Chapter 2 "Introducing HIM"

4 1 0
                                        

Teka, kanina pa ako kwento ng kwento tungkol sa kanya pero hindi ko pa siya napapakilala sa inyo. Mamaya na ako matutulog at magku kwento muna. Ang kinukwento ko sa inyo na guy ay ang childhood bestfriend ko at slash kuya na din. Siya si Red Timothy Gonzales. Simula noong Grade 3 ay kilala ko na siya, oo tama kayo. Grade 3 noong mangyare ang flashback ko sa first part ng story na to. Siya ang lalaki na nagtanong sakin kung ano ang kinakain ko. Siya din ang kasama ko na magmuni muni sa gitna ng ulan noong grade 6 ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong na mag volleyball. Sumali lang ako kasi kasali siya. Marunong siya, dahil sporty siya. Madami ang nagkakagusto sa kanya noon, hanggang ngayon naman. Yes, he's that attractive. Bata palang kami ay campus crush na siya. Hindi kami nagkalayo ng school simula elementary hanggang senior high school. Siguro ito din ang dahilan kung bakit habang mas tumagal mas nagustuhan ko siya.

*FLASHBACK*

"Wow ang sexy naman ni Cali" sabi ng isa kong ka teammate.

"Ngumiti lang ako, nagmukha lang naman akong sexy dahil malaki ang jersey at medyo maikli ang suot kong short.

"Ikli naman nyan?" Napatingin ako kay Red na magkasalubong pa ang kilay.

"Ang aga aga ang init init ng ulo mo. Ganon talaga volleyball nga e" pangangatwiran ko pa.

"Sus kahit na, pwede ka naman magpalit kapag kayo na ang lalaro" pambabara niya sakin. Ayaw magpatalo.

"Alam mo, hassle pa kasi. Hayaan mo na. Arte? Bilisan mo. Opening na, may pompoms ka na ba?" Pagtatanong ko.

"Ayon nga e, wala pa. Marunong ka naman diba? Gawa mo ko. Ililibre kita ng shake" pangungumbinsi niya saken.

"Oo na, bumili ka na ng kailangan." Sagot ko pa at inirapan siya.

"Samahan mo na ko, hindi ko naman alam anong mga kailangan ko e." saad niya pa.

Sinamahan ko siyang bumili at umupo muna kami sa gilid para gawain ang pompoms niya. Hinawakan niya ang buhok ko at nilaro laro yon.

"Sure ka marunong ka ha, baka yan pangit kalabasan" saad niya, napakaepal talaga ng tukmol na to.

"Kapal mo, papangit lang to pag kamukha mo na" saad ko. Umupo siya sa harap ko at nilapit ang mukha niya. Sobrang lapit, naramdaman ko nanaman ang naramdaman ko nung una ko matitigan ang mata niya.

"Sure ka? Pangit ako? Andami daming napopogian sakin, tapos pangit lang ako para sayo?" Wika niya at umarte pang nasaktan sa sinabi ko.

"Alam mo Red, napaka OA mo. Kung hindi lang kita bestfriend baka sinuntok na kita dyan"

Natapos ko na ang pompoms niya, umalis na kami at nagpunta sa stadium para lumaban sa jingle. Natapos naman namin at kumain, dahil mamaya na ang laban namin. Una ang laban nila at as usual nanalo sila. Magaling kasi talaga ang Volleyball Boys namin.



"WHOOOOOO" sigawan ng mga tao. Laban na pala ng volleyball namin ngayon. Grabe ang kaba ko, hindi ako kasali sa first six dahil hindi naman talaga ako magaling. Sumali lang ako para sa isang tao, para kay Red. Malaki na din ang lamang ng kalaban. Hindi na din kami makakahabol.

"Coach pasok niyo na si Cali! Magaling yan promise." Narinig kong sigaw ni Red sa coach namin. Baliw talaga to, ni hindi nga ako makapagpasok ng serve. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng court. Grabe ang kabog ng dibdib ko, ultimo tuhod ko ay nanlalambot na. Grabe ang pakiramdam. Hindi napasok ng kalaban ang service, kaya ako na. Tumayo ako sa labas ng court at pinatalbog ang bola habang nagiintay ng pito. Napatingin ako kay Red na tumatalon at chinicheer ako. Buong laro kanina ay nakaupo lang siya at tahimik, pero ngayon ay chinicheer niya ako. Tumayo at nagtatalon siya para sakin? Para sakin. Nagserve ako at hindi pumasok ang service ko. Ano pa ba ang inaasahan ko, kahit naman sa training hindi ko to napapasok.

"Okay lang yan!!!!" Sigaw ni Red. Nakakahiya dahil nakita niya pa ang katangahan ko, haynako bat ba kasi sumali pa ako dito. Natapos na ang laro at natalo kami. Iniwan muna ako ng pamilya ko sa school para makipagbonding sa ibang player. Naupo ako sa open ground stage at nagmuni muni. Napagod kasi ako masyado at umulan pa. Tinabihan ako ni Red at nanahimik lang din siya. Sa pagtabi niya mas lalo kong naramdaman ang kakalmahan.

"Napagod ka? Tara laro tayo." Tanong niya habang nakatingin sakin.

Nilingon ko siya at sumagot "ikaw na lang, papanoorin na lang kita. Tsaka maputik e."

"Sige, panoorin mo ako ha" sagot niya na nakangiti at tumakbo na pababa para makipaglaro ng volleyball. Tumingin pa siya sakin pagkapwesto niya at ngumiti, gumanti din ako ng ngiti at thumbs up. Natapos sila maglaro at napakaputik na ng braso niya, nakapaa na lang din siya at tumakbo papunta sakin.

"Pahubad nga Cali" at itinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Kapal, laro ka kasi ng laro kahit maulan e, ayan tuloy" sagot ko. Hinubad ko ang tshirt niya sa kanya at kinuha iyon. Tiniklop ko ang tshirt niya at naupo. Hinintay ko siya maghugas ng kamay para makauwi na kami. Sabay kaming lumabas ng school, walking distance lang naman ang bahay ko sa school samantalang siya ay sasakay pa ng jeep.

"Hatid na kita." Saad ni Red habang palabas kami ng gate.

"Wag na, malapit lang ang bahay ko. Mukha ba akong lumpo para ihatd?"

"Pagabi na kasi, alam mo ikaw na nga lang tong iniisip ayaw mo pa" Sabi ni Red na parang naiirita na.

"Oo na, sige na" pagpayag ko para lang matapos na ang usapan. Nakarating kami sa bahay at nakita na nandon sila mama.

"Hi tita, hi tito" bati ni Red bago nagmano.

"Oh ginabi na kayo ah" sabi ni mama

"Opo, hinatid ko lang po si Cali baka po kasi kung san pa magpunta. Mauna na din po ako tita at tito" wika niya at nakangiti bago lumabas ng bahay. Lumabas din ako para ihatid siya.

"Thankyou sa paghatid ha, ingat ka" saad ko at ngumiti.

"Copy that boss" wika niya bago tumalikod at umalis. Inintay ko munang mawala siya sa pangingin ko bago pumasok ng may ngiti sa labi. As usual niloko ako nila mama. Alam kasi nila kung gaano ko kagusto si Red.



* END OF FLASHBACK*

Natapos ang araw at mabilis ako nakatulog. Siguro dahil na din sa pagod ko sa araw na ito.

Zzzz

Untying the Red StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora