"I-I'm sorry..." she said between sobs.

"You hurt me."

"I know."

"Sa tingin ko, mas mabuting hindi muna tayo magkita."

"No," she protested. Lalong nag-unahan sa pag-agos ang mga luha nito.

"Kailangan ko ng panahon para makalimutan ang lahat. Para ma-save ang pagkakaibigan natin."

"Borj..."

Sinubukan niyang ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Pain was still trying to mess his head. "That's all I can do for now." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Pinilit niyang huwag lumingon dahil kapag ginawa niya iyon, he would grab her into his arms. Kailangan niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay. He was hurting. Mahal niya si Roni kaya siya nasasaktan nang sobra. The worst thing was, he did not know how to deal with a broken heart.





THE BOTTLES were piling up ngunit hindi pa rin malasing-lasing si Borj. Marahan niyang iniugoy ang swing, saka tumingala sa langit.

All he could think of was Roni. At muli na namang nag-rewind sa isip niya ang mga sinabi nito.

"I planned it. I tricked you."

Dahil sa halo-halong emosyon na gumugulo sa kanyang sistema ay hindi na napigilan ni Borj na ibato ang hawak na bote ng beer. The broken glass created a noise that made him angrier. Lalong nagtagis ang kanyang mga bagang.

Ang buong akala niya ay nakita na niya ang babaeng para sa kanya. After all the mishaps in his life with women, he never thought that Roni would be the one. Ngunit sa ginawa nito ay nadurog ang kanyang puso. It was his first time to fall in love, and also his first time to experience heartbreak.

"Mind if I join you?"

Napalingon siya sa papalapit na si Patrick. Umupo ito sa katabing swing.

"I heard glass breaking. Bumaba ako para i-check kung may nag-trespass. Ikaw lang pala."

"Beer?" Alok niya.

"Sure." Inabot nito ang bote. "You look terrible," dagdag nito, saka napangiwi nang mamalas ang hitsura niya.

"I'm a mess, thanks to this." Itinuro niya ang sariling puso, saka muling nagbukas ng bote.

Napailing si Patrick. "Hindi ako sanay na makita Kang ganyan. Why? When it comes to women, lagi ka na lang on the go. Pero ngayon, parang ikaw ang napag-iwanan."

"Remember what you told me about taking a risk?"

"Yes."

"I did, and I ended up like this."

Patrick sighed deeply. "Nagsisisi ka ba na sinabi mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman?"

Hindi sumagot si Borj. Kahit na nasasaktan, hindi niya pinagsisisihang inamin kay Roni na mahal niya ito. Dahil sa ginawa niyang iyon ay na-realize niyang may kakayahan siyang magmahal ng babae. Na hindi lamang accessory ang mga ito sa kanyang paningin. Na si Roni lang pala ang hinihintay niyang magpapatino sa mapaglaro niyang puso. Iyon nga lang, si Roni din ang dahilan kaya nagkadurog-durog iyon.

"Sa tingin ko ay ipagpasalamat ko pa kay Roni kung anuman ang ginawa niya sa iyo. She helped you realize what love means. Even if you ended up like that."

"Yeah, right. Now I know what being brokenhearted also means. It sucks like hell."

"They work hand in hand, you know. Hindi mo malalamang mahal mo ang isang tao kung hindi ka masasaktan. You've learned your lesson, bro!"

Hindi siya kumibo.

"Borj, hindi puwedeng ganyan ka na lang. Hindi puwedeng pabayaan mo na lang. Kung talagang mahal mo si Roni, kahit ano pa ang ginawa niya sa yo, hindi mo siya pakakawalan."

He shrugged. "I don't even know if she loves me, too." Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Of course, he loved her. Pero mahal din ba siya ni Roni? When he kissed her, she responded. Kasama rin ba iyon sa plano nito? Muli ay gumuhit ang sakit sa kanyang puso.

"Malay mo? Why don't you ask her?" Patrick said.

"What if she doesn't love me?"

"What if she does?"

"She's my friend."

"Do you still see her as a friend?"

Umiling siya.

Patrick continued. "You're stupid to fall in love with your friend and now, you are more stupid if you let her go. Ngayon, kung hindi mo pa rin ibababa ang pride mo, it's your choice."

Borj looked straight into his brother's eyes. Paano kung tanungin nga niya si Roni kung mahal ba siya nito at hindi ang isasagot nito? Makakaya ba niya ang dobleng sakit kapag nagkataon?

Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Then he came up with a decision.

"I guess I need to take another risk," wika niya sa mababang boses. Tama si Patrick, dapat niyang malaman kung mahal din ba siya ni Roni. Like what Patrick said, she was worth taking any risk. Mahal niya si Roni at iyon ang importante. Nasaktan siya, so be it. But he loved her more than any kind of feeling.

Patrick smiled and raised his bottle for a toast. "To you, isang ultimate babaero na ngayon ay brokenhearted dahil na-in love sa kanyang best friend." Saka ito kumindat.

"Asshole." Borj finally smiled. "So, kailan niyo balak kunin ang napanalunan niyo sa dare? Remember, I lost."

"Don't think about it. Napagkasunduan namin ni Paolo na hindi na kunin ang shares mo. Besides, kung ire-rewind mo ang rules, hindi kabilang doon ang ma-in-love ka. Kaya invalid ang pustahan. Kaya iyo pa rin ang shares."

"I'm so thankful that I have you as my brothers," he said sarcastically, saka sila sabay na tumawa. Now, he knew what he needed to do. Mahal niya si Roni at iyon ang mahalaga sa kanya.

 Mahal niya si Roni at iyon ang mahalaga sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💞💞💞💞💞💞💞💞

End of Chapter 9.

Please hit the ⭐

Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading.

Thank you. 💝

 💝

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now