1

3 1 0
                                    

“Scream iana scream” sigaw ng nasa utak ko. Gabi nanaman mag isa ko sa dorm namin sabado kaya umuwi ang mga kasama ko ako lang ang naiwang mag isa.

Namamaga na rin ang mata ko sa ilang oras na pag iyak sa hindi ko malamang dahilan. Natatawa ako sa sarili ko minsan naman okay ako pero minsan umiiyak nalang ako ng walang dahilan.

Siguro ay may dahilan pero hindi ko lang alam o maintindihan. Pinilit kong nilibang ang sarili ko i grab my drawing book and start to draw the things that i think it makes me calm.

Kung ano anong bagay ang e ginuhut ko pero wala pang limang minuto naiiyak nanaman ako.

E sinubsob ko ang muka ko sa unan matapos huminga ng malalim i scream and scream and scream again hanggang sa mapagod ako.

Pagod na akong mag isip ng kung ano anong bagay pagod na akong mag isip buong araw din akong hindi lumabas at kumain.

Dinampot ko ang cellphone ko sa mesa tinawagan ko si mama pero hindi siya sumagot sinubukan ko ulit pero wala parin. Sinubukan ko siyang tawagan sa messenger nakita kong naka online siya pero hindi parin niya sinasagot.

Nanginginig ang kamay ko at kagat kagat ko ang labi habang umiiyak habang binabanggit ang katagang “mama sumagot ka”

Ilang oras pero walang reply si mama kung ano anong sinaryo ang pumasok sa utak ko na baka may kausap si mama na iba baka pagod na siyang kausapin ako kaya ayaw niyang sagotin nag chat na din ako ilang kaibigan ko pero wala rin akong natanggap kaya binura ko lahat.

I checked the time and it's 3:45 am already. Sino nga ba naman ang mag re reply sakin ng madaling araw eh ako lang naman tong malakas mag puyat na hindi kinukuha ni lord. I open my tweeter account and post

"Save me from my mind"

"So tired"

"ⓘ This user wishes the pain would go away"

after kong na post ay nag scroll ako then naisip ko siguro hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong bagay siguro darating ang araw na may makakaintindi sakin.

When 5: am comes nawala na ang luha sa mga pisnge ko at nakaramdam na rin ako ng gutom pero hindi ako bumangon hinayaan ko ang sarili kong mag pahinga kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako napagod physically.

Ilang minuto pa ang hinintay ko para lang daanin ng antok pero dilat na dilat parin ang namamaga kong mga mata at tila ba ayaw mag pahinga.

Binuksan ko ang IG account ko nakakatawa na may 32 followers ako at mga hindi ko pa kilala mga muka pang arabo. nag scroll nalang ulit ako at tinitignan ang update ng mga sikat na tao.

Bigla nalang namatay ang ilaw sa labas kaya siguro ay gising na ang matandang laging galit kahit na ang tahimik namin basta may makita lang na kalat sa dorm.

Mula ng lumipat ako at nalayo sa pamilya ko naranasan kong mag budget at tipidin ang sarili sa tuwing na sho sort ang pera ko na padala ni mama.

Iniisip ko king kamusta na kaya siya sa trabaho  niya kumakain pa ba siya o pagod na ba siya kung nakakapag pahinga pa ba siya ng maayos .

Tumayo na rin ako at inayos ang higaan kinuha ko ang towel ko at lumabas na para maligo. Kitang kita sa salamin ang matambok kong pisnge at ang namamaga kong mata.

Sa tuwing mag isa ako lagi nalang akong umiiyak ng ganito. Sabado naman kaya dapat ay umuwi ako pero naubos ang allowance ko sa pag bilo ng mga kailangan sa school. Na mi miss ko na ang kapatid ko kaso lang ni pambili ng pag kain ko sa pang sabado at linggo wala na.

Matapos kong maligo ay nag luto ako ng noodles na madalas kong pang araw araw na pagkain wala naman akong choice eh. Hanggang don nalang ang perang meron ako kahapon 20 pesos.

Ang sabi ni mama ay iwasan ko ang pagkain ng street foods and noodles kaya pag nag tatanong siya lagi kong sinasabi na hindi ako nag  uulam ng ganon pero ang totoo araw araw yun ang ulam o pagkain ko.

Naawa ako sa sarili ko hindi naman ito ang gusto ko mula pag ka bata, hindi ito yung bagay na sa tingin koy makakapag pasaya sakin.

Ang malalaki kong braso  ang tiyan kong mata ang pangit kong labi at ang height kong napaka liit.

Nakaka ingit yung ibang babae na magaganda ang katawan. Parang nawalan nanaman ako ng gana sa saglitang pagtingin ko lang sa salamin. This life is full of insecurities and judgement.

Kung may nagustohan man ako sa sarili ko yun ay ang mata at ngiti ko. Maganda naman ang mata ko pero lagi ko namang pina paiyak maganda rin ang ngiti ko pero minsan ko lang nakikita, at kong makikita ko man dahil yun sa kailangan kong magpanggap sa harap ng iba na ayos lang ako.

Sabi nila nasa glow up process palang ako dahil hindi pa nahuhubog ng maayos ang katawan ko na alala ko bigla kung pano ako laiitin ng mga kapit bahay namin noong bata pa ako. Yung mga masasakit na salitang tumatak sa isip ko na dala dala ko hanggang sa pag tanda ko.

                                              ♡

“hindi bat anak yan ni Larina grabe hindi man lang ba niya kayang ayosan” dinig kong sabi ni aling sinang.

"Paano ba naman aayosan ng nanay yan e mas maaryod pa ang nanay may pa skin care pa nga e" sabi naman ng kapit bahay naming ubod ng lakas sumagap ng chismis na si aling Sanya.

"Sabagay kahit ayosan mo yang batang yan pinanganak naman pangit tignan mo maitim at malaki ang noo napaka payatot pa at andaming piklat sa paa" kung makapag kwentohan sila ay parang hindi ko naririnig ang lahat.

Tumingin ako sa kanila at tinaasan pa ako ng kilay ni aling Sinang sabay sabing “palibhasa ay kamuka ng tatay pangit din” nasasaktan na ako sa mga naririnig ko lalo na ng tumawa sila pareho kaya tumalikod na ako at nag lakad palayo.

Akala ko ay sa school lang ako makaka tanggap ng mga pang bu bully pero nagkamali ako kasi kahit saan ako tumingin hinihusgahan ako ng mga tao dahil lang sa pangit ako.

Take My HandWhere stories live. Discover now