang katao na nawawala mula nang maanod ang barkong sinasakyan niya. Nagkaroon ng matinding sakuna sa gitna ng karagatan kung kaya't ang barkong sinasakyan nila ay lumubog at ang mga pasahero ay hinuhang nawawala o 'di kaya ang iba ay binawian na ng buhay. Pero sabi din ng nagiimbestiga sa kaso niya ay dalawampung tao pa ang nawawala at hinahanap pa ng awtoridad.

Kasama sa dalawampung tao na 'yon ang ilang mga sikat na artista, CEO ng Cruzade's Entertertainment, anak ng politico, ilang managers, at ang ilang normal na tao katulad niya.

"How is she?" usisang tanong ni Ms. Ramona Santiago, ang head investigator ng kaso niya at may mataas na katungkulang sa National Bureau Investigation. Dahil mahahalagang tao ang mga nawawala at patuloy pa na hinahanap ng awtoridad, ang head investigator ng bansa ang humahawak sa kasong kinasasangkutan niya.

"She's still the same just like before. Pero sa tingin ko ay mas lumalala ang sitwasyon niya kung ikukumpara sa dati. Now, she spaced out more often at mas madalas ang pag-iyak niya. She's like she'd been stressed out not just physically tulad ng gutom at pagod, but also mentally and emotionally. Something must have really happened to her na pati ang utak niya ay kinalimutan ang masasamang alaala ng nagdaang apat na buwan."

Cassandra could feel the two sets of eyes looking at her. Pero nanatiling nakatuon lang ang pansin niya sa labas ng bintana at pinapanood ang buong syudad habang nakaupo siya sa hospital bed niya.

"Hindi pa rin ba tumatalab ang gamot sa kanya? She should remember everything what happened to her now." May halong pagpipigil ang boses ni Ms. Ramona Santiago. Nasa 50s na din ang ginang kung kaya't medyo may pagkamainipin ito.

"Investigator, it is still lucky of us that Cassandra is slowly remembering what happened to her before the cruise of the ship, and how she got in there. Hindi din naman natin pwedeng madaliin ang pagretrieve ng memories niya dahil sakto lang ang dosage ng gamot sa katawan niya. We should wait a little more."

Isa siyang waitress sa pinapasukang cruise ship. Part-timer lang naman siya doon at proxy ng kaibigan niyang si Lena. Kailangan niya magdoble kayod dahil sa sakit ng tatay niya kaya kahit tatlong beses siya magtrabaho sa isang araw ay talagang pinatos niya.

Pero kung alam niya lang na ganito ang mangyayari sa kanya, sana pala hindi niya na ito tinanggap. She'd been mentally and emotionally tortured for a week and she has no idea why and what happened to her.

Nakaramdam ng pagkaantok si Cassandra kaya naman hindi niya namamalayang nakatulog siya habang tinitingnan ang kalangitan mula sa bintana. Nang magising siya ay hinihingal siya dahil sa nakita niya sa panaginip niya.

Sakto na nando'n pa si Ramona at ang ilang kasamahan nito. Napansin nito ang hindi pagpantay niyang paghinga at mabilis siya nitong kinuhaan ng tubig.

"Ayos ka lang ba, Cassandra?"

Ininom niya ang tubig at pilit na inaalala ang napanaginipan niya. It could be her memories. She's sure of that.

"N-nasa barko ako nu'n. T-tapos na ang duty ko. Tapos nakita ko si Zaniah..."

Mabilis na sinenyasan ni Ramona ang kasamahan nitong imbestigador para i-set-up ang camera para i-record ang mga naalala niya.

"Tapos? Anong nangyari? Anong nakita mo kay Zaniah?"

"May kausap siyang lalaki."

"It could be her boyfriend. Ice."

Umiling siya. "Iba. Ibang lalaki ang kausap ni Zaniah. H-hindi ko maalala kung sino. Pero sigurado akong hindi si Ice 'yon." Sigurado siya, siguradong sigurado siya. "Ang boses ng lalaking 'yon, sobrang lamig. May sinabi din siya kay Zaniah na kahit sa akin ay sinabi niya din." Tumingin siya ng deretso sa mga mata ni Ramona. "Mag-iingat daw kami."



"ANO PO ANG MASASABI NINYO ngayong natagpuan na ang unang survivor na si Miss Cassandra Ventura?" Tanong ng isang reporter kay Zandria Farr, isang matayog na negosyante at maimpluwensya. Nasa 40s na ito at sa tindig palang ng katayuan nito ay masasabing hindi siya pangkaraniwang negosyante lamang.

Kayang kaya niyang bungguin ang sinomang haharang sa dinadaanan niya.

Siya ang nakatatandang kapatid ni Zaniah Farr na isa din sa mga nawawala sa trahedya. Si Zandria ang unang unang bumisita kay Cassandra nang nabalitaang nakasurvive ito upang tanungin ang ilang impormasyon sa nawawala niyang kapatid pero ganoon na lamang ang pagkabigo niya nang malamang wala itong maalala ni katiting.

"Miss Farr, ano ho ang hakbang na gagawin ninyo para kay Miss Cassandra Ventura?" Tanong ng isa pang reporter pero hindi niya sinagot ang lahat ng iyon. Sumakay siya deretso sa kanyang sasakyan at agad na pinaandar iyon patungo sa kanyang kompanya.

"Ano na ang balita kay Cassandra Ventura?" Tanong ni Zandria sa kanya sekretarya.

"Inilipat na siya sa VIP Room nung nakaraang tatlong araw dahil naaalala na niya kung paano siya nakapasok sa Cruzade's Yacht. Doon daw gaganapin ang imbestigasyon."

Namilog ang mga mata ni Zandria. "Naaalala niya na ang lahat?" Umaasa niyang sabi.

"Ayon sa nakausap kong pulisya, hindi pa buo ang alaalala niya pero tumatalab naman ang gamot na iniinom niya para makaalala siya. Isa si Zaniah sa naalala niyang sumakay ng Yate pero hindi niya naaalala kung nakasama niya ba ito sa isla ng apat na buwan."

Napatango tango si Zandria. "Ang mahalaga nakakaalala na siya at naalala niya ang kapatid ko. Hihintayin kong makaalala na siya para malaman ko kung nasaan na si Zaniah."

Nangako siya sa yumao nilang magulang na aalagaan at poprotektahan niya ang bunso niyang kapatid sa kung saan at sinoman. Umaasa siya na makikita niyang muli ang kapatid at makakasama ito tulad ng dati. Umaasa siya sa mga sasabihin ni Cassandra kung nasaan ang kapatid niya at kung saan niya ito makikita.

Isolated IslandWhere stories live. Discover now