Chapter 12

373 17 4
                                    

Marahang ginalaw ang katawan niya ngunit parang may mabigat na bagay na nakadagan dito. Naisip niya na unan lang ito at ikinurap ang mga mata at tumingin sa paligid.

Hindi niya kwarto ito saka tumingin sa orasan, alas diyes na mula dito. Sinubukan niyang tanggalin ang nakadangan sa beywang niya pero isang kaba ang naramdaman niya.

Mapayapang nakayakap ang boss niya at ang isang legs nito nakadangan pa sa mga hita niya. Pinilit niyang tanggalin iyon pero mukhang mahihirapan siya.

Naalala niya na naglagay pa siya ng space sa gitna at naglagay ng unan.

Asan na iyon? Ibinaling niya ang paningin sa gilid niya at natagpuan ang hinahanap niya.

Tumitig siya sa lalaking kaharap niya. Her boss is perfectly image of  man of her dreamsm, but it is only a dream. Malamang pinapantasya din ng ibang babae ang imaheng ito.

Muling bumilis ang tibok ng puso niya ng biglang humigpit pa ang yakap nito. Magsalita sana siya ng magmulat ang mata nito ng saglit saka muling pumikit.

"Babe, let's sleep again. Ang likot mo pa lang matulog at napuyat ako." malambing na wika nito.

Napaangat ang bibig niya.

Sino daw? Tanong sa sarili.

Mukhang naalimpungatan na naman ang boss niya. Kagabi pa siya tinatawag nito sa endearment na ito ng boss niya.

"S-sir, baka po nagkakamali kayo~"

"Era. . . Sleep again."

Mas lalo siyang kinabahan ng sumiksik ang ulo nito sa leeg niya at tumama ang hininga nito sa balat niya. Napapikit siya sa sensasyon na iyon, halos hindi siya makahinga sa ayos nila. Itutulak sana niya pero mukhang mahimbing na naman itong nakatulog.

Bahala na! Sana panaginip lang lahat ito.

Muli niyang pinikit ang mga niya. Pakiramdam niya nayakap na niya ng matagal ang katawan iyon at pamilyar ang amoy na ito. Saan at kung kailan hindi niya alam ngayon lang sila nagkasama ng boss niya sa isang kwarto kaya posibleng iniisip niya.

Siguto dahil lagi niyang kasama sa opisina kaya naamoy niya ang pabango nito sa katawan niya. At posibleng panaginip nga lang ang lahat.

Mabangong pagkain ang muling gumising sa kanya at nakayakap na siya sa unan na inilagay niya kagabi sa pagitan nila. Tumingin siya sa orasan, ala una na.

Napabalikwas siya ng bangon. Inayos ang kama at deritsong lumabas sa sala.

Nakita niya ang boss niya na may hawak na magazine at nagkakape.

"Good morning,"

Salubong sa kanya nito. Seryoso pero mahahalata ang saya sa mata nito.

"Good morning, Sir Hunter." Atubiling sagot niya.

"Let's eat breakfast or lunch, maybe snack." ngumiti ito.

Mukhang nasa mood ang boss niya. Naisip niya ang senaryo kanina. Sana panaginip lang iyon.

"Sir H-Hunter~"

Tumingin sa kanya ito saka tumayo.

"No excuses, come on. . ." hinawakan siya  nito sa braso at pinaupo sa upuan.

Napatitig siya dito.

Mabait nga ito, pero ano ang kapalit?

Tila na trauma na siya sa mga lalaki. Lalo na ng mawala na lang ang pinakakaingatan niya. Napatungo siya at nagsimulang kumuha ng pagkain.

Wala ni isang nagsalita hanggang matapos silang kumain. Siya na nag-volunteer na ayusin ang pinagkainan nila.

Nakita niya ang binata na binuksan ang television saka bumungad sa kanila ang weather forecast. Signal number one mula sa balitang iyon.

ONE WILD NIGHTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें