Naglibot libot lang ako at nakakatakot tumuntong sa second floor dahil semento na sahig palang iyon talaga at may mga bakal pa na maaaring makatakid sa iyo, nakakalula. Bumaba na rin ako matapos tignan ang progress doon.

Pagkababa ko ay nangunot ang noo ko ng makita si Klyde na may dalang tatlong supot na naglalaman ng mga pagkain, ipinapamigay n'ya iyon sa mga construction worker kahit hindi pa oras ng break time.

"Architect, nandito na si Engineer." Napalingon di sa akin si Klyde ng sabihin iyon ng porman.


"Oh! Shanaiah, bakit nandito ka?" Nakangising tanong n'ya at inabot sa akin ang isang burger, para namang parte ako ng budget nila, "Gusto mo?"

"No thanks," Sagot ko at hinubad na ang suot na hard hat dahil nakakadagdag iyon sa init na nararamdaman, "Nakausap ka na ba ni Architect Manabat?"

"A-Ahh, ehh..Hindi ko ito project. Sub lang ako dito ngayon para tignan kung gumagawa ba ng mabuti itong mga worker. May sakit 'yung tropa ko na may handle dito," Sagot n'ya

"Sana nga ikaw na lang ang Engineer dito, Engineer Delos Reyes. Ang higpit ng Engineer namin dito, talagang break time lang kami nakakapag pahinga, hindi katulad mo na pinapag meryenda kami at pinapatigil sa pag gawa kapag sobrang tirik na ang araw. Kapag trabaho, trabaho talaga." Singit noong porman.

"Sus, si Engineer Curtis ba kamo? Binabatuk-batukan ko lang iyon e." Napairap naman ako sa kalokohan na pinapagsasabi ni Klyde.

"Uuna na ako." Sambit ko at hinubad na rin ang boots na pinahiram sa akin dito.

"Huwag bata ka pa!" Suway ni Klyde, kahit kailan talaga.

"I will go now," Sagot ko at tinalikuran na sila

"Ingat Architect!" Habol pa na sigaw ni Klyde.

Napakunot ang noo ko ng makarating ako sa tapat ng bahay kung saan naka park ang kotse ko.

"Bwisit!" Inis na bulong ko at umupo para magkapantay kami ng gulong ng kotse ko na flat. Bakit ngayon pa? Ang dami ko pang pupuntahan!

Inis akong bumalik sa loob para hanapin si Klyde.

"Klyde." Kumakain pa rin s'ya noong makabalik ko.

"Yes, Master?" Tanong n'ya habang ngumunguya.

"Flat 'yung gulong ng kotse ko—"

"HAHAHAHAHA!" Mas lalo akong napairap sa inis noong tawanan n'ya ako.


"Bilisan mo na nga d'yan, ihatid mo muna ako sa firm, naghahabol ako ng oras!" Inis na sambit ko dahil alam ko na Traffic ngayon kapag ganitong patanghali.


"Tara na Master, huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kotse mo." Kumindat s'ya bago ako talikuran at pumunta na sa kotse n'ya, agad naman akong sumunod sa kanya.


Ang malas talaga ng araw ko! Nakakabwisit. Traffic pa noong nasa biyahe kami ni Klyde, sinasabi ko na nga ba! Halos isang oras na hindi gumagalaw ang kotse, ayaw ko namang tumakbo sa initan.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now