"Argghhhhh...."halatang hirap siyang huminga. Nakadapa siya habang nasa likod niya ako. Pero kahit nakalocked ang mga kamay niya ay unti-unti siyang lumuhod at nagawa niyang tumayo.


"Ahhhh!"napasigaw ako nang umatras siya saka niya ibinangga sa gilid ng sasakyan ang likod ko.

Naipit ako ng likod ni Cloud at ng sasakyan. Hindi ako bumitaw mas lalo kong hingpitan ang pagkakasakal sa kanya.


"Ahhhh!"napasigaw na naman ako dahil halos madurog ang likod ko nang tumama ulit sa sasakyan, sa pagkakataon na ito ay napabitaw na ako at napaupo rito sa lupa.

Hawak niya ang leeg niya at naghahabol ng hininga. Pupulutin niya ang baril! Pinilit kong bumangon, saka mabilis na tumakbo at pinulot ang maskara! Agad akong kumilos papuntang sasakyan!


"Seya!!!" Sunod sunod na putok ang pinakawalan niya. Hanggang sa makasakay ako dito sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Itinago ko sa ilalim ng upuan ko ang maskara.


"Huwag kang tatakas!!"

"Traydor ka Cloud! Walang hiya ka!"

Nahabol niya ako at nakasakay siya rito sa passenger seat at pilit na inaagaw ang manibela sa akin.

"Nasaan ang maskara?!"

"Hindi ko ibibigay sayo traydor!"

Siniko ko ang mukha niya pero mas malakas siya. Nang suntukin niya ang sikmura ko ay halos mawalan ako ng malay.

"Ahhh!"impit na sigaw ko.

"Tigilan mo ito, Seya! Wala ka ba talagang takot!"

Nagre-reload siya ng magazine, bigla kong kinabig pakanan ang manibela kaya nabitawan niya ang hawak niyang baril.

Naihagis iyon sa kalsada.

"Sh*t! Nasaan ang maskara?!"galit na galit siya.

"Mamatay ka na Cloud! Dahil hindi ko ibibigay sayo!"

Nagsi-swerving ang sasakyan dahil pilit niyang inaagaw ang manibela sa akin. Nang kabigin niya ang manibela pakanan ay napunta kami sa mga kakahuyan. Nagpatalbog talbog ang sasakyan at padausdos itong umarangkada dahil pababa na ito. Pilit kong tinatapakan ang brake pero hindi na ito gumagana.


Hanggang sa bumangga kami sa puno at nagpagulong-gulong ang sasakyan pababa. Nang tumigil ay nakataob ang sasakyan. Naipit ako ng Airbag. Hilong hilo ang pakiramdam ko, gusto ko tuloy sumuka! Pero hindi ako makaalis dahil naipit ako dito sa loob. Malaya namang nakalabas si Cloud sa kabilang pintuan.


Kinakapa ko ang maskara.

"Ito ba ang hinahahanap mo?"

Natatawa siya habang hawak niya ang bagay na iyon. Nakuha na niya!

"....makulit ka talaga kahit kailan Seya. Akala mo bubuhayin kita? Magsama kayo ng mahal mong si Reign dahil sigurado akong patay na iyon ngayon."

She Captured My Heart (Secret Agent Series #1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon