TLMP #33- My First Love

Start from the beginning
                                    

"Fine. Ituloy na lang ulit natin yung Training bukas" sabi niya.

"Finally!" Sigaw ko at tumayo na. Napaupo na kasi ako sa sahig kanina dahil sa pagod.

Parang siyang si Demon eh! Gusto first training palang, magaling na agad yung tinuturuan nila. Tingnan mo! Fvck lang. Naalala ko na naman siya! =_____=

"Ang hirap mo pa lang turuan noh? Hahaha" Sabi ni Liam. Binigyan ko lang naman siya ng death glare.

"Buti napagtiisan ka ng dati mong trainor. Hahaha" sabi niya. Bigla naman ako natigilan.

"Oh bakit ka natigilan? Siguro hindi ka talaga napagtiisan ng dati mong trainor noh? Papalit palit ka siguro ng trainor hahaha. Wag ka magalala, ako? Hindi ako susuko sayo" sabi niya.

"Mali ka, hindi niya ako sinukuan kahit araw araw ng training minumura niya ako. Kahit lagi niya akong tinatawag na stupid at weakling, natiis niya ako. Pareho nga kayo eh. Gusto niya, una palang ng training. Magaling na agad ako sa paghawak ng ability ko. Mainipin din siya at napakabossy pa, pero kahit ganun yon. Ang dami kong natutunan sa kanya" sabi ko. And I don't know but my lips suddenly form a smile.

"Gusto mo siya noh?" Tanong niya. Napatingin naman ako bigla sa kanya. Nakangiti siya pero iba yung sinasabi ng mga mata niya.

"Tsk. Tara na nga" sabi ko at umalis na sa Training Room. Gusto ko sanang sagutin siya na 'oo' gusto ko yung demonyong yon. Pero parang may parte ng katawan ko na ayokong aminin sa kanya. Ewan ko =_____=

Bago ako makapasok sa kwarto ko dito sa palasyo, may nakita akong pusa. Ang cute niya. Blue yung mga mata niya tapos kulay white yung balahibo niya. Binuhat ko naman yung pusa at hinaplos haplos siya. Ang lambot. Mahilig kasi ako sa mabalahibo na pusa o kaya aso. Tumingin ako sa paligid. Wala namang ibang tao. Kikidnapin ko muna itong pusa. Haha. Pumasok na ako sa kwarto ko. Mamaya ko na lang isasauli yung pusa kung sino man yung nagmamayari sa kanya.

"Ang cute mo naman. Ano kayang name mo?!" Tanong ko dun sa pusa. Tsk. Nahawa na yata ako sa mga baliw na tao na nakapaligid sakin. Naalala ko dati, mahilig dati yung first love ko sa pusa. Haay. Sige na nga, ikwekwento ko na sa inyo kung sino yung first love ko. Haha. Tsaka kung pano ako nainlove sa kanya.

--Flashback--

Siya si Topher Raven Nixon. 10 years old ako nung makilala ko siya. Nasa garden ako nun dahil tumitingin tingin ako ng mga bulaklak sa garden. Mahilig kasi ako sa mga bulaklak.

"Yana!"

Napalingon ako nang may isang payatot na lalaki ang lumapit sakin habang kumakaway, nakangiti pa siya ng wagas.

"Huh? Hindi ako si Yana, Nylla ang pangalan ko" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo na ba ako naalala?" Tanong niya.

"Pano naman kita maalala eh ngayon lang kita nakita! Bopols ka rin noh?" Sabi ko. Pero parang familiar yung word na 'Yana'

"P-pero ako ito, akong yung soon to be husband mo" sabi niya habang paiyak na.

"Ano? Soon to be husband? Eh ang bata bata ko pa! Nagshashabu ka ba, ha?! Tsaka ayoko sa isang payatot at iyakin na tulad mo! Hmpf!" Sabi ko at umalis na sa garden. Nakakainis yung batang yun ah!

The next day....

"Nylla, tara! Laro tayo ng chinese garter!" Yaya sakin ni Brinley, bestfriend ko siya! Hehehe.

"Ah eh. Mamaya na lang. May pupuntahan pa kasi ako" sabi ko. Tumango na lang siya sakin at nakipaglaro na sa iba naming mga kaklase.

Pupunta ako ngayon sa likod ng school. Matutulog ako. May malaking puno kasi doon. Tahimik doon at hindi pa mainit kaya kumportable ako sa lugar na iyon. Pagkaupo ko sa damuhan at pagkasandal ko sa puno, nabigla na lang ako nang may sumigaw.

"Uy, Yana! Anong ginagawa mo dito?"

Tumingin tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang tao? Huhuhu, may engkanto ba dito?! Nakakatakot naman pala dito.

"Hahahaha. Nandito ako sa taas" sabi nung lalaki na nagsalita kaya napatingin ako sa itaas ng puno. Yung lalaking payatot na iyakin kahapon.

"Anong ginagawa mo diyan? Unggoy ka siguro noh?" Sabi ko.

"Hindi noh! Mahilig lang talaga ako sa matataas na lugar. Gusto mo umakyat? Mas mahangin dito" sabi niya. Saglit naman akong nagisip.

"Hmm, okay!" Excited na sabi ko. Gusto ko matry kung anong feeling! Hahaha. First time ko itong aakyat sa puno eh.

"Hindi ba ako malalaglag?" Tanong ko habang kumakapit ng maigi para hindi mahulog.

"Wag ka magalala, sasaluhin kita pag nahulog ka. Tsaka wag kang tumingin sa baba para hindi ka malula" sabi niya. Sinunod ko naman yung sabi niya hanggang makarating na ako sa pwesto niya.

"Hmmm, Tama ka nga, mas mahangin dito!" Sabi ko habang nakapikit at dinadama ang malakas na hangin. Pero hindi naman yung sobrang lakas na hangin na parang may bagyo na. Hehehe.

*meow*

"Woow! Ang cute niya naman! ^____^" sabi ko. May nakita kasi akong pusa na nasa lap nung lalaki na payatot.

"Hehehe. Alaga ko siya" sabi niya.

"Kaso nakakatakot naman! Bakit kulay itim yung kulay ng balahibo niya? Nakuu! Baka malasin ako niyan!" Sabi ko. Napatawa naman siya.

"Hindi kaya malas itong si Yana" sabi niya.

"Yana? Babae pala siya" sabi ko.

"Yana ang pinangalan ko sa kanya kasi yun yung tawag ko sa babaeng mahal ko" sabi niya habang ang lawak ng ngiti.

"Edi ba Yana yung tawag mo sakin?" Tanong ko. Naalala ko kasi bigla.

"Oo nga. Yana ang tawag ko sayo dahil ikaw nga ying mahal ko" sabi niya.

"Eh bakit Yana? Nylla pangalan ko!" Sabi ko habang nakapout.

"Hahaha ang cute mo talaga. Diba may Gianna ka sa pangalan mo? Yung Gianna, pinaikli ko lang. Ginawa kong GiYANA. Gets?" Sabi niya. Napatango tango naman ako.

"Pano mo pala nalaman na may Gianna sa pangalan ko?" Tanong ko.

"Sabi ko nga kasi sayo, ako ang future husband mo kaya madami akong alam sayo" sabi niya. Nacurious ako lung totoo ba yung sinasabi niya kaya lagi ko siyang nilalapitan na.

Simula nun, lagi na lang ako pumupunta sa malaking puno dahil lagi ding nandoon si Raven. Lagi kaming naguusap at nagkukulitan. Hanggang nung nag12 years old ako, narealize ko na mahal ko na pala si Raven sa isang taon naming magkakilala.

--End of Flashback--

Tapos ayun na, Nakilala si Liam nun nung first day of classes, first year HS ako. Naging magkakaibigan kaming tatlo. Actually kaming apat pala, kasali pala sa circle of friends namin si Brinley. Pero nung nag13 years old ako. Nawala na lang si Raven bigla. Hindi na siya nagsecond year HS sa school namin, pati na rin pala si Brinley. Wala na kaming naging balita sa kanila pagkatapos nun. Haaay. Nasaan na kaya sila?

Patulog na sana ako nang may naalala ako na ikinatigil ko. Yung lalaking nasa garden dati sa Dream High! P-possible kaya na si R-Raven yun? Naalala ko kasi na tinawag niya akong Yana bago siya umalis sa garden nun! P-pero parang impossible? Aiish! Bahala na nga! Matutulog na ko! =______=


The Lost Magic PrincessWhere stories live. Discover now