Chapter 4

731 14 2
                                    

Claire

Sports day na, syempre di ako papatalo sa kabilang section. Ako magpapatalo?? In your dreams.

“guys, punta na daw sa court sabi ni sir” sabi ko, “dun maheheld yung event?” tanong ni Ava.

oo daw, nandon nadin yung kabilang section” sagot ko sakanya, “sige tara na” madaling sabi sakin ni Ava.

Kakarating lang namin sa court at pasimula na yung first game which is Tug Of War, nanalo yung kabilang section sa first round so I decided na sumali na.

------

Harper

Nanalo kami sa first round and it looks like Claire is about to join para sa next round. Pinagbato-bato pick kami ni sir para malaman which side kami pwepwesto, I guess it's not a coincidence na natalo kami so they chose their spot.

“hoy tulala ka dyan ah, papatalo kaba kay Claire?” asar na sabi ni Sierra, “hindi ah” sagot ko sakanya.

Ako magpapatalo kay Claire? Oo naman syempre, basta siya.

Hindi ko inexpect na natalo nga kami, pero okay lang first game palang naman. Tuwang tuwa si Claire parang bata pag nananalo, cute.

After the game

Claire

We won as expected, I don't really know kung fair game yung laro parang nagpapatalo sila eh, anyways at least panalo >\\<.

Nagr-ready kami for the next game, nang biglang may tumulak sakin. “Tangin-” bago ko pa matapos sasabihin ko, may sumabunot sa babaeng tumulak sakin at si Ava yon.

Ava's POV

I saw a girl push Claire intentionally, napa wtf ako kaya sinabunutan ko to agad agad. “ano bang problema mo kay Claire” galit kong sinabi habang nagsasabunutan kami.

“your friend's annoying” sabi nung babae.

“annoying? don't fuck with me, mabait si Claire so whats so annoying about her?” sagot ko.

GIRLS ENOUGH” sabi ni sir saaming dalawa kaya binitawan ko na buhok nung abnormal na yon, I asked Claire if she's okay ba pero she said yes kahit dumudugo yung sugat sa paa niya.

I tried calling Andrea pero di siya sumasagot, kaya nagpatulong nalang ako sa kabilang section since yung mga kaklase namin nagsipasok na sa room..

Harper

Daming nangyare kanina, I hope na okay lang si Claire. Gusto ko siyang lapitan kaso naunahan na 'ko, and its our classmate Jay. Makalapit kala mo may something sila ni Claire eh, then may tumaway sakin. Si Ava.

“Harper, can you assist Claire papuntang sa nurse office” she said while smiling, kaya umo-o nalang ako since kailangan niya pumuntang guidance.

---- Jay Villanueva = may gusto kay Claire ----

As I assisted Claire, Jay kept insisting na siya nalang daw magdadala kay Claire sa nurse office. “Jay balik ka nalang sa room, sakin naman nagsabi si Ava na tulungan si Claire” i said.

“Okay pres” sagot niya.

Tinulungan ko si Claire na tumayo pero di niya kaya siguro malakas yung pagkatulak sakanya so I carried her papuntang nurse office, okay lang naman siguro.

“Thank you Harper, di ko expect na may aksidenteng mangyayari na ganto” sabi niya, “walang problema Claire, basta magpagaling ka muna” sagot ko sakanya.

Claire

Still can't believe na tinulak ako at sinabihan pa akong annoying? ano bang ginawa ko don sa babaeng yon.

May pumasok sa nurse office bitbit yung betadine tsaka bulak, its Harper again. She helped me na makapunta dito sa nurse office pero wala yung nurse, anong klaseng school pinasukan ko.

“Kanina kapa tulala dyan ah, okay ka lang ba?” alalang sabi ni Harper, “okay lang ako, ano kaba” sagot ko naman sakanya.

Matapos niyang gamutin yung sugat sa paa ko nagpasalamat ako ulit sa pagtulong niya saakin while naiinis parin ako sa babaeng tumulak sakin.

Endless Love || englot fanfictionWhere stories live. Discover now