chapter 1

12 0 0
                                    

Hi ako nga pala si mikaella, you can call me mika for short. 4th year highschool, at kekwento ko lang karanasan ko sa isang tao na gusto ko currently.

Since the first of day of school wala pa akong friends. Kabisado ko narin mga pasikot sikot sa campus namin kasi dun ako nag aral year 2019 and grade 7 ako nun. Bago ako pumasok sa school nagwait muna ako sa waiting shed kasi di pa binubuksan ang gate and oo meron akong kapatid dun and kinakapatid na nag aaral. Since second ship sila pwede kami magkita. 3pm ang start ng pasok namin at magbubukas ng 2:45 ang gate at papasok kami sa school ng 2:55. Nakakapagod kasi 4th floor yung room namin. Nung nagpasukan na, agad naman akong umakyat sa building namin, muntik pa nga akong pumasok sa isang room kasi di ko alam kung san dun sa dalawa ang room ko, hindi ko na rin tinignan nun sa phone kasi nervous ako di lang halata. Pumasok ako sa likod ng pinto namin at umupo sa dulo, tinanong ako ng babae na studyante kung nakapag temp nako so i said hindi pa kaya kinuha ko ang bag at pumasok dun sa pinto sa harap nakita ko si jude, classmate ko noong gr.5 ako. Oo late na nga rin kami nun, nakihiram ako ng ballpen kasi diko makuha sa bag nasa pinakaloob. Nung ako na ang pipirma sinabi ba naman ng maam namin na bawal daw hiraman ng ballpen, so ako wala lang sakin. After kong magtemp at pumirma binigay ko agad yung ballpen ni jude. Umupo na ako pagkatapos. Maraming familiar faces akong nakita dahil naging cm ko yung iba nung gr.7 pati na rin nung gr.8 at 9 ako. I'm gonna be the prettiest girl in our class ganon kasi ung goal ko dati kaya palagi akong nag aayos. Nag orient nun si maam at ako naman ay nakikinig hanggang sa natapos ang orientation namin at nag sitting arrangement na, Hindi naman ako nalayo sa inupuan ko, na adjust lng ako malapit sa dulo. Nung nagbreaktime, kumain lang ako ng biscuits kasi naman diko alam kung anong gagawin ko.
After ng breaktime pumunta ako ng cr para magsalamin at mag ayos kasi i feel na super duper haggard kona.
Then after nun nagsagot kami. Hanggang sa nag election kami at muntik pa akong ma elect sa muse.

Uwian na namin umulan pa nga, wala akong dalang payong. Andaming nag aalala sakin that time. Chinat ako ni mama at nagchat din ako na wala akong dalang payong kaya nung sinabe ni mama na susunduin niya ko nagwait ako sa court at umupo sakto, naman na ang daming students. Habang naghihintay, may kausap ako sa cp isa yung gc, habang paunti ng paunti ang mga studyante sa court. Sakto namang may lumapit saakin na teacher at nagtanong bigla namang dumating si mama kaya umuwi na kami deretso.

Pagdating namin ng bahay ay agad kong nilagay ang bag ko sa upuan kasama na yung bagong bigay na bag at mga notebook. Agad naman akong nagbihis at nagtali ng buhok. Dumeretso ako ng kusina para maghilamos at sa cr naman ay para maghugas ng braso at binti. After nun nagspray ako sa buong katawan ko nag alcohol kasi galing akong school at agad naman akong kumain dahil gutom na ako. Nag uusap usap sila pero ako ay tahimik lang hanggang sa tinanong nila ako na kamusta daw yung school at sumagot naman ako. After kong kumain naghugas nako ng plato.

(10 minutes after)
Nagpahinga muna ako bago mag cp at nakipag bond muna sa kanila.

(9pm)
Umakyat nako sa higaan ko. Double deck kasi yun. Kaming dalawa dun ng kapatid kong babae na si lai at sa baba naman sila mama dada at kapatid kong bunso na lalake na si goy.
Agad kong inakyat din ang bag ko nun at nagbuklat ng notebook dinisenfect ko rin muna pala ang bag ko dahil pag di ko ginawa yun papagalitan ako ni mudra(mama). Pagkatapos ay nag cp nako scroll scroll, usap usap sa mga taong kilala at mahalaga sa buhay ko.

(11pm)
Lahat sila natutulog na at still,
ako nalang ang gising. 12 kasi ako natutulog dahil may pinagpupuyatan ako.

(Kanibukasan)
Maaga akong nagising dahil umuulan, nakita kong wala na sila mama at dada. Ang bunso ko namang kapatid na lalake na si goy ay natutulog pa at ang kapatid ko namang babae na si lai ay nagreready na. Tinanong ko siya kung may pasok ba siya sumagot naman siya ng oo kaya nagluto nako ng ulam at pagkatapos ay pinakain ko na rin siya dahil may service na kami nun sinundo siya dito at umalis na. Sinarado ko ang pinto at naglinis agad ng bahay naghugas ng plato habang tulog pa ang bunso kong kapatid.

Take one's leaveWhere stories live. Discover now