Gustuhin ko mang magtapos ng kolehiyo ay hindi pa kaya sa ngayon. Syempre uunahin ko muna ang anak ko.

"Wow, ang pogi pogi na ng baby ni mama." Puri ko kay Jeremiah ng suklayin ko na ang buhok nya.

Ngitingi ngiti naman sya. Kapag ganitong ngumingiti sya sumasagi sa isip ko ang ama nya. Kamukhang kamukha nya kasi eh.

Bumuntong hininga ako. Ngayong nakita ko na ulit ang ama nya, sa totoo lang halo halo ang nararamdaman ko. Kaba, takot, galit pero may sumisingit na tuwa at pagkamiss sa gagong yun. Kahit limang taon na ang lumipas di pa rin naman tuluyang nawala ang nararamdaman ko sa lalaking yun. Nakabaon lang yun sa malalim na bahagi ng puso ko dahil ang nangingibabaw ngayon sa akin ay ang pagmamahal ko sa anak ko.

Hinawakan ng dalawang maliit na kamay ni Jeremiah ang mukha ko.

"Mama, bakit po lungkot ka?"

Ngumiti ako. "Hindi ako malungkot anak. May iniisip lang."

Inayos ko ang kwelyo ng puting polo nya. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang uniporme. Lalo syang poging tingnan. Marami nga ang nagsasabi na gwapong bata ang anak ko. Madalas syang mapagkamalan na anak ng foreigner. Napagkakamalan din kaming magtita dahil hindi daw halatang nanganak na ako at parang dalaga pa rin daw ang katawan ko. 

Pagkatapos kong ayusan si Jeremiah ay ako naman ang nagbihis na. Tinanggal ko ang nakabalunbon na tuwalya sa buhok at mabilis na dinryer ang basa kong buhok. Pagkahatid ko kay Jeremiah sa school ay didiretso na ako sa planta. Tatlong oras lang naman ang pasok sa school ni Jeremiah. Si Leah ang magsusundo sa kanya at isasama sa tindahan para bantayan.

-

"Ingat po kayo Ma'am Jo." Sabi ng mga driver at helper sa akin paglabas ko ng office.

Nginitian ko na lang sila at kinawayan. Nailing na lang ako ng tila sila mga teenage boys na kinikilig. Di naman lingid sa kaalaman ko na crush ako ng mga driver at helper. Kalat na kalat na nga yun sa buong planta. Wala naman yun sa akin. Mababait naman ang driver at mga helper. Ang importante hindi sila mga bastos.

Sinilip ko ang oras sa relo. Pasado alas kwatro na ng hapon. Didiretso na ako kay Leah sa tindahan para sabay sabay na kaming pupunta sa bahay ni Nana at makibirthday. Bitbit ko ang paper bag na may lamang regalo sa kanya. Tatlong pares  yun na ternong damit na bulaklakin. Mahilig kasi si Nana sa terno na bulaklakin. Siguradong matutuwa sya.

Pumara na ako ng jeep at sumakay na.

"Mama!" Salubong sa akin ni Jeremiah sa labas ng tindahan. Naglalock na si Leah ng tindahan. Binati ako ng dalawang tindera na kasama ni Leah. Nginitian ko naman sila.

"Nagbehave ka lang ba kay tita?" Tanong ko kay Jeremiah na nakayakap na sa bewang ko. Nakabihis na sya ngayon ng ternong damit na kulay dilaw na may cartoon character na nakaimprenta.

"Yes po mama. Behave lang po ako."

Ngumiti ako at sinuklay ng daliri ang malambot nyang buhok. "Nakatulog ka rin ba?"

Tumango tango sya.

"Mama may star po ako taklo." Pinakita nya sa akin ang likod ng kamay nya na may tatak na tatlong star.

"Wow, very good ang baby boy ni mama ah. Pakiss nga." Umiskwat ako at pinupog sya ng halik sa mukha. Panay naman ang hagikgik nya.

"Nagpakitang gilas daw yan sa school sabi ng teacher nya kaya may star." Sabi ni Leah.

"Wow naman. Galing galing talaga ng baby na yan." Tuwang tuwa din ako kapag maganda ang pinapakita nya sa school. Ibig sabihin nakikinig sya sa tinuturo ng teacher at tinuturo ko. Kunsabagay matalino din talaga tong anak ko at fast learner pa.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now