12 (2): It's All About Me

Start from the beginning
                                    

"Gano'n ba?"

"Wat da heal! Keon?!" Napahawak ako sa braso niya pagkatapos ko 'yong hampasin dahil sa gulat. Kaya pala naisip ko na wala naman akong maalalang may kausap ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pinabili ako ng cartolina ni leader."

"Ha? Hindi ikaw ang leader?"

"Sa chemistry lang."

Huminto kami sa paglalakad at gumilid upang mag-usap. "Anyway, bakit mo 'ko sinundan?"

"Hindi kita sinusundan." Sagot niya sa'kin at tumalikod. "Pabili po. Manila paper po, tatlo."

Assumera ka pa rin hanggang ngayon?

"Siya, mauna na 'ko." Paalam ko at kumaway habang naglalakad. Nakakainis. Gwapo pa rin talaga siya.

Natatawa pa rin ako kung gaano ako kaderetso magsalita no'ng tinanong niya ako ng "naisip mo ba na pwedeng maging tayo?", tapos ang sagot ko "ninety-five percent, hindi. Five percent, medyo."

Actually, parang baliktad nga eh.

Kinikilig pa rin ako kapag nagkakasama kami. Pinipigilan ko lang kasi kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko siya gusto. Kaso habang mas pinipilit kong kalimutan siya, mas lalo siyang tinatandaan ng puso ko.

WHAT IS THIS BEHAVIOR, MADAM?

Kung naging kami, hindi ko alam kung anong klaseng tao ako. Malambing kaya ako? Mainitin ang ulo? O kaya naman ganda lang ambag sa relasyon namin? Masungit ako sa bahay at sa tingin ko aayawan niya ang side kong gano'n dahil sanay siyang pinakikisamahan ko siya sa trainings.

Kung naging kami, may sweet side kaya siya? Ano kayang love language niya? Mato-tolerate niya kaya kung babagsakin ako? Kung puro remedial ako? Hindi na kaya siya magiging cold o man of few words?

These were just some of what I have thought when I considered Keon and I being together. 'Di ba? Childish pa. Ni hindi ko nga alam kung magkakaintindihan ba talaga kami dahil sa pagkakaiba namin.

I'm quick to voice out my thoughts and lets my emotions drive me, while he's direct but with a cool and calm pace.

That's too much of a difference, but I have what it takes to understand him.

Sige, magliliwaliw ako ngayon at bukas ipinapangako kong makakagawa ako ng kahit dalawang activities na naipon sa'kin dahil ayokong maiwanan kapag hell week.

Promise. I want to study just like them.

Bumalik ako sa coffee shop at bumili ng apat na red velvet crinkles na 25 pesos each na kakainin ko habang gumagala. Kaysa magmukmok ako sa bahay at tamarin, lalayas ako ngayon at focus na ako sa gawain ko bukas.

"Apat na red velvet crinkles po." Isusugal ko na ang 250 pesos ko today para sa ikasasaya ko.

"Napabalik po yata kayo, ma'am?" Sabi ni ate Sally habang tinutupi ang box na paglalagyan ng tinapay.

"Gagala po kasi ako ngayon, kasi bukas po busy na."

"Ay, tama 'yan, ma'am. Pakasaya ng kaunti tapos aral na ulit."

"Opo, hehe. Salamat po!"

Nakita kong kasunod ko pala sa pila sina Chandrie kaya nginitian ko sila at tinaasan ng kilay.

Umalis na si Keon???

"Sinong hinahanap mo?"

"Ian! Hello!" Bati ko at hinampas ang braso niya. "Wala. Paalis na kasi ako."

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now