"What? Nineteen ka lang? Akala ko nasa twenties ka na. Ang bata mo pa pala." Bulalas ni Atlas na muntik pang maibuga ang iniinom na brandy.

Ngumuso ako at sumimsim sa wine na inorder nya sa akin. Manamis namis ito at hindi naman daw nakakalasing.

"Gulat na gulat ka ah."

"Eh kasi naman akala ko -- teka nga, nineteen ka pa lang tapos hinahayaan ka ng mga magulang mo na magtrabaho dito. Di ba dapat nagaaral ka?"

"Nag aaral ako sa araw no. Saka si mama na lang ang meron ako. Wala na si papa patay na. Alam din naman ni mama na nagpapartime job ako." Sabi ko. Pero hindi alam ni mama na dito ako sa bar nagtatrabaho bilang bokalista. Siguradong hindi nya ako papayagan.

"Masipag ka naman pala." Nakangising sabi nya.

"Kailangan eh." Wala kasing mangyayari kung aasahan ko lang ang padala ni mama na barya lang ang napupunta sa akin.

"Eh ikaw, ilang taon ka na?" Pagiiba ko ng topic.

"Thirty."

Namilog ang mata ko. "Thirty? Ang tanda mo na pala." Akala ko mga nasa twenty seven o twenty eight lang sya.

Sumimangot sya. "Makatanda ka naman. Eleven years lang ang gap natin no."

"Ganun na rin yun. Matanda ka pa rin sa akin." Nakangising sabi ko.

"Tss." Iniukutan nya ako ng mata na ikinatawa ko lang.

Ang sabi nya sa akin ay tubong Cebu sya. Taga doon ang mga magulang nya at may bahay din sila sa Manila. Nandito sya sa Zambales dahil may project sya dito. Isa kasi syang engineer. Kaya nga sinusupil ko ang umuusbong na nararamdaman ko sa kanya. Hindi sya permanenteng nandito. Anumang sandali ay aalis sya at maiiwan ako.

Pero sa palagian naming paguusap ni Atlas ay nararamdaman kong parang may kakaiba din sa pakikitungo nya sa akin. Sobrang sweet nya at napapansin kong sumasama ang timpla ng mukha nya kapag may kumakausap sa aking ibang lalaki lalo na mga customer.

"O bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko kay Atlas paglapit ko sa couch kung saan sya nakaupo. Katatapos lang ng song number ko at si Ate Lucille naman ang sasalang ngayon.

Hindi nya ako sinagot at tinungga ang hawak na beer. Nakita kong naggalawan ang panga nya. Para syang galit.

"Huy, problema mo?" Kinalabit ko sya.

Nilapag nya ang bote sa mesa at kumunot ang noo. "Bakit kinausap mo pa yung lalaki kanina?"

Kumunot din ang noo ko. "Bakit? Anong masama?" Kinausap ako ng isang customer na lalaki kanina para sabihing magaling  akong kumanta. Naappreciate ko naman ang sinabi ni kuya. Pero mukhang may hindi natutuwa.

"Tss, wala naiinis lang ako." Aniya at muling tinungga ang bote.

Kumagat labi ako para pigilan ang ngiti. Kinikilig ako dahil naiinis sya na may kausap akong ibang lalaki.

Ngumuso ako. "Hindi ko sya pwedeng isnabin no. Customer sya. Baka pagalitan ako ni Madam Luz." Sabi ko.

"Oo na, wala na akong sinabi." Sambit nya sabay tawag kay Kuya Bong at inorderan ako ng wine.

"Bakit parang late ka na yata pumunta rito." Puna ko. Kadalasan kasi ay mga alas otso y medya pa lang ay nandito na sya. Ngayon ay mag a-alas diez na sya pumunta rito sa bar.

"Bakit namiss mo ko?" Nakangising sabi nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Miss ka dyan. Hindi no." Tila labas naman sa ilong na sabi ko.

Kanina habang kumakanta ako ay gumagala ang mata ko at hinahanap sya. Nasanay na kasi akong pagtungtong ko ng stage ay nakikita ko sya.

"Huu, namiss mo ko eh." Panunukso nya sa akin at nilapit pa ang mukha sa mukha ko.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now