Sabay na rin kaming dalawa na pumunta ng bar.

"Bakit sabay kayong dalawa ni Atlas dumating? Saan kayo galing? Nagmotel kayo no?" Malisyosang tanong ni Anette. Nakita nya kasing bumaba ako sa kotse ni Atlas.

"Uy hindi ah! Nagsabay lang talaga kaming pumunta dito. N-Nadaanan nya ako sa kanto namin." Nakangusong sabi ko.

Ayokong sabihin na galing ako sa bahay ni Atlas. Siguradong iba ang iisipin nya. Saka di pa nya alam at ng mga kasamahan ko dito na kami na. Sinisekreto ko muna dahil baka makalabas ang balita at malaman pa sa bahay eh di lalong yari ako.

"Ok sabi mo eh." Ani Anette pero obvious namang di sya naniniwala sa sinabi ko.

Pinagkibit balikat ko na lang at sinulyapan si Atlas na nakaupo sa counter. Tumingin sya sa akin. Kumaway naman ako sa kanya at pumunta na sa dressing room.

-

Mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin ni Atlas sa loob ng kotse. Tanging tunog ng malilikot naming labi ang maririnig sa loob ng kotse. Nakakandong ako patagilid sa kanya habang nakahawak sa balikat sya. Sya naman ay nakahawak ang isang kamay sa likod ko habang ang isang kamay naman ay humihimas sa hita ko. Sa kabila ng suot kong pantalong maong ay ramdam ko ang init ng kanyang kamay.

"Mm." Napadaing ako ng bahagya nyang kagatin ang ibabang labi ko sabay sisip nya. Syempre hindi rin ako nagpatalo.

Noong unang halikan namin ay hindi ko alam kung ano ang gagawin noon. First time ko eh. Pero sabi nya gayahin ko lang daw ang ginagawa nya. Kaya heto ako ngayon feeling expert na.

"Hmm sweet.." Anas nya ng maghiwalay ang labi namin.

Bahagyang habol ko pa ang hininga samantalang sya ay parang wala lang. Halatang legend na sa halikan. Basta ba ako na lang ang hahalikan nya ngayon. Dahil kapag nahuli kong may iba pa syang hinahalikan, hahalik din sya sa kamao ko.

Napakagat labi ako ng ang panga ko naman ang pinapak nya ng halik pababa sa leeg. May kakaibang kiliti akong nararamdaman. Nararamdaman ko rin ang pagtaas ng temperatura ng katawan ko. Para akong lalagnatin na hindi naman. Lagi ko itong nararamdaman kapag magkadikit kami na gaya nito at pinagsasaluhan namin ang mainit na halik.

"You smell so good sugar hmm.." Sinisinghot singhot na nya ang leeg ko.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Mabuti na lang malinis ako sa katawan.

Humugot sya ng malalim na hininga at nag angat ng tingin sa akin. Mapupungay ang mga mata nya. Hinaplos haplos ko naman ang pisngi nya. Masarap sa palad ang pagkiskis ng mga papatubo nyang balbas.

"Parang ayaw na kitang iuwi sa inyo. Pero hindi naman pwede." Usal nya.

Kumagat labi ako. Ayoko ring umuwi sa amin. Hindi pa rin kami ok ni Tita Emie.

"Ayoko ding umuwi. Doon muna ako matutulog sa bahay mo."

Napaawang ang labi nya sa sinabi ko. "Gusto mong sa bahay ko matulog?"

Tumango ako.

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Doon muna ako."

Saglit nya akong tinitigan na parang tinatanya ako.

"Fine, sa bahay ka matutulog."

-

Sinusundan ng tingin ni Atlas ang bawat galaw ko at parang takang taka sya. Kumuha kasi ako ng bed cover, unan at kumot sa cabinet nya. Kinokoberan ko ang makapal na kutson dito sa kabilang kwarto. Pinagpag ko pa ang unan at kumot. Malinis naman ang kwarto at hindi maalikabok. May aircon din.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt