Thankfully ,may nakita akong taxi kaya agad akong nagsenyas para sumakay. Mabuti at di gaano traffic kaya mabilis lang din ako nakarating sa condo ko. Pagkarating ko sa condo ko binuksan ko na yon at di na ako nakarating sa kwarto ko dahil hiniga ko na ang sarili ko sa sofa.

Ang sarap magpahinga.

Nang ipinikit ko na ang mata ko ay doon na ako nakatulog ng mahimbing.

Kinabukasan ay naging normal naman ang takbo ng buhay ko ,nagkaroon kami ng vacant time ni Erich kaya nag aya na naman siya na magcoffee shop kami kaya ako naman ay pumayag dahil ang boring naman sa loob ng Dream High lalo na't wala naman akong gagawin doon sa mismong vacant time.

Pero sa di inaasahan ay nakita ko doon si Terrence sa sulok na nakaupo kung saan doon napili ni Erich na coffee shop na pwede naming pagtambayan. Kasama ni Terrence ang kaibigan niyang si Claude at mukhang tutok na tutok ang kanilang mga mata sa laptop nila.

Busy sila ah?

"Ano sayo beh?"lumingon sa akin si Erich habang may hawak hawak na menu.

"Kahit ano na lang. May lalapitan lang ako ah?"sabi ko sa kanya kaya napakunot ang kanyang noo-pero kalaunan ay tumango na lang siya at lumapit na siya sa counter.

Samantalang ako ay lumapit banda sa pwesto nina Terrence at Claude. Nang makalapit ako ay parehas sila di man lang ako tinapunan ng mga tingin. Ang abala naman nila sa pag aaral at di man nila nagawang tumingin kung sino yung taong lumalapit sa pwesto nila?

"Ang sakit sa ulo naman 'tong tanginang subject ni Prof Geronimo ,sarap i-drop tong subject niya nakakainis!"bulyaw ni Claude habang ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa laptop niya.

Tumawa si Terrence ,"Sabi ko naman sayo wag mo akong sundan sa medschool-"di na natuloy ang sinasabi ni Terrence na aksidenteng tumingala ang kanyang mga mata patungo sa akin. Nakanganga siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa ,"Aifha..."

"Pinagsasabi mong Aifha? baliw ka ba-"napatigil din sa pagsasalita ni Claude na napatingin din siya sa akin kaya tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ano bang problema nitong dalawa?

"W-what are you d-doing here Yenniz?"Terrence asked me while not taking his eyes off me.

"Me? of course magcocoffe dito! Kasama ko ang kaibigan ko ,kayo ano ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanya kaya parehas silang nagkatitigan.

"Uhm ,nag aaral Aifha. "Claude smiled shyly ,"Hindi naman siguro kayo nag usap nitong kaibigan ko noh para gawin niyo akong thirdwheel?"

I blinked my eyes twice. Ano?

"N-no Claude ,"I chuckled ,"Di ko nga alam dito rin pala kayo. Malay ko ba."

Nakataas ang kilay ni Claude at maya't maya ay tumawa siya kaya kumunot ang aking noo. Parang baliw talaga siya.

"I'm just joking Aifha ,ang seryoso mo masyado! Mabuti pa dito na lang kayo umupo ng kaibigan mo ,maluwag naman itong upuan-"

"Aifha ,nandito ka lang pala kanina pa kaya kita hinahanap sa mga upuan!"bulyaw agad sa akin ni Erich habang palapit siya sa amin ,"Ito ba yung nilalapitan-OMG Terrence Allejo?"

He raised his eyebrow. Napatingin sa akin si Terrence na parang sinasabi niyang kung sino itong katabi ko ngayon.

"I swear ikaw si Terrence Allejo! Di ko pa masyadong nakikilala ang manliligaw ni Aifha ngayon pero sa tingin ko ikaw talaga yon!"sabi pa ni Aifha kaya mas lalong kumunot ang noo ni Terrence ,"Ang pogi mo pala sa personal!"

He smiled ,"Uh thank you for compliment."

Sinuway ko si Erich ,"Wag ka ngang maingay diyan."

Pero di niya ako pinansin bagkus tumingin ulit siya kay Terrence at di talaga maalis ang ngiti sa mga labi niya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now