Chapter 8- Acad Masquerade Ball

21 3 0
                                    


A mind blowing party. Nakakawala sa katinuan. Hindi ko inaasahang parang wala na akong masabi sa sobrang garbo.

May pa red carpet pa.

Isang black with red na gown ang suot ko na nakakaagaw ng pansin. Na dadaan pa lang ay mga nakasunod na ang mga mata nila sa akin.

Nakakakaba.

Nakakailang.

Lalo na kung makatingin halos lahat ay mukhang ikaw na ang pinagpalang nilalang.

"Inaasahan ko ng isa ka sa pinakamagandang nilalang ngayong gabi pero hindi ko inaasahang ganito. Na halos lahat ng kalalakihan ay hindi na maalis ang mga mata sa iyo."

"Ano ka ba naman Serenellyn, pinapakaba mo pa ako lalo." sabi ko sa kaniya. "Baka may bigla na lang sa aking dumakma rito at ako'y dukutin." matunog siyang ngumiti, nakatayo kami ngayon malapit sa tubig.

Sa Acad Garden ginanap ang Acad Masquerade ball, napakalawak na hardin na kung saan hindi inaasahang, akalaing ganito ka ganda. May lawa na kulay asul ang tubig at ang mga bato ay kumikinang na mukhang mga perlas, baka perlas naman talaga. Ang paligid ay pinapalibutan ng napakarami pero iba't ibang bulaklak, may mga crystal na kumikinang tulad ng bituin na mas lalong nagpadagdag sa ganda ng paligid.

Nangangalay na ako pero ako naman ang nagpumilit na samahan siya, aalis lang ako kung magsisimula  na siya sa kaniyang palabas.

Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot siya ng pulang gown na nababagay rin sa kaniya. Lahat naman ng nakikita ko dito ay magaganda na halatang pinag preparahan talaga kahit na kanina lang inanunsyo, kahit kanina lang ipinaalam sa lahat ang Masquerade ball na ito.

Siguro kung sa school ko 'to na pinapasukan nangyari ay walang dadating. Siguro kung sa school ko ito na pinapasukan nangyari ay nag alburuto na ang mga maaarteng babae na walang ginawa kung hindi ang magpaganda at magreklamo. Siguro kung sa school ko ito nangyari ay ang dami ko ng reklamo, hinaing na narinig dahil sino ba naman? Hindi lang ako ang kapos sa pera.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." napasapo ako sa aking dibdib, hindi dahil sa pagkagulat kundi dahil sa kakaibang naramdaman ng marinig ang pamilyar na boses. Nakaharap ako ngayon kay Serenellyn, nang tingnan ko siya ay natulos 'ata sa kinatatayuan habang tinatakpan ang bunganga na mas nagpadagdag sa kakaiba kong nararamdaman. "May galit ka ba sa akin? Bakit hindi mo ako kayang lingunin? O kahit bigyan man lang ng panandaliang tingin?"

Kumabog ng mabilis ang puso ko.
Wala na. I admit defeat matapos ang sinabi niya. Napaharap ako sa kaniya ng wala sa oras dahil sa malambing nitong boses.

"H-Hi." bati ko sa kaniya, nauutal.

At bakit naman ako nauutal? Eh kanina lang ay magkasama kami?

"Hello." balik na bati nito, nakangiti. Napakaaliwalas ng mukha niya ngayon. "Magandang gabi sa iyo, napakagandang binibini." nakakapanghipnotismo ang titig nito, na ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko kaya. I took a side glance on him, kitang kita ko kung papaano siya bumaling kay Serenellyn. "Ganoon rin sa iyo, binibining Miss Serenellyn."

"S-Salamat. Ganoon rin sa iyo, magandang gabi. Naway matapos ang gabing ito na tayong lahat ay may ngiti sa labi. Naway matapos ang gabing ito ng matiwasay, walang gulo higit sa lahat na tumatak sa ating lahat na maganda at hindi makakalimutang alaala, hindi makakalimutang magandang memorya."

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now