Chapter 25

5.3K 134 19
                                    

I Love You
"Lyndon & Joy"
By...emzalbino

Kuyom ang mga palad habang nakasalampak sa may sahig si Lyndon at naglalandas ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Hindi niya matanggap na bigla nalang siyang iniwan ni Joy ng walang kaalam alam na dahilan.

"Joy ansakit naman ng ginawa mo sa akin? Bakit ka umalis ng hindi man lang ako kinakausap, bakit?!" halos hindi makahinga sa bigat ng dibdib ng mga sandaling iyon si Lyndon na sa kanyang harapan ay ang binili nitong isang dosenang red roses at chocolates para sa kanyang Sunshine.


"Lyndon iho, alam kong pareho kayong nasasaktan dahil umalis si Joy na umiiyak at dahil na nakita niyang iyon at maging sa araw araw na pagbabaliwala mo daw sa kanya na kung umuwi ay gabing gabi na" anang sabi ni aling Luring sabay tapik sa balikat ni Lyndon.


"Aling Luring kaya po ako umaalis ng araw araw dahil sa inaasikaso ko po ang bahay na lilipatan ng aking mga kapatid dahil may isang araw noon na nag away ang mga lasenggero sa may kanto at nagbabatuhan ng kung anu anong bote sa kalsada hanggang sa pati ang bahay namin ay pinagbabato nila kaya kinailangan kong humanap ng ibang mas ligtas na lugar para sa mga kapatid ko at kahapon lang ako nakahanap kaya lagi akong ginagabi ng uwi, at hindi babae ang dahilan ng atrasado kong pag uwi" sagot na salaysay ni Lyndon.


"Pero iho dapat sinabi mo sana kay Joy ang iyong problema para hindi magduda iyong tao. Alam mo ba dahil sa kalituhan ng kanyang isip ay nagpahula hula pa siya at kaya mas lalo pang nagduda sayo dahil sabi ng manghuhula na babae daw ang dahilan ng kanyang pagluha at ng sundan ka niya kanina eh nagkataon pang nakita niya kayo ni Glenda sa ganoong sitwasyon, syempre iba na ang tumakbo sa isip niya na niloloko mo talaga siya" paliwanag ni aling Luring.


"Aling Luring kaya po hindi ko sinabi kay Joy ang sitwasyon ko dahil ayaw kong mag alala pa siya, ayaw kong isinasali ko siya sa mga problema ko sa mga pamilya ko" paliwanag na sagot ni Lyndon.


"Hindi Lyndon, ang dalawang nagmamahalan ay dapat walang lihiman sa isa't isa. Dapat kung ano ang problema mo o problema niya ay dapat ninyong ibahagi sa isa't isa para sa ganoon ay alam ng isa sa inyong kung ano ang inyong pinagdadaanan at alam kong maiintindihan ka naman ni Joy eh at kung ano ang magiging pasya mo kung sakali ay alam kong igagalang ka naman niya dahil alam kong mahal ka niya. Ngunit sa ginawa mong paglilihim ng sitwasyon mo sa kanya ay hindi mo siya masisisi kong mag isip siya ng hindi kanais nais sa iyo dahil sa naguguluhan ang kanyang isipan" muling pahayag ni aling Luring habang naaawang nakatitig sa luhaang binata at sa mga pasalubong sana nito kay Joy kaya para bang pati ang dibdib ni aling Luring ay bumigat sa nakikitang paghihirap ng dalawa.


"Kasalanan ko man siguro ang hindi pagsasabi sa kanya ng aking problema ngunit alam ng Diyos aling Luring na hindi ko siya niloko, Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal at kahit na hindi ko man nabibigkas ang salitang mahal kita o I love you ay dito sa puso ko at isipan ko laging siya ang laman nito." lumuluhang sabi ni Lyndon sabay turo nito sa kanyang dibdib sa mismong tapat ng kanyang puso.


"Kung maayos ninyo ang gulong ito ay ayusin ninyo habang maaga pa para hindi na ito lumala pa" alalang saad ni aling Luring.


"Saan siya nagpunta aling Luring? Please aling Luring sabihin mo sa akin, saan ko makikita si Joy?" parang natatarantang tanong ni Lyndon na halis yugyugin na nito ang balikat ng matanda habang hawak nito ang magkabilang balikat ni aling Luring.


"Hindi niya sinabi kong saan siya pumunta basta ang sabi niya ay aalis na siya at pupunta siya ng States at hindi ko rin alam kong anong oras ang flight niya, hindi ko alam kung nakaalis naba siya o hindi" malungkot na saad ni aling Luring.


I LOVE YOU....."Lyndon& Joy"...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon