Special Chapter #2.

Start from the beginning
                                    

Nang makaalis si Lisha ay ngumiti siya saka hinawakan ang mga halaman. Tila naiintindihan na niya ngayon si Knox kung bakit ito mahal na mahal ang mga halaman. Plants can make you feel ease and peace. It's comfortable. Nawawala ang lungkot mo kapag kaharap mo ito o napapalibutan ka ng mga halaman.

“I hope that I could be one of you.” she smiled a little.

Bumuntong-hininga siya at naisipang magpatuloy sa paglalakad. Ngunit noong paghakbang niya pa lamang niya ay biglang humilab ang kaniyang tiyan at may biglang lumabas na kung anong tubig sa kaniyang ibaba. Mabilis siyang napahawak sa kaniyang tiyan dahil sumakit iyon bigla na tila ba ay hinihiwa ang kaniyang tiyan.

“A-Ah…!” nanginginig ang kaniyang tuhod at gusto na nitong mabuwal. “L-Lucas… Tita, tito!” sigaw niya. Pilit siyang humanap ng mahahawak. Mabuti na lamang ay may nawakan siyang halaman na matigas.

“AAAAAHHHHHH!”

                                 ***

“Ina, Ama, Tita, Tito!” sigaw ni Lucas habang buhat-buhat si Lavander na ngayon ay namumutla at panay sigaw dahil sa sakit na nararamdaman.

Muntik na itong mahulog dahil sa sobrang likot. Panay ito hawak sa kaniyang tiyan at nagpupumiglas sa sakit, kaya nahihirapan si Lucas sa pagbuhat sa kaniya. But Lucas didn't let her go. He still carried her even though it's really hard. Nasusuntok na siya sa panga, ngunit hindi niya pa rin ito binibitawan.

Dahil sa sigaw niya ay narinig niya ang mabibilis na hakbang ng mga kasama niya rito sa mansyon. Nakita niyang may lumabas sa kusina, sa may gaming room, at sa stairs. Nagulat sila nang makita siyang nahihirapan habang buhat-buhat si Lavander na tila mamamatay na dahil sa kakasigaw.

“Anong nangyayari?!” malakas na tanong ni Gabria habang mabilis na lumapit sa kanila, natataranta. Lumapit na rin ang iba.

“I think s-she will give b-birth,” nauutal na sagot niya na ikinalaki ng mga mata nilang lahat.

Muling sumigaw ng malakas si Lavander na ikinaigtad nila at natataranta.

“Walang oras para mataranta. We need to bring her to her room. Ako ang magpapaanak sa kaniya ngayon din!” mautoridad na sabi ni Shantelle, seryosong nakatingin sa kanila.

Walang pagdadalawang isip na inakyat ni Lucas ang hagdanan papunta sa kwarto ni Lavander. Inihiga niya ito sa kama habang ito ay panay daing at sigaw.

“Tangina! Ilabas niyo ito! AAHHHHH!” malakas niyang daing.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now