“Kahit na,” agad naman na sagot ni Heather sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at saka bumuntong-hininga.

“Hindi ako sasama,” sabi ko na nagpabalik sa akin ng tingin ni Anton, nanlalaki ang mga mata nito at ngumiti naman si Heather.

Tila natutuwa pa ito dahil sa naging reaksyon ng kaibigan si Anton, sa loob-loob ko ay natutuwa rin ako.

“If you don't come with me, I'm surely dead. . .” may pakikiusap naman sa tono ni Anton ng sabihin niya sa akin ang mga katagang iyon, nakita ko naman sa gilid ng mga mata kong mas lumawak ang ngisi ni Heather.

Pigil naman ako sa sarili na huwag ngumisi dahil sa ginagawa kong pang-aasar aa dati kong kaibigan.

“Kaya hindi na 'ko sasama,” agad ko naman na sagot sa kaniya.

“Gael, huwag naman ganiyan. . . isantabi muna natin ang nakaraan, nakikiusap ako dahil lagot talaga ako sa babaeng 'yon!” Tila kunti na lang ay luluhod na ito sa harapan ko para sumama lang ako sa kaniya, sa kanila.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Heather.

“Shut up, Heather!” Napipikon na sambit ni Anton.

Tumalikod naman ang kaibigan, halatang tinatago ang kaniyang natatawang mukha dahil sa reaksyon ng kaniyang kaibigan.

“Gael,” muli nitong tinawag ang pangalan ko, nakikiusap.

Tinagilid ko ang aking ulo pakanan habang hindi pinuputol ang aking titig sa kaniya, lumulunok pa ito dahil sa nakikita niyang itsura ko, masiyadong seryoso at hindi manlang ngumingiti.

“Hindi ako sasama,” sabi ko.

“Kasi naman, Gael. . .” pumikit ito at tila iiyak na siya. Muli itong nagdilat ng mga mata, “patay ako kay Priscilla, Gael. . .”

“Kaya nga hindi ako sasama, titingnan natin kung magagawa ka talaga niyang patayin.” Paliwanag ko sa kaniya, dahilan iyon para humagalpak ng tawa si Heather.

Dahil doon ay napangisi ako kay Anton, napasabunot ito sa kaniyang buhok at tila nauubusan ng pasensya dahil bumuntong-hininga rin ito sa harapan ko.

Natutuwa ako sa reaksyon niya, hindi ako makakaganti sa lalaking ito kaya naman pipikunin ko na lamang siya nang todo.

“Seryoso naman kasi ako,” parang bata niyang sabi sa akin, mas napatawa no'n si Heather.

“Biro lang, baka umiyak ka pa,” untad ko at saka tumalikod sa kanila, sumunod naman sa akin si Heather, naaamoy ko ang kaniyang pabangong Paris-Roma No. 5 perfume bag, ang amoy niya ay parang bulaklak gaya ng rose, Ylang Ylang, at Vanilla na rin.

Iyon ang paborito niyang perfume, mula noong una ko siyang makilala ay iyon na ang kaniyang amoy.

Pumasok ako sa kuwarto ko at saka nagsimulang mag-impake, nakita ko pang binuhat ni Heather ang anak ko habang tulog at nagpaalam na mauuna na ito sa amin at isasama na si Dos.

Hindi naman ako tumanggi, kilala siya ni Dos at may tiwala ako kay Heather, alam kong aalagaan niya ang anak ko at hindi hahayaan na may mangyareng masama rito.

Wala ng rason para magtago pa ako, walang rason para lumayo pa kay Priscilla, babalik na 'ko sa pamilya ko.

“Aalis ka na talaga. . .?” Bakas boses ni Ace ang lungkot sa sariling tanong, ngumiti naman ako sa kaniya at tumango nang bahagya.

Naririto na kami ngayon sa kung saan nakapila ang mga bangka, hinatid ako ni Ace rito.

“Kailangan, e.” Sagot ko sa kaniya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now