I'll miss you bebe Llona...

231 16 33
                                    

This is a letter I made for my friend... Oo online ko lang siya nakilala pero part na rin siya ng buhay ko...

Hindi ko alam na ganitong kabilis yung magiging pangyayari... Na sa isang iglap , mawawala na pala siya ... Alam kong hindi na niya mababasa to , pero gusto ko pa ring isulat ....

Kasi kung hindi dahil sa wattpad , hindi kami magkakakilala ... At hindi ko siya magiging kaibigan ...

=====================================================================

Hello Llona!!!

Kamusta ka na dyan sa lugar mo? Siguro masaya ka na dyan kasi atleast wala ka nang pain .. Hindi ka na nahihirapan unlike nung nandito ka pa ...

Alam mo , masaya ako na kahit sandaling panahon lang , nakilala kita . Hindi man tayo nagkita ng personal , pero itinuring na talaga kitang isa sa mga kaibigan ko..

Yung nakilala kong Llona , masayahin , makulit , madaldal , masigla ... Llona na parating nakangiti kahit na may problema ...

Bebe , alam mo , nalulungkot si Ate Bula ... :''((((

Nalulungkot ako na hindi man lang tayo nabigyan ng chance para magkakilala talaga ng personal at yung maging magkaibigan pa tayo ng matagal .. Pero kahit ganun , thankful na rin ako kay Papa Jesus kasi nakilala kita .

Nagulat ako sa balitang natanggap ko ... Sabi nila , wala ka na raw ... Nung una akala ko rumors lang ... Ayoko pa nga maniwala eh .... Pero nung tinignan ko yung wall mo sa facebook , hindi ko na napigilan yung luha ko ..... :'((((((

Bebe Llona , mamimiss talaga kita ng sobra ... Mamimiss ka ni Ate Bula .... Mamimiss ko yung kwentuhan natin... Parang kailan lang nung nagkakahiyaan pa tayo eh .... Kasi hindi pa natin kilala yung isa't isa ...

Natatandaan mo ba yung mga panahon na kakaunti palang tayo sa group ng CFH ? Palaging tayo tayo palang yung nagkukwentuhan dun .. Ang saya natin nun kahit na hindi naman talaga tayo magkakakilala ... Comfortable tayong magkwento ng mga kalokohan at problema sa isa't isa...

Umabot pa nga sa point na nagkakatext na rin tayo... Although madalang akong magload kaya madalang din tayong makapagkwentuhan, pero everytime naman na nagkakatext tayo , kung ano anong masasayang kalokohan yung napagkukwentuhan natin ....

Nito nga lang Valentine's Day... Sabi mo pa nga sakin nun, hindi yun Independence Day... Kasi para sayo, EDSA Revolution yun..... Tawa tayo ng tawa sa kalokohan natin kasi pareho tayong zero ang lovelife ... Ang nagpapakilig lang satin e sina Nathan at Tristan.. Isama na rin si Warren ....

Napag-usapan pa natin nun na hindi na tayo magiging bitter kasi may darating din naman satin... Yung bigay talaga ni Papa Jesus .. Pero bebe bakit naman ganun ? Hindi pa nga natin nakikita o nakikilala yung para satin eh ... Bakit wala ka na ??? Bakit umalis ka na agad ??? Iniwan mo na si Ate Bula mo na mag-isang naghihintay sa Mr. Right niya.... :''((((

Wala pa tayong lovelife pareho , umalis ka na ... Hindi pa nagiging Valentine's Day ang tawag natin sa Valentine's Day pero wala ka na .... :'((((((

Tapos , nito lang March 8 , habang nasa byahe ako pauwi sa province namin para sa wedding ng Tita ko , magkatext pa tayo diba .... Nag-gm kasi ako nun na ang emotera ng peg ko tapos sasabayan ng senti na kanta ... Nagreply ka pa nun sakin eh ... Nagkwentuhan pa tayo ng kung ano ano ....

Kung iisipin ko , parang kahapon lang nung magkatext pa tayo , tapos ngayon eto na yung nabalitaan ko .... :'((((

Alam mo ba , this past few weeks , napapansin ko sa gm mo yung palaging may part na ang nakalagay eh parang "magagalit ba kayo kung susuko na ako?" ... Ilan yung gm mo nun na may ganun eh .. Hindi ko naman masyadong pinansin kasi akala ko buhay pag-ibig lang yung tinutukoy mo dun ... Yun pala eto na ata yung ibig sabihin mo dun ....

Bebe , sobrang mamimiss talaga kita .... Masaya ako and thankful na nakilala kita .. Kung hindi dahil sa wattpad , siguro hindi tayo nagkakilala ... Buti nalang pala nagwattpad tayo ano ?

Alam mo bebe , nalulungkot talaga ako kasi wala ka na .. Hindi ka na ulit namin kailanman makakausap pa sa group , hindi ka na namin makakakulitan doon ... Pero happy na rin ako para sayo .. Kasi alam kong kasama mo na dyan si Papa Jesus ... Masaya ako kasi dyan sa lugar mo , hindi ka na makakaranas ng hirap at sakit ... Kasama mo na yung mga angels mo dyan ...

Bebe , ikaw na ang bahala sa aming lahat ha ? Alam ko naman na kahit online lang tayo nagkakilala , babantayan mo pa rin kami kung nasaan ka man ... Bigyan mo rin ng strength yung family mo para kayanin nila yung nangyari ...

Alam kong masaya ka na kasama ni Papa Jesus .... Magpahinga ka na dyan ha ?

I love you bebe Llona... I'll miss you ....

--Ate Bula <3

I'll miss you bebe Llona...Where stories live. Discover now