Kumagat labi sya at matiim na tumingin sa akin. Alam kong nagiisip sya kung tatanggapin nya ang regalo ko o hindi. Sa tatlong buwan na pagdedate namin ay tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya.

Sino ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sa kanya. Maganda sya at pilipinang pilipina ang dating nya dahil sa morena nyang kutis. Idagdag pa ang kasungitan nya na lalong nagpahumaling sa akin. Pero mabuti na lang at sa lahat ng customer sa club ay ako lang ang hinayaan nyang makalapit sa kanya.

Oh well, dahil na rin yun sa pamimilit ko sa manager nya at panunuhol na rin. Singer sya sa club at hindi talaga sya nagpapatable sa customer dahil wala naman yun sa trabaho nya. Maswerte lang talaga ako at napagbigyan nya. Alam kong may katugon din ang nararamdaman ko sa kanya. May pagaalinlangan lang sya dahil bata pa sya at wala pang lalaki ang dumaan sa buhay nya. Ang plano ko ay ialis sya sa lugar na ito at ilayo. Ayokong may ibang lalaking tumutingin tingin sa kanya. Gusto ko ako lang.

"Sige na nga, pero last na yang ibibigay mo ha. Wag mo ng sundan." Nakangusong sabi nya.

"Opo." Natatawang sabi ko at kinuha ang kwintas sa box.

Pinatalikod ko sya at sinuot sa leeg nya ang necklace. Hinawi ko ang mahabang buhok nya. Lalo pang tumingkad ang kutis nya dahil sa necklace.

Yumuko ako at kinintalan ng halik ang nakalantad nyang balikat. Napangiti ako ng bahagya syang umigtad.

Humarap sya sa akin na namumula ang mukha. "P-Parang hindi naman bagay sa akin." Usal nya.

"Anong hindi? Bagay na bagay kaya sayo. Saka bibilhin ko ba yan kung hindi bagay sayo."

Ngumuso sya. "Salamat. Pero parang nakakatakot na isuot to sa labas baka biglang hablutin ng mga mandurukot."

Tumawa ako. "Kapag nahablot eh di bibilhin ulit kita ng bago."

"Kasasabi ko lang kanina na last na bigay mo na to. Baka mamaya mas mahal pa ang ibigay mo."

"Oo na, yung mas mura na lang."

Sinamaan nya ako ng tingin. Nginisihan ko lang sya.

Mayamaya ay ngumiti na rin sya at hinawakan ang pendant na hugis cloverleaf na may maliliit na puting bato.

"First time ko na nakatanggap ng ganitong regalo. Salamat Atlas." Aniya at kinintalan ako ng halik sa pisngi.

Tila naman may kumiliti sa puso ko dahil sa ginawa nya.

"Bakit sa pisngi? Dapat sa labi." Hirit ko pa sabay nguso.

Mabilis naman nya akong kinintalan ng halik sa labi. "O ayan na. Baka humirit ka pa -- hmp!"

Naputol ang sasabihin nya ng kabigin ko ang kanyang batok at siniil sya ng mariing halik sa labi. Saglit syang hindi kumilos pero mayamaya lang ay gumanti na sya sa halik ko at yumakap na sa batok ko.

Lumalim pa ang halikan namin at naging mapusok. Nagniningas na rin ang apoy sa aking katawan..

"Jessica.. hmm Jessica.."

"Kuya. Kuya."

"Hmm.." Naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na may yumuyugyog sa akin.

"Kuya, Kuya Atlas gising."

Dinilat ko ang mata. Ang nanlalabo kong paningin at unti unting luminaw. Madilim pa sa kwarto ko at tanging lampshade lang ang ilaw. Bumungad pa sa harapan ko ang mukha ni Ava.

"Ava, ano na naman ba at nambubulahaw ka na naman ke aga aga." Inaantok na sabi ko at kinuha ang isang unan at tinakip sa mukha.

"Anong maaga? Mag aalas otso na no. Hindi ka ba papasok sa opisina?"

"Mamayang tanghali na. Madaling araw na ako nakauwi kagabi." Napangiwi pa ako ng sumigid ang kirot sa sentido ko. Medyo naparami ang inom ko kagabi sa bar.

"Huu! Nambabae ka na naman. Penge pala akong pera."

Tinanggal ko ang unan sa mukha at tumingin sa kapatid. Malaki ang ngiti nya sa labi at nakalahad ang kamay.

"Penge pong pera." Nagpapacute na ngumuso pa sya.

Kumunot ang noo ko. "Wala na bang laman ang atm mo?"

Umiling iling sya. "5k na lang ang laman."

Kumunot ang noo ko. "Saan mo dinadala ang allowance mo?"

Ngumuso sya. "Kuya, graduating na ko no. Syempre maraming gastusin."

"Hmm dahilan ka pa. Eh noong isang araw lang sunod sunod na parcel ang dumating sayo."

Kumamot sya sa ulo at ngumiwi. "Eh minsan lang naman yun kuya."

"Tss, mamaya palalagyan ko ng laman ang atm mo." Sabi ko at pumikit.

"Pero kailangan ko ng cash ngayon. Wala akong cash."

Dumilat ako. "Bakit hindi ka manghingi kay mommy?"

"Wala si mommy, umalis."

Kumunot ang noo ko. "Saan nagpunta?"

"Eh di nagzumba kasama ang mga amiga nya."

"Ikaw saan ka naman pupunta?"

"Eh di papasok na sa school. Kaya nga ako nanghihingi ng pera. Penge ng baon."

"Tss." Kinapa ko ang wallet ko na nakapatong sa nightstand.

"Magkano bang kailangan mo?"

"Fifteen thousand."

"Fifteen thousand baon mo!?"

Ngumuso na naman sya. "Eh may bibilhin pa ako sa Watson mamaya."

Umiling iling ako at binuksan ang wallet. Sinilip ko pa sa liwanag ng lampshade ang laman.

Pambihira talaga tong kapatid ko may pagkagastasera. Kasalanan ko rin naman dahil sinanay ko sya noong bata pa. Lahat ng gusto nya binibigay ko.

"Ten thousand lang ang cash ko." Sabi ko sabay dukot ng lahat ng pera ko sa wallet. Malulutong iyon na puro isang libo.

Parang hangin lang na nilipad sa kamay ko ang pera ng mabilis na kunin ito ni Ava.

"Pwede na yan. Thank you kuya." Tuwang tuwang sabi nya at nagflying kiss pa sa akin.

"Sige na umalis ka na matutulog pa ako." Sabi ko at muling tinakip ang unan sa mukha.

"Ok, anyway sino yung Jessica na tinatawag mo kanina? Chelsea ang name ng bagong girlet mo di ba? Sumbong kita kay mommy. Kabi-kabila na naman ang babae mo."

Tinanggal ko ang unan at tiningnan ng masama ang kapatid.

"Ay aalis na pala ako. Bye kuya kong babaero!" Nakangising paalam nya at mabilis ng lumabas ng kwarto ko.

Napapikit na lang ako ng mariin at bumuntong hininga. Dumilat ako at tumitig sa kisame. Sigurado namang di na ako makakabalik sa tulog nito dahil sa panaginip ko na yun.

Bakit ba madalas na sya ang laging laman ng panaginip ko? Pilit ko na nga syang kinakalimutan pero lagi akong dinadalaw ng mga alaala nya sa panaginip.

Limang taon na ang nakalipas. Siguradong kinalimutan na nya ako kaya dapat lang din na kalimutan ko na sya.

*****


DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now