Napangiti na rin ako. Ewan ko ba gumaganda talaga ang mood ko kapag kasama ko sya. Iba na talaga ang tama ko sa kanya. Alam ko hindi na simpleng crush to. Nahuhulog na ako sa kanya.

"Pero seryosong tanong sugar, nahalikan ka na ba?" Tanong ni Atlas.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Seryosong tanong talaga yan?"

"Seryoso nga."

Tinantya ko ang hitsura nya. Mukhang seryoso naman sya sa tanong. Titig na titig pa sya sa akin.

"Hindi pa. Never pa naman akong nagkaboyfriend kaya wala pang nakakahalik sa akin. Boyfriend ko lang ang pwedeng humalik sa akin -- hmp." Nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi nya sa labi ko. Hinawakan pa nya ang batok ko at diniin ang labi.

Hindi naman magkamayaw sa malakas na pagkabog ang dibdib ko. Parang may naghahabulang daga sa loob.

Mabilis ko syang tinulak at luminga linga. Walang nakatingin sa amin at busy ang lahat sa pag inom at pakikinig kay Ate Lucille na kumakanta sa stage. May kadiliman din dito sa pwesto namin. Pero di pa rin ako nakakasiguro na walang nakakita sa amin.

Namimilog ang matang muli kong hinarap si Atlas na ngayon ay ngiting ngiti. Tuwang tuwa sya sa ginawa at heto nga't napapakagat labi pa.

"B-Bakit mo ko hinalikan?" Nauutal na tanong ko.

"Sabi mo boyfriend mo lang ang pwedeng humalik sayo." Nakangising sabi nya.

"Oo nga! Boyfriend ba kita?" Sikmat ko sa kanya. Naisahan na naman nya ako.

"Hindi pa ba? Pero kanina nagalit ka kasi late na ako dumating. Akala ko boyfriend mo na ko eh."

Nagliliyab ang mukha sa init at nanggigigil na pinagpapalo ko sya sa braso at pinagkukurot. Tawa naman sya ng tawa.

"Ang kapal mo talaga! Ang kapal kapal mo!" Naiinis na sabi ko. 

Ngayong hindi ko pa sya boyfried ganito na sya pano pa kaya kapag naging kami na. Baka malala pa ang gawin nya. Naglevel up na sya sa paghalik sa akin. Tuso talaga sya.

Sa lumipas na mga gabi ay nararamdaman kong seryoso talaga si Atlas sa akin. Ramdam kong gustong gusto nya ako. Pasensyoso sya sa akin at malambing. Hindi ko din sya nakikitang tumingin sa ibang babae. Lagi din nya akong binibigyan ng regalo pero sa lahat ng regalong binigay nya ay ang kwintas lang ang tinanggap ko tanda din na sinasagot ko na sya.

Oo, opisyal ng kami. Ayoko na rin syang pakawalan. Baka masungkit pa sya ng iba magsisi pa ako.

PARANG nagakyatan ang dugo ko sa ulo ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang wala sa ayos kong drawer.

Pumasok ako at binaba ang bag sa kama. Nilapitan ko ang drawer. Lahat ng racks wala sa ayos ang pagkakasara at magulo ang mga nakatupi kong damit. Ang ayoko sa lahat ay magulo ang mga gamit ko lalo na ang mga damit ko. Halatang may nangialam sa mga damit ko at alam ko naman kung sino yun. Ang pinsan kong si Ella na anak ni Tita Emie. Ang pinsan kong pakialamera at inggitera. Ayoko sa lahat ay pinapakialaman ang mga gamit ko.

Lumabas ako ng kwarto na parang susugod sa gyera.

"Ella! Ella!" Galit na tawag ko sa pinsan.

Lumabas sa kusina si Tita Emie na kunot ang noo.

"Ano ba yan Jolene at sumisigaw ka? Bakit mo ba hinahanap ang pinsan mo?" Nakapamewang na tanong ni Tita Emie.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalamayin ang sarili.

"Pinakialaman po ni Ella ang mga gamit ko sa kwarto. Gulo gulo po ang damitan ko."

Tumaas ang kilay ni Tita Emie. "Nakakasiguro ka ba na pinakialaman ng pinsan mo ang mga gamit mo? Lagi mo na lang pinagbibintangan ang pinsan mo ah."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now