The Aliens

3 0 0
                                    

Krrrrriiiiiiiiinnnnngggg..... Krrrrrrriiiiiiinnnnggg......


Nakuuuuu ampupu talaga nitong alarm clock ko, yun na sana yun eh... ang epal lang talaga nitong alarm clock ko...magtatapat na sana si James Reid sa kin eh huhuhuhuhu


kaya etoo sayoooo


booogggsshhhh


at ito pa


booogggsssshhhh


siyemre joke lang yun.....nuba kayo....ang mahal mahal na kaya ng mga alarm clock ngayon tas sisirain lang pala....tssss...


By the way ako nga pala si


"CARINAAA BUMANGON KA NA JAN!!! GANITO NALANG BA TAYO ARAW ARAW????"

heto nanaman po tayo...wala na bang bago??? nakakaumay na yung sermon ni kuya ha, inferness....


Oo totoo yung narinig niyo, kuya ko yun... hay nako mas nakakarindi yung sermon niya kaysa kay mama


"Hay nako Warren, dalaga na yang kapatid mo, hayaan mo na siya"- mama


yan mama ipagtanggol mo ko jan sa monster na yan huhuhuhuhu....ikaw lang naman ang kakampi ko dito mama eh.... palagi nalang niya ako pinapagalitan kahit wala naman akong kasalanan huhuhuhuhu kasalanan ba naman kasing matulog???


"Hayysss...Pero isip bata rin paminsa minsan"-mama


Ok guys kalimutan niyo na yung sinabi ko kanina

"MAMILI KA NALANG SA MAINIT O MALAMIG NA TUBIG CARINA DAHIL KUNG HINDI KA PA BABANGON JAN BUBUHUSAN NA KITANG TUBIG"-kuya


huhuhuhuhu wala na talaga akong kakampi,kung buhay pa lang si papa alam ko kakampihan ako nun


tchhh wala akong ibang choice kundi bumangon at maligo, mamaya ko nalang pagpapantasyahan si James Reid huhuhuhu


"CARINA NAMAN, MAPAPADETENSYON AKO NIYAN SA YO EH!!! BILISAN MO NAMAN KAHIT 1% LANG!!!"-kuya


blah blah blah blah......naku kuya wag mo na akong gamitan ng mga lines mo na yan alam ko na yan.....ayaw mo ma late dail naghihintay sa yo yung mga chikz mo


After 123456789 years natapos rin ako sa mga ka echusan ko...de joke lang mga 20 mins. lang naman yun tsaka umalis na kami...Grabe ang bilis talaga maglakad ni kuya.. oo naglalakad lang kami nasa kabilang kanto lang naman yung eskwelahan... ewan ko nga dito kay kuya kung bakit pa niya ako hinihintay, eh kaya naman niya maglakad ng mag-isa. Ang sweet lang talaga ng kuya ko... hoy wag kayong green diyan, wala akong pagnanasa sa kuya ko.


"Hoy babae una na ako"-kuya


hmmp sungit talaga ni kuya :P


hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng classroom, nagulat ako nung nakita ko yung mga alien na papalapit sa akin


alam kong naiintriga kayo kung sino yung mga alien no?? sila lang naman ang mga kaibigan ni kuya na walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko


1.Dawn Ice Lopez-ang pinakakinaiinisan kong tao sa balat ng lupa. Siya ang dahilan kung bakit ako natotrouble eh. Leader siya ng grupo nilang THE ALIENS, de joke lang. Hindi ko alam kung anong tawag sa grupo nila at wala akong balak alamin dahil wala akong pake. Leader rin siya ng basketball team at ng grupo nila. Isang playboy at certified womanizer.


2.Zander Delos Reyes-isa pa tong womanizer eh, sunud sunuran sa boss nilang baliw. Well, sa brighter side marami na siyang bussiness at a very young age, pero I dont care, lakompake sa yaman niya


3.Dawn Charles Lopez-kakambal ni Ice, hindi ko nga alam kung bakit magkakambal sila eh, ang layo layo naman ng ugali nila. Si Charles mabait at matulungin, yung pang boyfriend material eh kumpara sa kuya niyang demonyo, bad boy, at walang alam na gawin kundi ang sirain ang araw ko. Oo crush ko si Charles hindi kasi siya tulad ng katropa niya na mga basagulero at womanizer.


4.Warren Onyx Gonzales-oo tama ang pagkabasa niyo kuya ko ang pang-apat sa mga alien.Nagtataka nga ang mga tao kung bakit kami magkapatid eh ang gwapo gwapo ni kuya samantalang ako manang at nerd. Oo bad boy siya at basaulero pero kahit ganun, mahal na mahal ko ang kuya ko!!


"Hi Carina!! Good morning!!*sabay akbay*"-aliens


LORD BAKIT NIYO PO BA AKO PINAPARUSAHAN NG GANITO??? SA DINAMI DAMI BA NAMAN NG PARUSA NA BINIBIGAY NIYO SA 'KIN ITO PA??? LORD BAKIT??


"Hoy mga alien walang good sa morning kung yang pagmumukha niyo ang makikita ko araw-araw, ang aga aga nambubulabog kayo ng nananahimik kong kaluluwa"-ako


"OMG!!! how dare you talk to our prince like that??"-girl 1

"Oo nga how dare you talk to them like that, you little monster!!"-girl 2


Lumapit sila sa akin at sinabunutan ako.. nakita kong dumadami na yung mga estudyanteng nanonood sa amin...


"Aray ano ba, ano bang ginagawa ko sa inyo??"-ako

ampupu lang kasi wala naman akong ginagawang masama ,sinabunutan ba naman ako? Ipapatay ko kaya tong mga to??


"Sa amin wala, pero sa mga prince namin meron!!"-girl 1

"Oo nga and how dare you talk to them like that!!"-girl 2


"So? ano bang pakialam nyo?? hindi naman kayo yung pinagsalitaan ah??"-ako

ang sakit na talaga ng ulo ko tsaka yung tyan ko, paano hindi sasakit? eh habang yung isang babae ay sumasabunot sa akin yung isa naman sipa ng sipa sa tiyan ko pero ni isa man lang walang tumulong sa kin...kahit si kuya...wala


hindi ko na talaga kaya ang sakit hanggang sa bigla nalang naging black ang paningin ko sa paligid at boooomm wala na akong matandaan sa sunod na nangyari, naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin at yun nalang ang huling naalala ko.












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd and The Campus HeartthrobsWhere stories live. Discover now