TAO

Sa totoo lang hindi naman ako nanunood. Pinapakiramdaman ko lang si Twaylem, nung makita ko siya kanina.. Hindi ako makapaniwala na siya na yun. Sobrang payat niya at halos wala na itong kulay.

Tinatanong ko naman kung napano siya, sabi niya anemic lang daw siya kaya ganun.

Pero sa totoo lang kaya pumunta ako, kase gusto ko siyang makita. Miss ko na din siya e.. Napapaisip tuloy ako kung totoo bang may sakit siya, pero sa nakikita ko naman kasi malakas pa siya.

''Tao..''

''Hmm???'' hinawakan nito ang kamay ko ng sobrang higpit.

Kung tatanungin siguro nila ako kung mahal ko pa siya, oo ang isasagot ko. Gusto ko man siyang balikan kaya lang hindi na pwede. Nandyan na si Danger, at sa nakikita ko naman masaya siya sa puder niya. Tsaka mukhang naka pag move on na rin ito, kahit konti lang.

''mahal mo ba si Danita??''

''Oo..'' pero mas mahal kita..

''ang swerte niya sayo..''' mas maswerte si Danger, dahil nasakanya yung babaeng pinaka mamahal ko.

''Tao, huwag ka munang aalis sa tabi ko ha?''  inilapit niya lalo yung mukha niya sa balikat ko. ''kahit kasinungalingan at pag papanggap lang tong ginagawa natin, ikinasasaya ko to.''

Masaya rin naman ako, dahil kasama kita.. Kahit apat na oras lang..

Tahimik lang kaming dalawa, pero kahit hindi niya sabihin.. Nararamdaman ko na umiiyak ito.

I love you Twaylem... Pero ito na yung sa tingin ko ay tama.. Kaya kitang pasayahin, pero alam ko mas kaya kang ingatan ni Danger. Atleast yun, hindi ka niya papaiyakin at sasaktan.. Di tulad ko, na wala ng ginagawa kung hindi paiyakin at saktan ka.

Tsaka apat na buwan na rin yung lumipas, kahit papaano natututunan na kitang kalimutan.Mas mabuti ng pakawalan kita, atleast sa ganitong paraan.. Alam ko iingatan ka niya ng tama.

-----

TWAYLEM

Pumasok kami sa kwarto kung saan naka admit si Danita. Room 149 siya at nasa Room 156 naman yung sakin. Inilipat siya dito sa hospital kung saan ako naka admit. Kakilala daw kase nila yung owner ng hospital na to.

''Tulog siya kaya hindi mo siya makakausap.'' ikinabit ni Tao yung dala niyang mansanan dun sa may basket malapit sa bed ni Danita.

Habang pinapanood ko siyang hawakan yung kamay ni Danita, hindi maiwasang manikip ng dibdib ko. Gusto kong umiyak sa mga oras na yun para masabi sakanya na ang sakit sakit na.

Pero wala na akong karapatan, dahil isa nalang akong nakaraan.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now