Nagtaas ng kamay si Abby. "Ma'am, may curfew po ba? And rules?" Tanong niya.

"Walang curfew pero make sure naman na hindi kayo umagahin ng uwi. Malalaki na kayo alam niyo na yan. About sa rules naman, makinig lang kayo sa isa't-isa to get along with each other. Basta kapag kailangan niyo ako, nasa room 103 ng Hermosa Hotel lang ako." Sagot ni ma'am.

"Kailan po ang start ng activities?" Tanong ko.

"Kailan niyo ba gusto? Puwede namang ngayon na. Alas dos palang naman, nasa akin na din ang list." Nilabas ni ma'am sa bulsa niya ang mini notebook.

"Gora na ma'am!" Sigaw ni Lauren.

Ang hilig talaga sumigaw nitong babaeng 'to out of the blue. Kaya nagugulat nalang ako palagi dahil sa ganiyang habit niya.

"First, I'll group you into 4 teams with 3 participants each. Pakitaas nalang ng kamay yung matatawag ko tapos magsama-sama." Tumingin ito sa cellphone niya para siguro tignan ang mga pangalan namin.

"Selene, Jacob, Abby."

"Jayla, Gio, Maeve."

"Vien, Jalene, Yuan."

"Lauren, Eloise, Tristan."

"There you go. Magpalit na kayo." Utos ni ma'am.

Ay ganon-ganon na lang yun ma'am? Wala nang ane-ane, diretso na agad? Aba parang mali naman yun.

Sinunod namin ang inutos ni ma'am at bumalik na sa terrace kung saan magkakasama na ulit ang bawat team at nang matapos hintayin ang iba ay naglakad na kaming lahat papunta sa beach. Para talagang field trip 'to. Ma'am kasi, pinapila pa kami according sa mga team namin. Ginawa kaming elementary.

Simple lang ang suot ko. Naka dark blue long sleeve rashguard bodysuit ako na naka tucked-in sa white maong shorts na suot ko with a black cap habang nakalugay naman ang maikli at bagsak kong buhok. Naka tsinelas lang din ako at nakasuot ng sunglass. Nga pala, iniwan ko din sa room namin yung cellphone ni Tristan. Ewan ko nga kung napapansin niya bang wala yung cellphone niya.

Habang naglalakad ay hindi namin maiwasang magbulungan ni Lauren.

"Loise parang nabulag ako sa nakita kong nakabukas sa likod." Kinikilig niya akong niyugyog.

Sumilip ako saglit sa likod at nakita si Tristan sa likod namin na naka loose babyblue polo shirt. Bukas ang dalawang butones nito na tinatangay ng hangin kaya naman sumisilip ang maskulado nitong dibdib. Samahan mo pa ng white shorts habang nakasuot ng sunglass at inaappreciate ang view ng beach.

I scoffed tapos kinurot siya sa tagiliran. "Sa ganda ng view dito sa harap natin, yan pa talaga napansin mo. Nakakainis nga kasi ang awkward niyang kasama." Nakasimangot kong bulong.

Bukod sa pinagtitinginan na siya ng mga dalagang nadadaanan namin dahil sa mala artista niyang tindig, nasa akin din yung phone niya. Ano nalang iisipin niya diba? Baka maging stalker pa ko sa paningin niya.

Hinampas naman ako ng mahina ni Lauren. "Pero alam mo, as I look at the both of you, papasa kayong magka relationship kung hindi ka lang ignorante at mataray."

Aba, baka mabaon ko 'to sa buhangin ng wala sa oras.

Tinulak ko sya at tinarayan. "Epal mo naman." Hindi na pabulong yan, nainis na 'ko eh.

Nakatingin naman sa amin si Tristan habang nagtataka. Ayan na nga ba sinasabi ko, siguro iniisip niyang weird kami.

Tinignan ko siya. "Problema mo?" Mataray kong tanong.

He grinned. "Para kayong tanga."

Nauna na itong naglakad sa amin. Which left us both speechless. Ganon pala ugali nun, akala ko pa naman friendly na approachable na pacute lang, ganto, ganyan. Aba the audacity?! Baka dalawa sila ni Lauren ang maibaon ko sa buhangin pag nagkataon.

 Aba the audacity?! Baka dalawa sila ni Lauren ang maibaon ko sa buhangin pag nagkataon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The One I Never HadWhere stories live. Discover now