Hindi maintindihan ni Roni. Pero base sa pagkakasabi ni Paolo ay talo na si Borj sa hamon ng mga kapatid. Ibig sabihin niyon ay tagumpay siya sa plano niyang matalo nga si Borj. Ibig sabihin, sa wakas ay na-realize na ni Borj na mali ang notion nito sa kanya. Iyon na rin ang tamang panahon para aminin niya ang planong pagpapaibig sa binata.

Ngunit bakit tila may nararamdaman siyang guilt? Dahil ba walang kaalam-alam si Borj tungkol sa plano niya? Bukod doon, pinagmukha niyang tanga si Borj na ayon sa mga kuya nito ay nahulog na ang loob sa kanya? Should she believe what they said? Totoo bang may gusto sa kanya si Borj? Magagalit ba ang binata sa kanya kapag inamin niyang pinlano niya ang lahat?

Napakaraming tanong na naglalaro sa isip ni Roni ngunit walang ibang makakasagot niyon kundi si Borj lang.

"Sa tingin ko, Roni, dapat ka pa naming pasalamatan. Why? Because Borj is not a pain in the ass anymore," dagdag pa ni Paolo. Nakipag-high-five pa ito kay Patrick.

"Nakakatawa nga siya, Roni. Alam mo ba---"

Hindi na pinatapos pa ni Roni ang sasabihin ni Paolo at nagpaalam nang pupuntahan si Borj. Kailangan niyang makausap ang binata lalo pa at sumuko na ito sa hamon ng mga kapatid. Ibig sabihin din niyon ay nawala kay Borj ang sampung porsiyento ng shares nito sa kompanya at dahil iyon sa plano niya.

Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya sa maaaring sabihin ni Borj. Bakit ba hindi niya iyon napaghandaan?

Pagkarating ni Roni sa mini playground ay hindi niya nakita ang hinahanap. Pero ang sabi nina Patrick at Paolo ay naroon si Borj. Umupo siya sa naroroong swing at marahan iyong iniugoy.

"Roni..."

Napalingon siya nang mabosesan ang binata. "Borj?" Inilibot pa niya ang tingin pero hindi pa rin niya ito nakita. "Nasaan ka?"

"Up here!" Sigaw nito. "Sa puno ng mangga!"

Tumingala siya sa itaas ng puno at nakita nga niya si Borj na nakaupo sa isang matibay na sanga. "A-anong ginagawa mo riyan?"

"Watching the perfect view."

"Bumaba ka nga rito at baka mahulog ka pa!"

"Ang ganda mo palang tingnan mula sa itaas," sabi nito at nanatili sa kinaroroonan.

"Get down here! Nakakangawit ka na, ha!"

"Di ba marunong kang umakyat? Bakit hindi ka rin umakyat? Ang ganda ng view dito, saka presko ang hangin."

"Are you nuts? Bakit diyan pa tayo sa itaas, eh, puwede naman tayo dito sa ibaba?"

"I like it up here. It reminds me of something."

"At ano naman iyon?"

He smiled. "Come up here at sasabihin ko sa yo."

Napataas ang isang kilay niya. Mukhang walang balak si Borj na bumaba kaya malamang na siya ang aakyat. At dahil sanay siya sa punong iyon ay walang kahirap-hirap niyang naakyat iyon. Inalalayan siya ng binata na maupo sa tabi nito.

"So, what is it?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Kaya nga ako umakyat, hindi ba? So, ano ba yon?"

Unti-unting inilapit ni Borj ang mukha na para bang hahalikan siya. Ngunit kagaya ng dati ay nagkamali siya. Bumulong lang ito sa tainga niya, "This is where we first met. Dito tayo unang nagkita, Roni." Borj showed his perfect set of teeth when he smiled. Siyempre, hindi niya makakalimutan ang unang pagkakataong nagkita at naging magkaibigan sila. Pero pagkatapos kaya niyang aminin kay Borj ang ginawa niya ay ituturing pa siya nito na kaibigan? At paano na ang plano niya? Ang pambabasted sa binata kapag nag-confess ito ng feelings sa kanya. Gugustuhin pa ba niyang ituloy iyon gayong siya mismo ay natatakot na baka masira ang matagal na nilang pagsasama bilang magkaibigan?

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now