Chapter 1: Accident

13 0 0
                                    

A/N: This might trigger suicidal ideation. Please don't read this story if you are encountering something that might trigger it. Please. Hope you understand.

••• Selene •••

Malakas na pumapatak ang ulan sa labas. Kanina pang hindi tumitigil ang ulan gayong hinihintay ko na lang na tumila para makauwi na sa bahay. Wala rin naman akong dalang payong gayong sobrang init kanina ng panahon.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya't agaran ko ring kinuha para tingnan kung bakit iyon nagba-vibrate.

A message from Asher.

I immediately open the message from him and read it.

*Sel, let's break up.

Pinaulit-ulit kong binasa ang text ni Asher at parang hindi mag-sink in ang sinabi niya mula sa text niya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinitigan ang cellphone ko at sabihin sa sarili ko na panaginip lang iyon.

D-did he just b-break up with me?

Wala sa sarili akong lumabas mula sa aking sinisilungan. Sumayi ako sa ulan na patuloy pa ring bumubuhos nang malakas. Ni hindi ko man lang din maramdaman ang buhos ng ulan na humahalik sa aking balat.

"What did I do wrong? May mali ba akong nagawa para makipag-break siya sa akin? Anong rason mo Asher?" paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili habang dahan-dahang tumutulo ang patak ng ulan sa aking pisngi, or maybe my tears started to fall without me knowing.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na rin alam kung saan ako dinala ng aking mga paa habang patuloy na naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan.

Many questions started to fill me up but I don't have any courage to text him back just because of that simple text from him.

Nagsawa ka na ba sa akin, Asher?

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tila mas mabigat pa ang nararamdaman ko sa mga patak ng ulan. All I can feel is my heavy footsteps carrying me to an unknown path.

How about the five years, Asher? How about the days we spent together? How about the moments we used to smile together? How about those days? Isn't that enough?

Am I not enough?

I am trembling. My heart filled me with ache and loneliness. Parang mamaya ay matutumba na ako sa kawalan ko sa aking sarili.

Ramdam ko na ang basang-basang uniporme ko at marahang dumidikit na iyon sa buo kong katawan.

Naramdaman kong muli ang pag-vibrate ng aking cellphone pero hindi ko na binigyan ng pansin iyon bagkus ay patuloy lang akong naglakad sa tinatahak kong daan.

Isang malakas na busina ang narinig ko mula sa aking kaliwa kaya marahan akong lumingon doon. Nasilaw ako sa malakas na liwanag ng ilaw niyon kaya't naniningkit matang tiningnan ko ang mabilis na paparating na kulay itim na kotse.

Marahan akong napapikit saka humarap nang diretso sa umaarangkadang kotse. Ni hindi ko inalintana ang malakas na businang ipinupukol nito sa akin.

Maybe this is my time already. Maybe it is the time to get rid of this pain. And I think, I am ready for my life to be taken away from me.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata saka hinintay ang kotse na lumapit sa akin hanggang sa isang malakas na pagbunggo ang narinig at naramdaman ko.

Everything has occured in a second. Naramdaman ko na lang na may malapot na likidong umaagos sa aking pisngi mula sa aking ulo.

My eyes started to be blurry while I am kissing the cold and wet asphalt road. The continuous sound of murmurs filled my ears. Before I was totally loss my conciousness, I heard my voice in my head that made me slightly smile.

Finding YouWhere stories live. Discover now