Seduction 39: Party 3

Magsimula sa umpisa
                                    


Nagbabago lahat nang tao Karl! un ang katagang lumabas sa bibig nia. 


Hindi ako nakaimik hindi ko sya mabasa pero bakit parang nabasa nia ang iniisip ko. 


Tama ka pero sana hindi ka na lang nagbago Margot para hindi naging ganito kahirap ang lahat! prangkang sagot ko sa kanya. 


Hindi na sya sumagot pero muli syang tumitig sakin, doon ko nakita kung gaano kalungkot ang mga mata nia. 


Naramdaman ko na lang na mabilis niang inalis ang mga kamay nia sa balikat ko at mabilis na naglakad palayo sakin. 


Gusto ko sana syang habulin pero nahagip nang mata ko sina Gilbert at Bernadeth. Mabilis akong naglakad para maabutan ko sila. Yakap yakap ni Gilbert si Bernadeth habang naglalakad.


Wait Bernadeth! habol ko sa kanya, humarang pa ako sa dadaanan nila.


Napatigil silang dalawa at kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka kanina pa ako bumagsak dito sa sobrang sama nang tingin ni Gilbert sakin.


Bernadette please let me explain... ! pakiusap ko sa kanya.


Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Bernadeth na para bang dun sya kumuha nang lakas nang loob para makapagsalita.


Karl we can talk some other time but this time let me go home! malumanay na sagot nia sakin na may himig pakiusap.


Kung ganun hayaan mo na lang akong ihatid kita! pakiusap ko pa.


Ako na maghahatid sa kanya! matatag na wika ni Gilbert na lalo pang hinigpitan ang yakap sa asawa.


I'm his date ako nagdala sa kanya dito kaya ako maghahatid sa kanya pauwi! seryosong sagot ko kay Gilbert.


Nagsukatan kami nang tingin ni Gilbert pero nagsalita si Bernadeth.


You must stay here Karl, si Gilbert na bahalang maghatid sakin" pahayag ni Bernadeth


Hinawakan ko ang kamay ni Bernadeth para makiusap pero mabilis na inagaw sakin un ni Gilbert.


Bernadeth please... " muling pakiusap ko.


Natatakot akong pakawalan sya ngayon dahil baka hindi na nia ako bigyan nang pagkakataon makapagpaliwanag.


Halatang mainit na rin ang ulo ni Gilbert dahil sa nangyayari.


Pare pwede ba nakapagdesisyon ang asawa ko kaya hayaan mo na kaming makaalis" iritadong pahayag ni Gilbert na sadyang diniinan ang pagkakasabi nang asawa ko.


Last time i checked wala nang asawa si Bernadeth, dating asawa un ang meron sya! iritado din sagot ni Karl kay Gilbert.

Seducing  My Ex-wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon