Nakatulala ako sa harap ng vanity mirror. Parang wala ako sa mood kumanta ngayon dahil sa dami ng iniisip ko.

"Ayos ka lang Jess?" Untag sa akin ni Ate Lucille.

Doon lang ako tila bumalik sa katinuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ayos lang ako ate. May iniisip lang."

"Si Atlas na naman?"

Di ako sumagot at yumuko na lang.

"Kung ako sayo wag mo na syang masyadong isipin. Di pa naman siguro ganun kalalim ang feelings mo sa kanya. Maiksing panahon lang kayo nagkakilala. Mas mainam na kalimutan mo na lang sya kesa istresin mo ang sarili mo." Payo ni Ate Lucille habang nagreretouch.

Sana nga ganun lang kadali. Pero hindi. Sobra ko na syang mahal. Lalo na ngayon na nagbunga ang ginawa namin.

Nag excuse si Ate Lucille dahil kakanta na sya. Sya ang unang sasalang. Mamaya naman ako pagkatapos ng lima nyang kanta.

Palakad lakad ako sa sala habang nakatapat ang cellphone sa tenga. Pero iisa lang ang sinasabi sa kabilang linya. Puro out of coverage area. Nakailang dial pa ako pero ganun pa rin.

Napufrustrate na umupo ako sa sofa. Saktong isang buwan na na wala pa syang kontak sa akin. Talaga yatang kinalimutan na nya ako.

Sumandal ako sa backrest at tumingin sa paligid ng bahay. Sa tuwing nandito ako ay palagi syang sumasagi sa isip ko. Ganun din kapag nasa bar ako. Lagi akong tumitingin sa dati nyang pwesto.

Hinawakan ko ang impis kong tiyan at hinaplos haplos iyon.

'Baby, sana kontakin na ako ng papa mo. Siguro matutuwa sya kapag nalaman nyang magkakababy na kami.'

Lumipas pa ang mga araw ay wala pa rin akong kontak at balita kay Atlas. Gusto ko sanang puntahan yung site na hawak nya dito at magtanong tanong doon. Pero di ko naman alam kung saan. Di rin nabanggit sa akin ni Atlas.

Nagpacheck up na rin ako sa ob. Dalawang buwan na akong buntis. Wala pa rin nakakaalam sa mga kasamahan ko sa bar na buntis ako. Mahirap ang sitwasyon ko pero minsan di sumagi sa isip ko na ipalaglag ang bata sa tiyan ko. Di pa man sya lumalabas ay mahal ko na sya.

Napapitlag ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng magring ang kabilang linya. Di matatawaran ang pananabik ko na marinig muli ang boses ni Atlas. Pero naubos na ang ring ay hindi ito sumagot. Dinial ko ulit. Nakatatlong dial ako pero puro ring lang. Baka may ginagawa sya. Sinubukan ko pa ng isa hanggang sa may sumagot na. Pero hindi boses ni Atlas ang narinig ko kundi boses ng isang babae.

"Hello who's this?"

Napakunot noo ako sa mataray na boses ng babae. Baka kapatid sya ni Atlas. Nabanggit kasi nya sa akin noon na may kapatid syang babae.

Tumikhim ako habang mahigpit ang hawak sa cellphone.

"Ah si.. Atlas?" Tanong ko.

"Anong kailangan mo sa fiance ko? Sino ka?"

Nahigit ko ang hininga sa sinabi ng babae sa kabilang linya. Pagalit na ang boses nya.

"F-Fiance?"

"Oo, fiance. Malapit na kaming ikasal ni Atlas. Kaya kung sino ka mang babae nya tigiltigilan mo na ang fiance ko!"

Nanginginig ang kamay na binaba ko ang cellphone kasabay ng pagpatak ng luha ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Parang may isang daang punyal ang sumasaksak sa puso ko.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa at sinubsob ang mukha sa palad. Bumalong ang masaganang luha sa mata ko.

Ikakasal na pala sya kaya hindi sya kumukontak. Kaya parang wala na syang pakialam sa akin. Pero ang sabi nya noon sa akin wala syang nobya. Ang sabi nya single sya. Niloloko lang pala nya ko. Inisahan nya lang ako. Walanghiya sya!

Padaskol na tumayo ako at malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto. Binuksan ko ang closet at kinuha ko ang bag. Nilagay ko ang lahat ng mga gamit ko at ilang mga damit. Parang di ko kayang magtagal sa bahay na ito lalo na at nalaman ko ngayon na ikakasal na pala sya. Di ko maintindihan kung bakit nakipag relasyon pa sya sa akin gayung may fiancee na sya. Bakit? Ano bang balak nya sa akin? Gagawin nyang kabit? Ang kapal ng mukha nya!

Zinipper ko na ang bag pack at sinukbit sa likuran. Binitbit ko na rin ang shoulder bag. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto. Siguro ay doon muna ako sa bar ngayong gabi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi at tumingin sa bahay. Wala ng dahilan para manatili ako sa bahay na ito.

"Kung hindi nga lang dumating ang kapatid ko pwede kang matulog sa bahay. May ekstrang kwarto pa kasi doon." Sabi ni Ate Lucille habang nag aayos ng gamit nya. Pauwi na rin sya at nasa labas na ang partner nya.

"Ayos lang ate, ok naman ako dito." Sabi ko habang inaayos ang unan sa folding bed. Alas dos na ng madaling araw at nagsasara na ang bar.

"O paano maiwan na kita. Kita na lang tayo bukas." Ani Ate Lucille at sinukbit ang shoulder bag sa balikat.

Hinatid ko naman sya palabas ng dressing room. Nilock ko na ang pinto at humiga na sa folding bed. Tumitig ako sa kisame ng dressing room. Pinunasan ko ng daliri ang luhang tumulo sa gilid ng mata ko. Di ko alam kung ano ba ang nagawa kong masama at parang pinaparusahan ako ng ganito. Ngayon di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Di ko alam kung saan na pupunta.

Nakaramdam na ako ng antok kaya pinikit ko na ang mata..

Naalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pinto at parang may tumatawag sa pangalan ko.

"Jessica! Jessica! Gising!"

Dinilat ko ang mata. Di ko alam kung malabo ang mata ko pero parang naguulap ang paningin ko. Mainit din dito sa loob sa dressing room dahil nakapatay pala ang electric fan. Napaubo ako ng sunod sunod. Para akong kinakapos ng hininga. Dinig kong binabayo ng kung sinong nasa labas ang pinto.

"Jessica gumising ka may sunog!"

Doon na ako nagising ng tuluyan at nanlaki ang mata ng marealize na umuusok ang loob ng dressing room. Mabilis akong bumangon kasabay niyon ang pabalibag na pagbukas ng pinto. Tumambad ang dalawang bouncer ng bar na inuubo. Matindi din ang usok sa labas.

"Halika na! Lumabas na tayo! Kumakalat na ang apoy baka di na tayo makalabas!" Lumapit ang isang bouncer at hinawakan ako sa braso.

"S-Sandali lang kuya." Mabilis kong hinablot ang shoulder bag ko.

"Halika na!" Hinila na ako ni kuyang bouncer palabas ng bar.

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot ng makitang kalat na ang apoy sa loob. Naglaglagan na ang mga kahoy sa kisame. Para kaming nasa loob ng pugon sa init. Makapal ang usok sa paligid at halos wala ng makita.

"Dito! Dito!" May lumapit sa aming bumbero at inalalayan kami palabas ng bar.

"Kuh! Mabuti na lang at nakalabas ka jusko! Akala ko di ka na makakalabas ng buhay at tuluyan ng matutusta sa loob!" Sabi ni Madam Luz na naabutan ko sa labas. Naroon na rin ang iba pang mga tauhan ng bar na naiwan. Bakas sa kanilang mga mukha ang panlulumo at pag aalala.

"Ano po bang nangyari madam? Bakit po nagkasunog?" Tanong ko habang pinapanood ang mga bumbero na inaapula ang apoy. Pero sa tingin ko kahit maapula na ang apoy ay wala ng matitira sa bar.

"Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari. Basta parang may putok sa taas tapos yun na, nag aapoy na ang kawad ng kuryente hanggang sa kumalat na ang apoy. Naku, paano na kaya ito?" Nag aalalang sabi ni Madam Luz.

Bumuntong hininga ako. Pasalamat pa rin ako at nakalabas ako ng buhay kahit naiwan ang bagpack ko sa loob. Salamat sa dalawang bouncer na tumulong sa akin.

*****

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now