Sa mga nangyari sa isla, sa mga nakita at narinig ko sa kanya napagtanto ko na hindi ko sya dapat bitawan nalang. Though hindi pa ulit ganun kalalim ang tiwala ko sa kanya pero alam kong papunta na din ako dun dahil mahal ko sya.

Tahimik akong lumapit sa kanila. Una akong nag bless kay tita na halatang malungkot. Namumugto pa nga ang mga mata. Tinapik lang ako nito sa balikat kaya tumingin naman ako kay tito Alex na tulog pa din.

Si Addison naman ay tumayo at nagpunta sa gawi ng parents ko para siguro magbigay galang dahil nalagpasan nya ito kanina nang makita ang estado ng ama sa higaan nito.

"How's he?"- I asked her as I put my hands inside of my pocket.

"He's overworked. He needs to rest for the mean time, which means..."

Tinignan ko sya dahil sa pabitin nyang sinabi.

"Rein will take charge, but she still needs to talk to her grandfather."

Bumalik sa ala ala ko na nasabi ni Addison yung she gave up everything para sa kasal namin.

"She's no longer the heiress."- walang paligoy ligoy na sabi ko.

Napasinghap si tita dahil sa naging turan ko at tinignan ako.

"Umamin po sya sakin."

"Oh, g-ganun ba? Pero magagawan naman ng paraan iyon. Magpakita lang sya sa lolo nya dahil kapag pinwersa pa ni Alex ang sarili nya na trabahuin ang lahat maari syang manghina lalo."

Napabuntong hininga ako at sinuklay ang buhok ko.

"I'll help your daughter, Tita."

Sumilay ang magaan ngiti sa labi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Call me mommy. Anak na din kita simula ng ipaglaban ka ng anak ko sa amin."

My cheeks redden. "O-Okay po, M-mommy."

"Thank you, Juztine."

Matapos ang ilan pang pag uusap ay nagpaalam na ang parents ko. Sumabay na din ako sa kanila dahil pinayagan din ako ni Addison. Alam daw kasi nya na hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip. Magkita nalang daw ulit kami sa susunod dahil sya muna ang magbabantay sa daddy nya.

**************

Pagod akong sumalampak sa swivel chair. Napahilot din ako sa ulo ko dahil pumipintig iyon. Kakagaling ko lang kasi sa isang meeting.

Simula ng pumasok ako sa kompanya namin ay halos wala na akong pahinga. Nakaka drain na ipakilala ako ni Dad sa lahat bilang kapalit ng Kuya ko. Marami sa board members ang nag dadalawang isip pa sa kakayahan ko kaya naman kailangan kong mag pursige sa mga trainings para malaman nila na kaya kong mag manage ng business.

Sa phone nalang kami nakakapag usap ni Addison. Medyo okay naman na ang dad nya pero bedridden padin ito at hindi pa pwedeng bumalik sa trabaho kaya sa bahay lang ito nagpapagaling.

For the mean time si mama nya lang muna ang nag papabalik balik sa kompanya dahil balita ko masama pa din ang loob ng lolo ni Addison.

Kapag nakita ko talaga ang matandang hukluban na iyon ay kakausapin ko sya ng masinsinan para naman maging bukas ang isip nya at lumubag ang loob. Naaawa ako kay Addison. She just wants to be happy.

"Ma'am? Here's your coffee po."

Hindi ako nagmulat ng mata at hinayaan lang ang secretary ni dad. Saka lang ako umayos ng upo nang maramdaman kong nakaalis na ito.

Pagmulat ng mga mata ko ay yung picture frame namin ang nakita ko. Kinuha ko iyon at pinatong sa dibdib ko at prenteng sumandal sa upuan ko.

I fish out my phone from my pocket and dial her phone number. I'm biting my lower lip while waiting for her to pick me up, and when she did, my heartbeat automatically became fast.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now