Narinig ko ang pagsigaw ng mga tao nang makawala ang babae sa kamay ng autoridad at mabilis na may kinuhang kutsilyo sa kaniyang bulsa. Tumakbo ito sa kinaroroonan ni Elisha na ngayon ay umaatras na tila ayaw niyang patulan ang babae. At bago pa man masaksak si Elisha ay biglang may pananggalang na bumalibot sa kaniya dahilan upang tumilapon ang babae na ikinahiyaw ng lahat.

Malalaking mata kong binalingan si Evianna na tila umuusok ang ilong sa galit. I saw how her eyes turned into red-orange. Nakita ko rin kung paano lumipad ang kaniyang buhok dahil sa hangin.

“Sino—Walang hiya kang bampira ka!” sigaw ng babae nang makita niya si Evianna na nasa kaniyang harapan.

“No. How dare you hurt my sister.” Kalmado iyon ngunit bakas na bakas sa kaniyang boses ang pagkadelikado.

Tumayo ang babae. “Hoi! Bakit ba kayo nandito? Hindi ba't demonyo kayo? Why are you helping us? Baka ipadala mo lang kami sa lugar kung saan nandoon ang kalahi mo't pagpyesta kami!” sigaw ng babae sa kaniyang harapan.

Narinig kong tumawa si Evianna. “You think? Sige nga, tell me. Kapag ba iniwan ka namin dito't may sumugod, mabubuhay ka ba?” tila hindi naman nakasagot ang babae. Suminghal si Evianna. “Sa nangyayari nga ngayon, sa tingin mo ay normal? We are being kind here. Gusto namin kayong iligtas kahit na ayaw niyo sa amin. We are not the enemy here, if that's what you look at us. Not every vampire wants to kill you. Dahil kapag ginawa namin ang ginawa ng iba.” tinuro niya si Ate Lavander at Yeron. “Baka sila palang ang sumugod, mauubos na kayo.” Taas noong tiningnan niya ang babae. “We are the daughters of the highest vampires, yet we are doing this. You should be thankful and blessed.”

Napakurap-kurap ang babae, ngunit maya-maya ang mas lalo lang nagalit ito. “At nagmamayabang ka pa! Kung ganiyan din naman ay sana hindi niyo na kami tinulungan. Parang gawa-gawa niyo lang naman iyong nangyayari. Kasalanan ninyo!” sigaw ng babae. Nakita kong naiyukom ni Evianna ang kaniyang kamay at handa na sanang saktan ang babae nang mabilis ko siyang pinigilan gamit ang isip.

‘Babe, stop!’ nakita kong tumigil siya at iginilid ang ulo upang tingnan ako. Napatingin din sa akin ang iba. Alam kong pula na ang aking mga mata ngayon. Hindi ko sila pinagtuonan ng pansin at nanatiling nakatingin sa mata ng aking kasintahan. ‘Chill, Babe. She is a mortal, you might kill her if you will attack her. So, please, no.’

Nakita ko kung paano napapikit ang kaniyang mata na ikinangisi ko. T*ena! Kaya mahal ko iyang babaeng iyan, she understand every situation. A strong independent women ba naman. I love her.

Huminga siya ng malalim at saka seryosong tumingin sa babae. “You know what? Think whatever you want to think, I don't care anymore.” Humakbang siya papalapit sa babae na ikinaatras nito. “Just don’t hurt my sister again or the people will see you breathless,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa akin.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now