chapter 1

8 1 1
                                        


"Continue answering the activity at home,bukas natin che-checkan yan",sabi ng teacher namin sa math.  

Papunta ako sa likod para itapon ang plastic ng pinag-kainan ko ng bigla ko siyang nahuling naka tingin sakin at ngumiti,pinagpawisan ako at kinabahan agad akong nagmadali pabalik sa aking upuan. 

Naka balik nako sa upuan ko ,hindi ako makapaniwala na tumingin sya sakin at ngumiti.          Kurt Fuentes,i have a crush on this guy.Agad akong umayos ng upo ng makitang padating ang sunod naming guro. 

Fast forward 

Patapos na ang klase namin,habang nag hihintay sa last subject teacher namin ay nagkwekwentuhan kami ng mga kaibigan ko.ang lakas ng tawanan namin malamang rinig na naman ito hanggang baba. 

Nainis ako ng biglang lumapit yung babaeng kinaiinisan namin ng mga kaibigan ko.Ashley lopez,ang babaeng kinaiinisan namin dahil napaka plastic nya bukod pa dito ay isa syang backstabber na story maker,ah basta napaka talented nya.

 "Aurielle,pwede mo ba akong tulungan sa debate research ng boyfriend ko?"

 "okay",maikling sagot ko.

 Habang tinutulungan ko si ashley ay naririnig ko ang bulong bulungan ng mga kaibigan ko. 

"Aurielle",tawag saking ni Vien isa sa mga kaibigan ko .

"bakit kase ikaw gumagawa nyan?akala ko ba mag papatulong lang sya",Vien said.

"hayaan mo na,patapos naman na ito",sabi ko. 

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin sa english.Na late daw ito dahil may inasikaso pa sa office.

 Fast forward>>>>>>>>

 Tapos na ang aming klase.Nakita ko agad na lumabas ng classroom si Kurt kasama mga kaibigan nito na tila ba ay nagmamadali. 

Pababa na kami ng hagdan,habang nag kwekwentuhan at nagtatawanan.Hindi kami tumitigil sa  kakatawa hangga't hindi pa sumasakit ang tiyan namin. 

"Xander,hatid nyo na ako sa service ko",i said. 

"sige be",maikling sagot nya habang hawak hawak ang kamay ko. 

Nag paalam na kami sa isa't isa na para bang hindi na ulit magkikita.                                                           Paalis na ang sinasakyan kong trycicle.Iniisip ko ulit yung nangyare kanina hanggang sa di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. 

Pumasok agad ako sa loob para mag mano sa tito ko,at agad na umakyat sa kwarto para mag bihis.

 Agad akong bumaba para kumain at tapusin lahat ng house chores ko.                                                       Pag ka tapos ko sa aking mga gagawin ay umakyat ako sa kwarto upang mag pahinga at di ko namalayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing.

Admiring from afarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang