“Nasaktan ba kita kagabi?” Tanong ko sa kaniya, ang tanong na iyon ay patungkol sa nangyare sa aming dalawa.

“Hindi...” mapula-pula na ang kaniyang mga pisngi dahil sa aking tanong at naging sagot sa akin.

“Sigurado ka?”

“Oo...”

Tumango na lamang ako at kinuha na ang kaniyang pinagkainan, bago lumabas ng kuwarto ay nilingon ko siyang muli at sinabihan na magbihis na dahil dadating na si Dos maya-maya lamang saka tuluyang lumabas.

Doon ko lang nahugot ang aking himinga, todo ang pigil kong huminga sa loob kasama niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit hanggang ngayon gano'n pa rin ang reaksyon ng aking katawan kapag kasama ko ito.

Piniling ko ang aking ulo at saka sumandal sa dingding ng kusina, kakaiba ang dating nito sa akin, mula noon hanggang ngayon. Walang bago, palaging pamilyar.





4 days later. . .

Ilang araw na ngunit hindi pa rin nagpaparamdam si Priscilla, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na siya muling bumalik sa aming bahay.

Hindi naman ako nagrereklamo dahil alam ko rin na busy itong tao o baka bumalik na ito sa Zambales, hindi ko naman siya pinipilit na bumalik sa bahay dahil karapatan niya rin 'yon. Hindi rin naman sa akin umiikot ang kaniyang mundo, hindi rin palaging nasa akin ang kaniyang oras.

Sa oras at taong nagdaan, nasanay ako. Alam kong marami na ang nagbago sa pagitan naming dalawa, alam kong hindi na kami tulad ng dati.

Dati na hindi mapaghiwalay, dati na palagi kaming magkasama, at dati na palagi kaming nasa tabi ng isa't-isa.

Gaya niya ay may oras din akong busy, busy sa pag-aalaga sa aking anak. Katulad na lamang ngayon, papunta kami sa ilog na nakakonekta sa dagat.

Si Ace at ang pamilya nito ay niyaya kami ni Dos, maglalaba pa ako sa bahay ngunit gustong sumama ni Dos. Kahit naririto sila Nanay Peng ay dapat ko pa rin bantayan ang anak ko, mas uunahin ko ito kaysa sa mga labada ko.

Nakarating kami sa lugar at nagsimula ang mga itong maligo sa ilog, niyaya nila akong maligo ngunit umiling lamang ako at masaya silang pinapanood.

Nangingibabaw ang masayang sigawan ni Ace at Dos, sobrang sarap sa pakiramdam kapag naririnig ko ang malakas na hagikhik ng aking anak, pakiramdam ko ay nasa ulap ako.

Inayos ko ang aming pagkain pagkatapos kong ilatag ang blanket sa lupa. Muli ay tinawag ako nila Ace kaya napalingon ako, nilapit nila si Dos malapit sa akin mula sa ilong at saka akong winisikan nang tubig ni Dos.

Tawang-tawa at proud na nanay naman si Dos, proud na Lola si Nanay Peng, at proud tito si kuya Oscar. Kaya naman wala akong nagawa at lumusong na rin sa tubig, kinuha ko si Dos at ako ang naglaro sa kaniya.

Buhat ko si Dos habang naglalaro kami ng habulan, grabe naman ang tawa ng aking anak na parang hindi kayang tumigil kakatawa.

"Issa,” tawag sa akin ni Ace, nagtataka naman akong lumingon sa kaniya habang si Dos ay kinuha sa akin ni Kuya Oscar at saka ito nilaro kasama si Nanay Peng.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong sa kaniya.

May tinuro ito mula sa aking likuran kaya naman nagtataka akong lumingon doon, nakita kong nakatayo roon si Priscilla. Walang bago, nakasuot nanaman ito ng itim.

“Si Ma'am Priscilla,” bulong niya sa akin, nanatili naman akong nakatingin kay Priscilla, “puntahan mo, mukhang ikaw ang pinunta rito.” Seryoso niyang turan sa akin.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now