Part 1

11 1 0
                                    

" ILAN ITO?" tanong ng doctor sakin habang pinapakita niya sakin ang daliri nya.

"Lima" sagot ko.

"Eh eto?"

"Dalawa" sagot ko nang itaas niya muli ang dalawang daliri niya.

"Ilang taon ka na?" panandalian akong napatigil sa tanong niya at sandaling napaisip. Bumalik ako sa realidad nang bigla ulit siyang magsalita.

"Nasaan ka?"

"Nasa hospital" walang ganang sagot ko.

"Ano ito?"

"Kumot" ani ko ng ituro niya ang katabi niyang kumot.

"Anong pangalan mo?" muli akong napatigil sa tanong niya at sandaling napaisip ulit.

***

Andito ako sa 1st floor ng hospital na kinaroroonan ko ngayon. Dito ako dinala ng doctor para kunin ang identification ko. Pagkatapos akong kunan ng nurse ng fingerprints ay umalis na din siya. Habang inaasikaso ng nurse ang mga papel ko ay pandaliang pinaupo muna niya ako sa gilid. Tulala lang ako at nag-iisip, pilit na sinasanay ang sarili kong maging pamilyar sa mundong ginagawalan ko.

" Mayroon kang amnesia, at simula sa mga araw na ito ang mas mabigat mong kakalabin ay ang pagkilala at pagbalik sa mga memory mo. As of now we'll have to observe how it goes. Mabuti na lamang at iyan lang ang inabot mo, at hindi ganoon kalakas ang impact ng pagka-bangga mo kahapon"

Naalala ko ang sabi sa akin ng doctor.Napatingin naman ako sa naka-shutdown na computer sa may gilid ko at mula doon ay nasinag ko ang aking sarili at ngayon ko lang napagtanto na mayroon pala akong bandage sa sintido.

Habang tinetest kasi ako kanina ay naobserbahan ko din na wala akong maisagot sa mga simpleng tanong ni Doc tungkol sa aking sarili na dapat sana ay alam ko.

Bigla tuloy lumitaw sa ala-ala ko iyong gabing tumatakbo ako kaya ako naaksidente. Pero kahit anong pilit kong pagpikit at pag-alala sa buong pangyayare ng gabing iyon ay hindi ko talaga magawa.

Ang alam ko lang ay tumatakbo ako sa isang madilim na lugar na hindi ko alam ang dahilan. Basta kailangan kong magmadali ng mga panahong iyon.

At ang pinaka-huling bahagi ng memorya ko ay ang pagsalubong sa akin ng nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Tapos wala na. Hanggang doon na lamang. At nang magising nga ako ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa hospital.

Pandaliang nagimbala ang paghihimay ko ng mga pangyayari . Nang biglang nakuha ang atensyon ko ng isang babaeng umupo sa tabi ng upuan ko. Kaya napatingin ako sa gawi niya, nakasuot siya ng simpleng itim na bistada dahilan para mangibabaw ang porselana niyang balat. Maamong mukha at mapupungay na mga mata.

Sa pagka-wari ko'y kahit saang anglo ay pwede siyang gawing model. Dagdag pa nito ang mahaba at kulay brown niyang buhok. At base sa nakikita ko ay hindi maipag-kakailang maganda siya at may angelic face.

Nakangiti siya sa akin. Dahil wala naman ibang tao sa pwesto namin kundi kaming dalawa lang.

"Kion Drake Legazpi, no family, 26 years old at nakatira sa Domingo's Poblacion—room 19 here in  Sampaloc Manila." ani niya.

Pero dahil hindi ko naman siya kilala, hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya. Kaya nakatingin lang ako sa kaniya. Baka mamaya isa pala sa mga baliw ang babaeng ito dito sa hospital.

"Kion Drake Legazpi" wika ng nurse habang papalapit sa table na nasa harap ko dala ang mga papel.

"Ikaw iyon" bulong nung babaeng bigla na lang tumabi sakin habang nakaturo sa direksyon ko.

"Ako?" nagtataka kong tanong at tumango lang siya bilang sagot.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalapit sa gawi ko ang nurse kaya ibinaling ko na ang atensyon ko sa kanya.

"Ikaw si  Mr. Kion Drake Legazpi" aniya ng tuluyang makaupo sa table niya na nasa harap ko.

"Hmm.. Kion Drake Legazpi" ulit ko sa sinabi niya, iyon pala ang pangalan ko.

Wait... parang may bigla akong naalala.

"Kion Drake Legazpi?!" tanong ko nang biglang pumasok na sa isip ko kung ano iyon. Dali-dali akong humarap sa pwesto nung babaeng kausap ko kanina ngunit bigla siyang nawala sa kinaroroonan niya na kanina lamang ay nakaupo siya. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ngunit hindi ko na siya nakita.

"Oo at 26 years old ka na, no family at nakatira ka sa Domingo's Poblacion sa room 19 and it was located malapit sa Emperial village here in Manila" sabi ng nurse.

"Domingo's Poblacion? room 19?!" sa mga pagkakataon na ito ay napalakas na ang boses ko at tanging pagtango lang ng nurse ang kanyang nagawa bilang sagot.

'Teka,naka-pagtatakang alam ng babaeng iyon ang tungkol sakin. Gayung wala na akong pamilya? Manghuhula ba siya?'

"Manila??" ulit ko.

"Oo, bakit? Naaalala mo na ba?" kita sa mukha niya ang pagka-gulat at pagtataka. Sa mga sandaling iyon ay napatayo na ako.

" Asan na iyong babaeng katabi ko kanina? Nakita mo ba siya?" taranta kong tanong.

"Babae?"

"Oo, I- I mean babaeng mahaba ang buhok t-tapos naka white dress?!" halos mautal na paliwanag ko habang  iminu-mustra ang mga kamay ko para ilarawan sa kanya ang hitsura ng babaeng tinutukoy ko. Daig ko pa ang nanakawan sa pagkataranta kaya naman halos nakatingin na sa akin ang mga tao sa loob ng kwartong ito.

"S-sir okay ka lang ba? Wala namang ibang tao dyan bukod sayo" halata sa mukha niya ang pagkatakot. Pero wala akong pakealam, gusto ko lang malaman kung nasaan na iyong babaeng kausap ko kanina at bakit niya ako kilala?

"Ah sir, eto na po ang mga papers mo sige po t- thank you" pagka-abot niya sakin ng mga identification papers ko ay lumabas na siya.

"Teka sandali! Nakita mo ba iyong kausap ko kanina? Saan siya nagpunta?!" habol ko pa sa kaniya pero hindi na siya lumingon.

At napatigil ako nang mapagtanto  kong nakatingin na pala sa akin lahat ng tao dito. Nakakahiya mang tanggapin pero nagmumukha na yata akong baliw.

Inayos ko ang aking sarili at nagtungo na palabas ng pintuan.

Ngunit nakaka-tatlong hakbang pa lamang ako ng umatras  ulit ako pabalik dahil muntik ko ng makalimutan ang identication papers ko.

Haystt. Ano nga bang nangyayare sa akin? Siguro sobrang tense lang o dahil sa masyado lang naalog ang utak ko kaya nahihirapang mag-function.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CelestinaWhere stories live. Discover now